Chapter 32: Tomboy

40 1 0
                                    

Chapter 32: Tomboy

“Hindi ako tomboy.” Muli pang inulit ni Prances ang katagang iyon kay Myrna. Labis siyang nasaktan na ipagduldulan iyon ng kanyang kaibigan. Hindi rin naman siya tomboy. 

“Ha?” nakaabang na ang luha sa kanyang mga mata. “Tama ka. Hindi tayo tomboy. Siguro nga nadala lang tayo ng mga pangyayari sa basement. Nasa bingit na kasi tayo ng kamatayan. Kung anu-ano nalang ang naiisip at nasasabi natin.”

“Kalimutan na natin ‘yun Myrns. Let’s just go back to what we used to be. Best friends. Sisters. At ngayon ay co-parents para kay Maliah. Okay ba ‘yun?”

“Okay na okay.” Pilit ang ngiti na puminta sa kanyang mga labi. 

Saka siya nito niyakap, as a friend. Matapos nilang magyapos ay bumalik na ito sa loob ng motel. Nagpaiwan na muna siya sa labas. Magpapaantok ang kanyang alibi ngunit ang totoo’y ilalabas pa niya ang luha na pilit niyang pinigilan.

“Ah!” saka niya inilabas ang sakit sabay sa pagpatak ng luha sa kanyang mga mata nang matanaw niyang nakapasok na sa loob si Prances. “Hindi ako maaaring magkamali Prances. Hindi eh. Mahal kita. Gusto kita. Pilit kong pinigilan ‘to pero iyon ang totoong nararamdaman ko. Siguro nga tomboy ako.”

……….

Bumalik ang mga ala-ala noong sila pa ni Jonathan. Kasama ang lihim na itinatago ni Myrna. 

“Jonats narito na ang listahan ng menu natin for the wedding.” Kagagaling niya sa kanilang wedding coordinator at kinuha ang menu. Sobrang abala nila sa paghahanda para sa nalalapit nilang kasal. 

“Thanks Myrns.” Saad nito. Matamlay na naman ito. Lutang at sabaw. Tila nakaparami nitong iniisip. Noong unang dalawang buwan lang ng kanilang engagement niya nadama na excited ito. Sa mga sumunod na buwan ay wala na ito sa sarili. Kadalasan din ay may iba itong inaayos. 

“May problema ka ba Jonats?” tanong niya rito saka niya minasahe ang mga balikat nito. 

“Huh? Wala naman. May mga iniisip lang ako tungkol sa lab, sa bagong research assignment ko.” Gayunpaman ay hindi siya naniwala sa tugon nito. Alam niyang may problema. Kilala niya ito. 

“Para mawala ang pagod mo ay halika na rito sa kama.” Hinila niya ito patungo sa kanyang kama. Nasa kwarto niya kasi sila. Sa bahay niya ito pinapunta matapos niyang makuha ang wedding menus sa reception. She literally seduced him.

Actually, effective naman ang pagtatalik as stress reliever ni Jonathan. Kapag napapansin niyang stressed na ito sa trabaho at buhay ay inaakit na niya ito. Hindi naman siya nahihirapan. Magkasintahan naman kasi sila at fiancei na nila ang isa’t-isa. Mga lalaki pa ba? Kapag may kumalabit sa mga ‘yan, go kaagad lalo na kung karelasyon.

Ngunit may matinding nililihim si Myrna. Sa tuwing nagtatalik sila ni Jonathan ay never pa siyang nagka-orgasm. Pangalawang boyfriend niya palang ito. Ang una niyang nobyo ay noong kolehiyo pa siya. Pre-COVID-19 pandemic pa iyon. Nakipagtalik na rin siya sa first boyfriend niya. Iyon nga ang kumuha ng kanyang virginity eh. But just like on Jonathan’s situation ay hindi rin siya napa-orgasm ng kanyang unang nobyo. 

She had an orgasm once, nang makipagtalik siya sa kapwa babae. Tama. Nakipagtalik na siya sa kapwa babae. Ngunit wala iyong emotional attachment. Nang magpunta siya sa Singapore para sa kanyang kauna-unahang research assignment internationally ay saka iyon nangyari. Lasing na lasing siya noon. Nagtratrabaho sa lab sa SG ang babae. Nag-party sila. Nalasing. Nadala siya ng mga pangyayari. Pag-uwi nila sa kanilang tinitirhan ay natagpuan nalang niya ang kanyang sarili na nakikipaghalikan s akapwa babae. Gamit na nila ang daliri ng isa’t-isa while giving each other’s pleasure. Noon lang siya nagkaroon ng orgasm habang nakikipagtalik. Daliri pa ang gamit. Kaya naman kung nais niyang magpalabas ay nagsasarili nalang siya gamit ang sariling mga daliri. Hindi niya masabi kay Jonathan na daliri ang susi upang labasan siya. Malaking sampal sa ego ng mga lalaki ‘yon. She couldn’t afford to hurt the man she loved. Kaya naman sa tuwing nagtatalik sila ay pinepeke niya ang kanyang orgasm upang hindi ito makahalata.

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon