Chapter 118: Almost an Extinction

12 2 0
                                        

Chapter 118: Almost an Extinction

Isang araw bagong ang thirtieth day of infection ng seventy percent of human race population sa buong mundo. Ilang bilyong mga tao ang pinag-uusapan doon. Nagkakagulo na ang mga bansa. Puno ng takot at kaguluhan ang mga lugar. Dumating na ang mga tao sa rurok ng kanilang pagiging makatao. 

May mga nakaabang sa mga airport kung saan ibababa ang supplies ng bakuna. Mga taong infected na hindi na makapaghintay na maturukan. May naglabas pa man din ng footage ng pagsugod ng zombie sa Heaven’s Palace. Marahil ay kina Jonathan nanggaling ang mga footage upang mas masira nito si Xavier. Marahil upang hindi maubusan ng limited supply ng bakuna kaya nag-abang na ang mga ‘to sa mga airport. 

Sa India…

Hindi na inabot pa ng thirtieth day ang mga infected pati na rin ang mga inosenteng napadaan sa airport area. Nagkaroon ng madugong barilan sa pagitan ng mga sibilyan at ng mga pulis at mga militar. Hindi na kasi masawata ng mga tagapagpatupad ng batas ang mga tao na pilit pumapasok sa airport. Nambabato na ang mga ‘to ng mga establisyimento. Nagsasakitan na rin ang mga ‘to. Napilitan na ang mga pulis na magpaputok at pagbabarilin ang lahat ng nanggugulo. 

”Hamen teeka do!!!”

”Hamen teeka do!!!” sigaw ng mga infected na Indiano na ang ibig sabihin ay ibigay na sa kanila ang bakuna.

“Aaaaahhhh!” sunod ay sigawan at putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Sunud-sunod. Hanggang sa ungol ng mga taong unti-unting nawawalan ng buhay ang namutawi sa paligid. Mga taong ang hinangad lang naman ay madugtungan pa ang kanilang mga buhay ngunit tila mas napadali pa ito sa ginawa nilang pagtungo kung saan bababa ang mga bakuna.

Sa Thailand…

Halos ganoon na rin ang sitwasyon. Hindi nga lang katulad sa India na kung saan basta-basta nagpaputok ang mga armadong pulis at military ng kanilang mga baril. Sa Thailand ay diniklara na muna ang martial law bago nagkaroon ng sapat na kapangyarihan ang mga armadong tao na pigilan ang pagsugod ng mga tao sa airport at vaccination center upang gumawa ng takot at kaguluhan. Marami ring namatay sa bansang ‘to dahil sa martial law. Kahit kasi nakailalim sa batas militar ang buong bansa ay ayaw pa ring magpaawat ng mga tao. Mas nangingibabaw ang takot at anxiety na mamamatay na sila kinabukasan. 

“Reā t̂xngkār thī̀ ca mī chīwit xyū̀” sabay-sabay na sigaw ng mga tao sa Bangkok na nakaabang sa pinakamalaking vaccination site sa kabisera. Ang ibig sabihin ‘nun ay gusto nilang mabuhay. 

Sa South Africa…

Dagdag pa ang mga infected na mga hayop sa kanilang malalawak na disyerto ang kanilang problema. Napagalaman na kulang ang bakuna para sa mga hayop na naipadala roon. Dahilan upang ang mga natitirang hayop na infected na makapanghawa sa iba pang hayop. Pati na sa mga halaman at tao. Bago ang ika-tatlumpung araw ay dinagsa na rin ang mga vaccination centers. Ang problema ay sinugod din sila ng mga leon, tigre, elepante. Hayena at iba pang mababangis na hayop. Hindi nga sila namatay sa virus at sa bala ng baril tulad ng ibang mga bansa ngunit binawi naman ang kanilang mga buhay ng mga hayop na minsang ipinagmamalaki ng kanilang lugar.

Sa Amerika…

Kahit ang pinakamakapangyarihang bansa ay hindi rin nakaligtas sa delubyong hatid papalapit na thirtieth day extinction kung tawagin ng foreign press. Dahil isa ang kanilang malaking bansa sa huling makakatanggap ng bakuna ay nag-abang din ang milyun-milyong mga Amerikano sa iba’t-ibang Paliparan. Nagsarado na ng boarders ang mga States upang walang makapasok na taga-ibang mga States sa kanila. They wanted to keep their supplies private to their constituents. Gayunpaman ay labis na kaguluhan pa rin ang naganap. Halimbawa na lamang sa LAX airport sa Los Angeles kung saan marami-raming dosage ng bakuna ang ipinadala. Nagkaroon ng stampede kung saan pumatay sa daan libong mga tao. 

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon