Chapter 137: Anti-Zombie
“Tama na ang away!” sigaw ni Myrna. “May solusyon na sa lahat ng problema natin. Kailangan na munang magamot ang sugat mo Romina. Alam naman na natin ang vaccine sa Desire V-30 virus hindi ba? At alam niyo na rin ba kung paano bumalik sa pagiging tao si Romina? May gamot na rin sa zombie infection.”
Nagtagumpay naman siya sa pagpapatahimik ng lahat. Walang kumibo. Kagyat na pumasok sa loob ng cabin si Yberr upang kumuha ng first aid kit upang ipanggamot sa sugat ni Romina. Hindi naman pumasok ang bala sa hita nito. Daplis lang ‘yun talaga. Inabot lang nito ang kit. Si Romina na ang gumamot sa sarili nito sa tulong ni Donita at lola. Kapag dumikit pa kasi silang mga hindi naman infected ay baka mas marami pa ang mahawa ng Desire V-30 virus.
Habang naggagamot ang mga ito sa mesa ay nag-aayos at nag-uusap naman ang iba sa likod ng cabin. Ang pamilya nila Julio at Juliana kasama ang mga anak na sina Jessie at Jenny ay kumalma na.
Sina Yberr, Manolo at Red naman ay bumalik na sa loob ng cabin upang mag-ayos at maglinis. Doon kasi dumiretsong pumasok si Romina noong zombie palang ito. Marami rin itong nabasag at nagulo sa loob.
Kinausap ni Myrna si Maliah. “Anak, Maliah. Tingnan mo na muna ang kapatid mo sa loob. Samahan mo na muna siya sa kwarto. Baka nagising kasi siya sa ingay dito sa likod eh. Samahan mo na muna si Hope doon.”
“Okay Mama Myrna. I love you both po Mama Myrna at Mama Prances.” Nakangiting pumasok ang bata.
Matipid na ngiti ang puminta sa kanyang mga labi bago bumuntong-hininga.
“Myrns. Masaya akong hindi ka infected.” Sambit ng kasintahan.
“Masaya rin ako Ces. Though kapag na-infect ako ay pwede na tayong maghawak. Kaso lang wala naman yayakap sa ating mga anak. Alam kong sesermonan mo ako kapag nangyari ‘yun. Kaya mas okay pa rin talagang maging ayos ako para lumaban sa ating pamilya.”
“Mabuti naman at alam mong masesermonan ka.” Biro pa nito.
“Kailangan lang nating mag-proceed sa naunang plano. Sayo na muna ‘yung unang vaccine na mabubuo mula sa dugo ni Donita. I’m not sure kung natapos siyang gawin ni Ruby kanina. Bilang ikaw ang unang infected sa kanila ay sayo dapat ‘yun. Tapos dahil infected si Donita ay hindi tayo makakakuha ng dugo sa ngayon sa kanya. Gagawa nalang tayo ng paraan upang makakuha at makakilala ng isang adult na may kapansanan. Doon tayo bubuo ng bagong dosages ng vaccine para kina Romina, lola, Caloy at Ruby.” She paused. “Makakabuo na rin tayo ng mas maraming vaccine laban sa zombie infection. Sana rin kapag pinag-aralan na natin mamaya ang natitirang blood samples nila Julio ay makabuo tayo ng bakuna para naman sa kanila.”
Dinig na dinig naman ang usapan nila Caloy at Ruby. Walang tigil ang bibig ng babae. Hanggang sa bahagya itong lumapit sa kanila.
“Myrna may kailangan kang malaman. May kapalpakan pang ginawa ang Romina’ng ‘yan kanina.” Saad ni Ruby.
“Grabe naman may nagkalat na dugo sa loob. Ang hirap tuloy linisin. Mabuti nalang at ayos na.” sambit ni Manolo na muling lumabas matapos maglinis sa loob ng cabin. Kasunod nito sina Yberr at Red.
“Ang dugong ‘yun ay ang blood sample ni Donita na gagamitin sana para sa dosage ng bakuna para kay Prances. Kaso lang noong pumasok ang ex-zombie na ‘yan kanina sa cabin ay nabunggo niya ang set-up ko. Gagawin ko na sana ang bakuna. K-kaso lang ay natapon ang lahat ng dugo.”
Natigalgal siya sa narinig. Huminga siya ng maluwag at pilit na pinakalma ang sarili. Sa bilis na uminit ng ulo niya at mga padalus-dalos na desisyon ay kailangan pa ring umiral ang kanyang leadership skill sa pagkakataong iyon. Hindi pwedeng lumabas sa kanyang bibig ang mga katagang sa huli ay kanyang pagsisisihan. She needed to be the bigger person.
“Wag kayong mag-alala. Kumpleto na rin naman ang iba pa nating mga kemikal at gagamitin para sa pagbuo ng bakuna eh. Kailangan nalang natin ng taong may kapansanan na pwedeng makapag-donate ng dugo. Hindi pwede si Donita ngayon dahil infected siya. Kapag may nahanap na tayong pwedeng pagkuhanan ng dugo ay gagawa na kami ng mas maraming dosages ng vaccine para sa lahat ng mga kaibigan at kasamahan nating infected.”
“Paano kung wala tayong mahanap Myrna ha? Nasa gitna tayo ng pandemic. Kaaway ang tingin sa atin ng mga tao dahil kinakalaban natin ang peke nilang Diyos.” Tulad ng kanyang inaasahan ay kokontra kaagad si Ruby.
“Wag kayong mag-alala. Ako na ang bahala maghanap ng tao na may karamdaman na pwedeng makatulong sa atin.” Mabuti na lamang at may naisip kaagad na magandang ideya si Yberr. “Susuyurin ko ang mga social media sites pati na rin ang websites at records ng iba’t-ibang mga ospital dito sa Baguio. Aalamin ko na rin kung sinasamba nila si Xavier.”
“Maraming salamat Xavier.” -Myrna.
“Kasalanan niyo ‘tong magkapatid eh!” muli na namang nanisi si Ruby.
“Pwede ba Ruby tama na.” pag-awat ni Caloy.
“Patawarin niyo ako. Kasalanan ko ‘to.” Bigla lumuhod si Romina.
“Tumayo ka Romina. Hindi mo kailangang lumuhod at humingi ng tawad. Kagagamot lang ng sugat sa hita mo. Baka mamaga pa ‘yan at ma-infect.” Pagsuway niya rito. Gusto niya sana itong lapitan ngunit hindi niya nagawa.
“Hindi Myrna eh. Kasalanan ko naman talaga. Kung hindi kami umalis ng kapatid ko rito. Kung hindi ko pinairal ang takot ko na baka mapahamak kami edi sana ay hindi ako nakuha ng mga tauhan ni Jonathan. Hindi sana ako naging zombie. Hindi sana nataranta si Donita. Hindi sana marami ang nahawa. Kasalanan ko ang lahat ng ito kaya sana ay mapatawad niyo ako. Sana ay hindi nalang ako natakot sa safety naming magkapatid dahil napakabuti niyong mga tao. Wala kayong ibang inisip kundi ang kapakanan ng ibang mga tao at ang matapos ang pandemyang ‘to. Patawarin niyo ako.” Niyakap ni Donita ang ate nito.
“Wala kang dapat ihingi ng tawad.” Sambit niya. “Ginawa mo lang ‘yung Romina dahil sa pagmamahal mo sa iyong kapatid. Naiintindihan ko ‘yun. Naiintindihan namin ‘yun. At alam mo bang kung hindi dahil sayo ay hindi ko malalaman ang gamot sa zombie infection?”
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...