Chapter 121: Pinsan

12 1 0
                                    

Chapter 121: Pinsan

“Sino ka? Infected ka ba?” tanong ni Jonathan sa lalaking nasa kanyang harapan pagkagising sa ilalim ng puno matapos siyang umalis sa Heaven's Palace.

“Kilala kita. Ikaw ang dating kanang kamay ng Panginoong X.”

Patuloy na siya sa pag-urong upang makalayo.

"Sandali lang. Wag kang matakot. Tutulungan kita. May mapupuntahan ka ba?"

Sa sinabi nito at sa naging tanong nito ay napatigil siya at napaisip. "B-bakit mo naman ako tutulungan? Ako ang dating kanang kamay ng Diyos-Diyosan na 'yon. Ako ang lumikha ng Desire V-30 virus. Ako rin ang lumikha ng zombies. Ako 'yun. Dapat ay magalit ka sa akin. Baka nga dahil sa akin ay may mga mahal ka sa buhay na nawala eh. Dahil sa akin itong Baguio City ay kuta na ng nagpapanggap na buhay na Diyos. 'Yung dating mga bulaklak na pinagdidiwang niyo ay puro damo na. Ghost town na ang dating tourist attraction. Ngayon sabihin mo sa akin, bakit mo ako tutulungan?"

"Wala naman akong pakialam dito sa Baguio eh. Secretary ako rito dati. Alam ko lahat dito. Pinatalsik nila ako dahil nangungurakot daw ako. Wala naman akong mabalikang pamilya dahil ang pinsan ko na nagmamay-ari ng hotel dito ay matagal na akong kinalimutan. Sila na nga lang ang pamilya ko ay tinakwil din nila ako noon. Pinagbintangan nila akong nagnanakaw sa bank account ng hotel nila. Ako na nga ang tumulong. Ako pa ang napasama. Gusto kong sumama sayo. Gusto kong maging kakampi ang isang katulad mo na kayang lumikha ng mga bagay na hindi inaasahan ng tao. Maghihiganti ako sa mga taong nangmaliit sa akin. Maghihiganti ako sa mga pinsan ko. Alam kong matutulungan mo ako kaya naman tutulungan din kita. Alam ko kung saan ka pwedeng magtago. Lahat ng ipag-uutos mo ay susundin ko. Pangako 'yan."

Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito. Matutulungan nga siya ng lalaki. Kailangan niya talaga ng matutuluyan at mga taong mapapasunod. Tila may sapak din ito sa ulo. Gayunpaman ay kailangan niya pa ring mag-ingat. Alam niyang isa rin siyang may sira. It took one to know one. Gagamitin niya lang ito at saka didispatsahin.

"I'm Jonathan." Nakipagkilala na siya rito bilang pagtanggap sa offer nito.

"Sammy po."

Sa Diplomat Hotel nga siya nito pinatira. Luma at nakakatakot na lugar sa lungsod. May access ito sa maraming tourist attractions. Sa simula ay ayaw niya pa nga eh. Sino ba naman ang gustong mag-opisina at manirahan sa isang hunted hotel? Pero may punto ito, sino rin ba ang bibisita sa ganitong klase ng panahon kung kailan pandemya at nagkatotoo na ang mga zombie. It's the safest place for a hideout.

Maliban sa pagpapatuloy sa kanya sa hotel ay si Sammy rin ang nanguna upang ipaayos ang mga kwarto sa hotel upang gawing kulungan ng kanyang nga zombie. Nakakuha ito ng mga tao na naghihirap at gusto ng pera. Nang matapos na ang mga kulungan ay saka naman niya ginawang zombie ang mga 'to. May naipon naman siya mula sa pagtatrabaho niya bago at noong nasa poder siya ni Xavier. Gayunpaman ay hindi niya aaksayahin ang kanyang mga pera sa mga taong ito. Mas napakinabangan niya ang mga 'to bilang zombies. Karamihang nga sa mga 'to ang pinasugod niya sa Heaven's Palace.

Si Sammy na rin ang kanyang naging assistant, utusan at tagahanap ng mga taong pwedeng gawing zombie kung sakaling kakailanganin niya.

Biglang may kumatok sa labas ng pinto ng kanyang opisina tapos ay bumukas din ‘yun. Si Sammy na kanyang assistant ang pumasok sa loob.

“Bakit ka pumasok?! Hindi mo narinig na inis na inis ako dahil ‘dun sa putang inang pekeng Diyos na ‘yun? Porket walang kwenta ang mga pinto rito sa hotel na ‘to dahil sobrang luma na ay hindi mo na ako bibigyan ng privacy? Porket tinulungan mo ako sa lahat ng kailangan ko ay hindi mo na ako rerespetuhin ang gagalangin?!” 

"Sir Jonathan meron pong naghahanap sa inyo." Tugon nito.

"Nandito na siya?" Tanong niya.

"Paano kayo nagkakilala?"

"Kilala mo rin siya?" Muli niyang tanong dito.

"Magkaibigan kami ni Jonathan." Pumasok na ang taong sinasabi nitong naghahanap sa kanya. Si Rona. "Nandito ako para tulungan siya sa kanyang misyon na mapabagsak ang pekeng Diyos. Si Jonathan ang dapat na nakupo doon. Siya ang nakaimbento sa lahat ng 'to tapos ngayon ay napanuod kong sa kanya isinisisi ang lahat ng nangyayari bilang paghuhugas kamay ng Xavier na 'yun. Hindi pwede 'yun."

"Maraming salamat dahil kinontak mo ako Rona sa kabila ng mga balita at mga pinagsasabi ng putang inang Xavier na 'yun. Maraming salamat talaga. Malaking tulong sa akin kung madadagdagan ang mga normal na tao sa team ko. Matutulungan mo si Sammy sa pagsasagawa ng mga plano ko."

"Ano nga bang plano mo Jonathan?"

Huminga siya ng malalim saka isang makahulugang ngiti ang puminta sa kanyang mga labi. "Army of the dead. Sila ang magpapabagsak sa aking mga kaaway. Sila ang maglalagay sa akin sa posisyon bilang pinakamataas sa kanilang lahat. Ako ang magiging Diyos. Hahaha!"

"Napakaganda ng iyong mga plano Jonathan." Papuri mula kay Joan. "Kung gayon ngayon palang ay sisimulan na kitang tawaging Panginoong Jonathan. Lord Jonathan sa English."

Nag-umapaw sa saya ang kanyang ego sa narinig na tinawag nito. "Ano ka ba naman Rona? Hindi pa naman eh. Pero ang sarap palang pakinggan. Hahaha!"

"Sir Jonathan... Panginoong Jonathan. Ihahatid ko na muna po si Rona sa kanyang tutuluyang silid. Lumalalim na po ang gabi. Pagpahingahin na muna po natin siya. Kayo rin po Panginoon, magpahinga na muna kayo." - Sammy.

"Sige Sammy. Mabuti pa nga." Binaling niya ang atensyon kay Rona. "Magpahinga ka na muna. Bukas na tayo muling mag-usap."

"Goodnight Panginoong Jonathan."

.....Nagpupuyos sa galit at inis si Sammy. Napakagaling mambola ni Rona. Ngunit higit pa sa pambobola nito ang galit niya rito.

"Dito nga pala ang kwarto mo. Silid ito ng isang traydor noon. Dito rin siya pinatay sa kwartong ito." Inilahad pa niya ang kanang kamay habang pinapaliwanag ang kwento sa likod ng silid na pinagdalhan niya rito.

"Mabuti't hindi ka rito Sammy? Mahal kong pinsan." Tugon at tanong ni Rona.

Ito nga ang isa sa kanyang dalawang pinsan na kumalimot na sa kanilang relasyon at ipinagtabuyan siya. Pinagbintangan siyang nagnanakaw sa bank account ng hotel na pagmamay-ari nito. Tapos ay pinalayas pa siya at hindi binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag.

"Hindi maganda ang kutob ko sayo mahal kong pinsan. Maliban sa mga multo sa hotel na ito ay nakabantay din ako sa lahat ng ikikilos mo Rona. Mahirap na. Kung ako na kapamilya niyo ay nagawa mong ipagkanuno, si Jonathan pa kaya? Babantayan kita. Tandaan mo 'yan. At kung kakayanin kong mapatalsik ka rito ay gagawin ko. I'll do everything to get rid of you."

"Utusan ka lang ni Jonathan. Magkaibigan kami. Tingnan lang natin kung sino ang mapapatalsik dito."

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon