Chapter 142: Paalam sa Walang Kwentang Tao

8 1 0
                                        

Chapter 142: Paalam sa Walang Kwentang Tao

Sa Heaven’s Palace…

“Hmmm… Kailangang matapos ko na ito. Mayroon akong hindi magandang nararamdaman.” Sambit ni Xavier habang kausap ang sarili. Mag-isa siya sa laboratoryo ng palasyo. Tulad ng sinabi niya kay Joaquin ay magmula ngayon ay siya na ang bahalang kumilos. Kahit na nahihirapan sa kanyang ginagawa dahil nakasakay sa wheelchair ay tuluy-tuloy pa rin siya. Ilang oras na siyang nagkukulong sa kanyang lab. Naka-focus siya sa kanyang ginagawa. 

“This virus is the future. It can extend the life of human beings specially the elderly and those with severe diseases. It can also lead to immortality of human. I’m still confirming it’s existence and possible configurations and mutations make it an active virus…”

Iyon ang eksaktong mga kataga ni Xavier tungkol sa virus of immortality sa araw na sinabi niya ang tungkol dito sa Pacific Lab sa Sydney, Australia. Iyon din ang araw na narinig ng kanyang ex-PR head at pumanaw na unang zombie na si Carmela. 

Habang abala si Jonathan sa paglikha nito sa Desire V-30 virus ay tinitipon naman niya ang mga detalye at sample ng virus of immortality. Palihim siyang kumikilos tungkol doon. Sa katunayan nga ay pinanakaw niya pa pumanaw na rin na si Martin ang posibleng pinamamahayan ng virus of immortality. Ito ang puso ng puting tigre na pagmamay-ari ng Prime Minister ng China. Tama, hindi lang basta-basta pagsubok kay Martin ang pagkuha sa puso ng puting tigre taliwas sa sinabi niya rito. Hindi iyon pagsasayang ng effort. Isa iyong lihim na misyon upang mapasakamay niya ang pinakamahalagang bagay na pwedeng mas lalong bumago sa buhay ng mga tao sa mundo. Ayon kasi sa kanyang pananaliksik, ang virus of immortality ay naninirahan sa puso ng puting tigre. Iyon din ang dahilan kung bakit matagal ang buhay ng mga puting tigre. Gayon pa man ay namamatay pa rin ito dahil hindi sapat ang bilang ng virus upang i-sustain ang buhay nito sa mas matagal pang panahon. Iyon ang inaaral niya ngayon. Kung paano mapapalakas ang virus of immortality para sa taong tuturukan nito. 

“Bwahahahaha!” napatawa nalang siya. “Malapit na. Malapit na malapit na ito. Kailangan ko nalang itong i-test for clinical trial. Matatapos ko rin ito.”

Nagpahinga na muna si Xavier sa kanyang ginagawa. Bago ‘yun ay pinatawag niya sina Daniel, isang British at si Takashi, isang Hapon, ang dalawa pang matataas na myembro ng Team Spider.

“Where’s Joaquin?” bungad niyang tanong sa mga ‘to. 

“He’s still not coming back after he left to check on Ralph.” Tugon ni Daniel.

“I see. I smell something fishy. I think he’s really against me. Do you remember what we talked about last time?” tanong niya rito.

“I told the both of you in advance to remain after our first meeting here in the Philippines because I wanted to discuss a great opportunity for the both of you.” He said while straightly looking into their eyes.

“What is that opportunity Lord X?” Daniel asked.

“You heard Joaquin earlier. He don’t want anyone to fill the two other personas of Team Spider. But what if something happened to him? This fight is unpredictable. We should be ready anytime. I would like to appoint you as the second and third personas. But it’s a secret among the three of us. You know Joaquin. He may look good in the outside but the inside, he’s a fucking monster. So what can you say about my offer?”

“It’s fine with me. I hate Joaquin. He’s too much for me.” Mabilis na tugon ni Takashi.

“Great Takashi. How about you Daniel?” 

“So who’s the second persona between me and Takashi?” tanong ng ambisyosong si Daniel.

“You.” Tugon niya rito.

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon