Chapter 106: Sermon
Na-corner na si Rona ng kanyang ate Ruby at ni Red. Wala na siyang choice kundi magsabi ng totoo sa mga 'to. Isa pa ay wala naman siyang balak na maglihim sa mga 'to.
"Rona sumagot ka sa tanong namin. Paano kayo nagkakilala ni Jonathan? Anong alam mo rito sa mga zombie na 'to?" Inulit ng kanyang ate ang mga katanungan nila para sa kanya.
"Matagal na kaming magkakilala ate. Sa katunayan ay magkaibigan kami." Pagtatapat niya.
"ANO?!" sabay na reaksyon ng dalawa na halatang gulat na gulat.
"P-paano nangyari 'yun? Paano kayo nagkakilala? At magkaibigan? Magkaibigan kayo ng hayop na 'yun? Siya lang naman ang dating kanang kamay ni Xavier. Si Jonathan lang naman ang lumikha ng Desire V-30 virus at ng mga zombie na 'yan. Nagkatotoo ang aplocalyptic movies dahil sa kanya. He's a mad scientist. Paano kayo...? Napakamot na ng ulo ang kanyang ate sa dami ng mga katanungan nito.
Pilit siyang tumayo. "Umalis na muna tayo rito ate. Kung hahayaan niyo lang makatakas si Ralph ay mabuting umalis na nga tayo rito. Ilang zombie palang ang dala ni Jonathan. Hindi pa talaga ito ang tunay na laban."
Inalalayan siya nitong makatayo. "Tunay na laban? Anong tunay na laban ang pinagsasasabi mo Rona ha? Ilang zombie nga ang dumating dito pero andami namang nakagat at naging zombie din. Andaming nasira. Wala akong pakialam sa mga nasira eh pero pati 'yung mga bakunang ginagawa nila Ralph ay nasira. 'Yun ang dahilan kung bakit hindi na muna natin kailangang patayin ngayon si Ralph o gumawa ng masama laban sa kanya. Kailangang mapadala na muna nila ang mga bakuna sa mga taong na-infect sa ulan noon. Kailangang makaligtas ang bilyun-bilyong mga tao."
Huminga siya ng malalim. Noon niya lang 'yun napagtanto. Napag-usapan naman nila ang planong 'yun sa La Union palang. Ibibigay ni Myrna at Prances ang secret files kina Xavier upang mai-mass produced na ang bakuna sa mga tao sa buong mundo lalo na sa infected ng ulan. She felt really sorry.
"Patawad ate. Masyado akong naging makasarili. Nang malaman ko ang plano ni Jonathan ay isinagawa ko na rin ang plano ko. Sumama ako sa Team Spider para makapunta rito at masiguradong mamamatay si Ralph. Sayang at hindi siya namatay. Na-trap ako ng zombie rito sa fifth floor."
"Teka nga Rona ha. Alam mo ang mga plano ni Jonathan? Baka naman pati ang mga plano natin ay nabanggit mo sa kanya?"
Tumango siya ng dahan-dahan.
"Oh my God Rona! Anong ginagawa mo? Kaya nga may grupo tayo di ba? Kaya nga tayo bumubuo ng mga plano. Confidential ang mga 'yun! Sa dami ng pagsasabihan si Jonathan pa talaga?! Hindi ito ang panahon para magpadalos-dalos ng desisyon. Kailangan mong pag-isipang mabuti ang mga bagay na sasabihin sa ibang tao at kung kanino mo sasabihin ang mga bagay na 'yun." Sermon sa kanya ng kanyang ate.
"Ehem! At talagang galing sayo 'yan ah. 'Yang wag magpadalos-dalos ng desisyon." Pagsingit ni Red.
"Tumahimik ka dyan Pula. Personal na desisyon ko ang pumunta rito at iligtas ang kapatid ko. Wala akong other agenda against sa mga kaaway. Pero kapag may chance na patayin sila G lang naman. Pero ulit hangga't maaari ililigtas ko lang ang kapatid ko. That's my primary goal here."
"Sige sabi mo eh. Parang iba ang sinabi kanina..." Tugon ni Red.
"Ang sinabi ko lang naman kay Jonathan ay 'yung tungkol sa secret files eh. Na ibibigay natin 'yun kina Xavier para magkaroon na ng maraming bakuna. Wala pa naman ibang plano maliban 'dun di ba?"
Kitang-kita niya ang pagkadismaya sa mukha ng kanyang ate Ruby. "So sinabi ni Jonathan na magpapasugod siya ng mga zombie rito ganon? Tapos chance mo na 'yun para mapatay si Ralph. Para mapatay si Ralph ng zombie. Tama ba?"
"Oo ate." Mahinang tugon niya.
"Hindi mo ba nakita na ginawa lang 'to ni Jonathan para masira 'yung mga bakuna. Or other personal and demonic reason. Hindi ka 'nun basta-basta tutulungan ng wala siyang mahihita sayo. Alam niyang may mass production na ng bakuna kaya tinapat niya ngayon ang pagsugod. Gusto niyang inisin si Xavier. Nakita mismo namin Rona ang mga nasayang na bakuna. He hitted two birds in one stone. Pati 'yung effort natin lalo na nila Myrna at Prances, si Prances na nahawa pa ng virus at si Liza na namatay pa ay nasayang. Dahil ang goal natin ay mailigtas ang mga tao hindi ba? Kahit na masakit kina Myrna na ipamigay nalang basta-basta ang secret files ay ginawa pa rin nila. Sana 'yun man lang inisip mo kapatid ko."
"S-sorry ate. Sorry talaga. Gusto ko lang namag mawala na si Ralph eh. Kapag naaalala ko siya ay bumabalik lahat ng panloloko niya sa atin. Hindi ko alam ate kung pagkasilang ng batang 'to ay matatanggap ko siya kapag naalala ko si Ralph." Tuluyang pumatak ang luha sa kanyang mga mata.
"Sana nilapitan mo nalang ako hindi ba? Sana kinausap mo nalang ako Rona. Ano bang mali sa mga sinabi ko? Sinabi kong tutulungan kita. Sinabi kong hindi na kita iiwan. Tayo ang magkapatid dito at iisang pamilya. At nasa isang team din tayo. Kailangan nating makipag-cooperate sa kanila. Sinuway ko na nga sila ngayong gabi eh para mailigtas ka. Sana naman ay wag nating aksayahin ang time and effort ng isa't-isa." Huminga ito ng malalim. "Uulitin ko Rona. Mahal na mahal kita. You've been independent all these time. Now you need to cooperate and have a sense of teamwork. Kahit hindi na sa buong team, kahit sa ating dalawa nalang."
"Tama na 'yan Ruby." Biglang hinawakan ni Red ang balikat ng kanyang ate. "Kailangan na nating umalis dito. Tahimik na. Baka natalo na ang lahat ng mga zombie."
Inalalayan siya ng kanyang ate pababa sa hagdan ng fire exit. Doon sila dumaan pababa. Nakarating sila sa parking area sa basement. Nagtago sila sa hanay ng mga sasakyan ng makakita ng napakaraming myembro ng Team Spider. Halos puro may lahi ang mga 'yun. Papasok ang lahat sa palasyo.
"Ano 'yan? Ang daming namatay sa loob na Team Spider hindi ba? Bakit biglang andaming recruit?" Tanong ng kanyang ate.
"Baka ito talaga ang tunay na bilang ng Team Spider." Tugon ni Red.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science-FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
