Chapter 80: Habilin
Wala pa ring tigil si Myrna sa kanyang pagdadalamhati. Natigalgal nalang din si Caloy sa kanyang nakita. Mga bangkay na nakahandusay. Duguan at walang buhay. Mga kaibigan, mahal sa buhay at mga kakampi sa laban na ito na kinuha na. Walang hininga. Namaalam na.
Biglang dumating si Liza sa may basurahan sa gilid ng lab kung saan sila naroon. Inakay ito ni Maliah at ng ilang mga kasamahan sa kanilang village. "Nakita naming umalis na ang eroplano." Saad nito sa Chinese. "Kaya kami..." hindi nito naituloy ang sasabihin.
Dali-dali siyang tumayo at tinakpan ang mga mat ani Maliah. "Please dalhin niyo na muna sa van ang anak ko." Pakiusap niya sa isang Intsik na kasama ni Liza saka niya hinarap ang bata. "Susunod ang mama 'dun ah Maliah. Bumalik na muna kayo sa van."
"Mama Myrna nasaan po si mama Prances?" tanong ng bata.
Hindi siya kaagad nakasagot, sa katunayan ay hindi niya talaga sinagot ang tanong nito. "Sige na Maliah sumama ka na sa kanila." Pinagmasdan niyang makalayo ang mga ito.
"Aaaaaah! Mong! Wo Ai Ni! Bakit mo ako iniwan?!" bulalas ni Liza habang yakap ang malamig na bangkay ni Mong. Hindi alintana ng babae ang dugo nito na humahawa sa damit nito. Walang tigil ito sa pagluha.
Napayuko nalang si Caloy matapos pagmasdan ang babaeng nagugustuhan. Malamang kahit na karibal nito si Mong ay hindi naman nanaisin ni Caloy na mawala ang lalaki. Lalo pa sa ganoon kabrutal na paraan.
"Pinagbabaril siya ni Jonathan sa iba't-ibang bahagi ng katawan na walang bullet proof vest. He maybe dead on the spot dahil may tama siya sa ulo. Hindi na naman siya nagawang iligtas sapagkat sa unang silid na pinuntahan namin ay naganap na ang pamamaril. Binihag kami ni Jonathan sa basement. Madaling araw na bago sumikat ang araw nang patayin niya kami at ipatapon rito sa basurahan. Nadatnan nalang din naming rito ang walang buhay na katawan ni Mong. I'm really sorry Liza. I'm really sorry." Matamlay at nanlulumong nasambit ni Myrna. Alam niyang sa pagkakita ni Liza sa bangkay ni Mong ay marami itong katanungan. She deserved to know the truth.
"Sorry Liza." Matipid na nasambit ni Caloy.
"Patay na rin pala si Cutie." Pagtatapat niya sa lahat.
"P-paano?" nauutal na tanong ni Caloy.
"Wala siyang suot na bullet proof vest Caloy noong barilin mo siya."
"P-pero bakit hindi po siya nagsuot?" bigla itong nanginig. "N-nakapatay ako ng tao? 'Yung taong tumulong pa sa atin."
"Marahil sinadya niya 'yun. Nag-iwan na siya ng maraming clues na ito na ang kanyang huling pagtuwid sa lahat ng mga maling nagawa niya sa kanyang buhay. Kung anuman ang dahilan ni Cutie kung bakit niya 'yun nagawa ay hindi na natin alam. Pero sana... sana, kung nasaan man siya ngayon ay sana kasama na niya ang kanyang anak. Sana rin ay nakahingi na siya ng tawad sa kanyang asawa. At least sa huling pagkakataon sa kanyang buhay ay tumulong siya upang masugpo ang kasamaan dito sa mundo. Hindi pa man tapos ang maghahasik ng lagim nila Xavier at Jonathan. We will make sure na hindi masasayang ang pagbubuwis niya ng buhay."
Napaluha nalang si Caloy. Mababaw din pala ang luha nito. "Opo nga. Ipapanalangin ko nalang din po ang kanyang kaluluwa. Sorry po Cutie." Napahinto ito. "Nasaan na po pala si Ma'am Prances at si sir Martin?"
Hindi nakaimik si Myrna. Nanigas ang kanyang buong katawan sa tanong na iyon. She became emotional again. Bigla nalang rumagasa ang tubig na nagmula sa kanyang mga mata at hindi na niya iyon napigilan pa. Nanghina rin ang kanyang mga tuhod dahilan upang mapaluhod siya sa lupa.
"M-myrna, nasaan sila?" sinegundahan ni Liza ang tanong ni Caloy. "May nangyari rin bang masama sa kanila?"
Ilang sandali pa'y lumabas si Prances mula sa pinakamalapit na pinto sa kanilang kinaroroonan. Buhay ito. "Handa na ang mga labi ni Martin. Ako na ang nag-embalsamo para maiuwi natin sa Pilipinas tulad ng kanyang kahilingan. Ginamit ko ang mga pwedeng kemikal at gamot na nasa loob ng lab."
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science-fictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
