Chapter 72: Love Wins
"Alam ko pong sinasabi niyong kayo ang buhay na Diyos. Pero sa tingin ko 'ho ay wala naman kayong magagawa sa emosyon at nararamdaman ni Yberr para sa akin. Mabuti pong sumuko nalang ako." Iyon ang naging tugon ni Chichay kay Xavier.
"Tama ka naman." Pagsang-ayon niya rito. "Wala akong magagawa sa emosyon niya dahil puso't damdamin niya 'yun. Pero bilang buhay na Diyos ay kaya ko siyang kontrolin para mapasaiyo siya." So he uttered the most tempting statement that he could told him.
"M-magagawa niyo 'yun?" Nauutal na tanong nito.
"Oo naman. Sa tingin mo ba ay joke time lang ang pagiging buhay na Diyos ko? Basta maging tapat kitang tagasunod ay matutupad ang iyong mga kahilingan."
"Ano pong kapalit?" Diretsong tanong ng tagilid na nilalang.
"Hahaha! Maging tapat ka lang sa akin. Kapag nakuha ko na si Yberr bilang IT expert ng aking pamumuno ay hawakan mo siya sa leeg. Bantayan mo ang lahat ng kanyang kilos. Control him. Tapos ay isa ka ring sikat na stylist hindi ba? Pwede mo ring pamunuan ang wardrobe at make up team ko. Kailangan akong magmukhang Diyos. Saya nakaatang ang responsibilidad na 'yun."
Dali-dali itong lumuhod sa kanyang harapan. "Kung gayon po ay tanggapin ninyo Panginoong X ang aking katapatan sa inyong paghahari bilang isang buhay na Diyos dito sa daigdig. Tinatanggap ko po ang responsibilidad na maging head ng inyong wardrobe and make up team. Gagawin ko pong kaiga-igaya ang inyong itsura. Isang Diyos na gagalangin ng lahat. Pinapangako ko rin po na sa oras na mapasaakin si Yberr ay babantayan ko ang lahat ng kanyang kilos at sasabihin iyon sa inyo."
"Tumayo ka aking kampon. Dahil sa iyong mga tinuran ay sisiguraduhin kong makukuha mo ang iyong naisin bilang iyong buhay na Diyos."
...Dahil sa nangyaring pagtakas ni Red sa anak ni Xavier at iba pang mga bihag ay pinahanap na nga ng huwad na Diyos sa Team Spider si Red lalo na ang bata. Ilang linggo na rin mula nang mag-hire siya ng private investigator katulong ang kanyang IT team upang mahanap si Yberr. Kailangan na niya itong makuha. Advance na ang kanyang IT system pero nalulusutan pa rin. Tulad na lamang nang ma-hack ng kung sinumang kasama ni Red ang CCTV ng Heaven's Palace.
Ang isang patunay naman na advance at grabeng moderno ang IT system ng kanyang team ay ang naganap na paglalaban ng mga fighter jets at tangke na sumugod sa kanila para makipagdigma.
Ang concentrated particles ng Desire V-30 na hinalo sa mga ulap upang maging ulan ay naglalaman ng micro chips. Hindi nga basta micro eh. Nano pa at higit pa na hindi basta-basta nakikita ng naked eye. Ang micro chip na iyon ay naglalaman ng program kung saan kayang kontrolin sa database ng Heaven's Palace IT room ang araw ng infection ng infected na ito. Kapag nasa loob na ng kanilang katawan ang chip at infected na sila ng virus ay kayang ma-monitor ang katawan ng infected na mga tao at kaya ring i-adjust ang araw kung kailan mati-trigger na patayin sila ng kanilang mga desire.
Ganoon ang nangyari sa araw ng digmaan. Na-adjust ang araw ng infection to less than thirty days. Kaya nga nagbigay pa ng fifteen minutes na palugit si Xavier para mag-take effect ang program. Na-trigger ang mga desire ng mga militar. Ang ibang mga wala sa fighter jet at tanker ang mga desire ay nag-amok at nabaliw kaya pinagbabaril ang kanilang mga kasamahan. Merong hindi mga infected pero nadamay dahil sa pag-aamok.
Ang problema sa IT intervention na 'yun sa micro chip na naka-control sa virus ay one time use lamang. Hindi na ma-replicate ng kanyang IT team kung paano nila iyon nagawa. Kaya naman kailangan pa ring tamnan ng metal na bomba at spy nila Xavier ang mga tao bilang bahagi ng kanyang kahilingan. Iyon din ang dahilan kung bakit ganon na lamang ang pagnanais niyang makuha si Yberr sa kanyang panig. Ang expertise nito ang kailangan niya upang tuluyang mapaghalo ang science at IT. He badly needed him on his team by hook or by crook.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...