Chapter 27: Tatlumpu
Matapos matanaw ni Caloy ang paparating na si Red ay kaagad naman itong sinalubong nila Myrna at Prances. Malayo palang ay matamlay na ang mababanaag sa itsura nito. Hindi rin nito kasama si Marilyn. Marahil naganap na ang ayaw sana nilang mangyari ngunit sa ngayon ay wala rin naman silang magagawa. May mga kasagutang nasasagot gayunpaman ay wala pang vaccine na lalaban sa virus.
“R- red?” nag-aalinlangan niyang sinambit ang ngalan nito.
“Wag kayong lalapit sa akin. I am infected.” Diretsahang nasambit nito.
Nagkatinginan sila nila Prances at Caloy. “A- anong ibig mong sabihin? Ano bang nangyari nang sundan mo si Marilyn?”
Nagsimula itong magkwento.
……….
“Marilyn! Marilyn!” pagtawag ni Red sa tumakas na case study. “Putang ina ka! Sinungaling ka pero hahabulin pa rin kita! Bumalik ka rito tarantado ka!”
Patuloy ito sa pagtakbo. Umabot na sila sa kasunod na village. Mga limang kilometro na rin ang layo mula sa pinanggalingan nilang village kung saan naiwan ang van. Pagod na siya. Kahit gaano siya ka-fit ay matagal na rin magmula noong tumakbo siya ng ganoon kalayo at ganoon katinding intensity.
“Hoooooh! Putang ina!” napamasid siya sa mga bahay sa paligid ng village na iyon. Hindi tulad sa kabila ay wala iyong mga numero sa labas na pader. May mga bahay din na bukas ang pinto. Hindi maganda ang kanyang kutob. “Tang na infected na yata ang mga tao rito.”
Marahan siyang lumakad upang hanapin si Marilyn. Pilit na walang ingay ang ginawa niyang paghakbang. Napakunot ang kanyang noo sa nakita sa unang bahay. Isang babae na kinakain ang isang lalaki. Kinakain ang paa. Nagkalat ang dugo. Napatingin ito sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata. Gayunpaman ay inalis din nito sa kanya ang pansin. Nagpatuloy ang babae sa pagkain sap aa ng lalaki.
Sa sumunod na bahay ay mayroon namang lalaki na binubunot ang sariling buhok ng isa. Halos hindi na makita ang mukha nito dahil sa dami ng dugo. Labis na pwersa ang dahilan kung bakit pati anit ay nabubunot nito.
Napakarami pa niyang nakitang mga karumal-dumal na kaganapan dulot ng Desire V-30 virus sa mga taong nahawa. Hanggang sa marating na niya ang huling bahay ngunit wala pa rin doon si Marilyn. Madilim ang bahay. Ang duda niya’y doon ito nagtatago kaso lang ay nag-aalangan siya dahil baka bigla siya nitong sunggaban at mahawa pa siya ng sakit. Kinuha niya sa kanyang bulsa ang kanyang phone. Nabasa niya ang chat ni Myrna sa bagong gawa nitong gc.
“Tang na naman ang hilig niyo kasing magpunta sa kung saan. ‘Yan nasa panganib tuloy kayo. Pati tuloy ako nahahawa sa inyo. Nakakagigil kayo.” Binuksan niya ang flashlight ng phone. Marahan siyang humakbang sa bungad ng pinto. Itinapat niya ang ilaw ng flashlight sa loob. Laking gulat niya dahil may lalaking kumakain ng mga chandelier, light bulb, phone at flashlight. Tumayo ang lalaki. “Tangna naman. Sa dami nang matatapatan.” Doon niya napagtantong ang desire ng lalaki ay mga bagay na nagbibigay liwanag.
Humakbang siya paurong. Humakbang naman palapit ang lalaki. Hinawakan niya ang baril sa likod niya na nakapasok sa kanyang suot na pantalon.
“Aaaaaaah!” sigaw nito saka nagtatakbo patungo sa kanyang direksyon. Ilang talampakan bago siya nitong marating ay pinaulanan niya ito ng bala hanggang sa mawalan ito ng buhay at tuluyang bumulagta sa sahig.
“Putang ina mo ka!” saka niya tinanggal ang suot niyang facemask at dumura. Hindi pa niya iyon nasusuot muli nang biglang may humawak sa dalawa niyang braso. Nabitawan niya ang hawak na facemask at baril. “Bitawan niyo ako! Tang na niyo!”
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...