Chapter 29: Bohemian Rapsody

19 1 0
                                    

Chapter 29: Bohemian Rapsody

Naglakad palapit sa wet market sina Myrna at Martin. Nakatakip ang kanilang tainga dahil exaggerated talaga ang tugtog. Hindi na musika kundi ingay na.  

“Hayop na ‘yan! Sinong baliw ang nagpapatugtog ng ganyan kalakas sa gitna ng pandemya sa isang wet market? Ganyan kabaliw?”- pasigaw na komento ni Martin.

“Baka ‘yan ang desire niya. Music?!” she responded at the top of her lungs para magkarinigan sila.

“Huh?” dahil papalapit sila nang papalapit sa wet market kaya naman may nakakabibingi ang musika o mas magandang tawaging ingay. Hindi na sila magkaintindihan.

Kinalabit niya ito. Tumigil sila sa paglakad saka siya nag-type sa phone. Susundan kita. Wag tayong maghiwalay. Hanapin muna natin kung saan nagmumula ang tugtog at saka natin patayin ang source. Iyon ang kanyang iti-nype sa kanyang phone.

“Okay sige.” Tugon nito na binasa nalang niya ang mga labi nito. Mabuti nalang din at tumango ito.

Dali-dali itong tumakbo patungo sa kung saan nagmumula ang tunog. Palakas iyon ng palakas. Hindi basta-basta pagtakip sa mga tainga ni Myrna. Mababasag na talaga ang kanilang eardrums kung hindi nila didiinan ang pagtakip sa mga ito. Hindi naman sila nahirapang hanapin ang limang malalaking stereo speaker na nasa dulo ng wet market. Agad na hinanap ni Martin ang power source at iyon ay binunot.

“Thank God!” she sighed in relief matapos tumahimik ang speakers. “Alam mo sa tingin ko ay desires nila ‘yung music.”

“Mukha nga.” Itinuro nito ang isang lalaking nakahiga sa harap ng ika-apat na speaker. Hindi niya iyon kaagad napansin dahil abala siyang magtakip ng tainga at ang lalaki ang sinundan ng kanyang mga mata nang naghahanap ito ng power source. Duguan ang tainga ng lalaking nakabulagta sa sahig. Patay na ito. “Ang nakakapagtaka ay kung bakit walang nagpatay ng speakers? Hindi ba sila naiingayan?” saka nito inihanda ang espadang hawak.

Pumwesto siya sa likod nito. “Sa tingin mo ba sinadyang iwan na nakasaksak ang speakers dahil may iba pang panganib sa paligid?”

“Oo.” Matipid na tugon nito. 

Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib. Ganoon din ang naramdaman niya sa village. Tila may nakamasid sa kanila.

“Ang mabuti pa ay tawagan mo ang mga kasama natin sa van. Palayuin mo ang van sa bungad ng wet market. Mga tatlong kilometro sa unahan at safe na lokasyon. Sabihin nalang nila kamo ang palatandaan nang lulugaran nila. Doon natin sila pupuntahan.” Suhestyon nito.

“Bakit?” tanong niya.

“Papunta ang sound sa direksyong iyon di ba? Sa pinanggalingan natin. Kung anuman ang meron dito ay pinipigilan ng tunog ng speakers ang manggagaling sa direksyon na iyon. Tsaka tingnan mo ‘yang likod ng mga speakers at nitong mismong wet market. Isang malawak na ilog. ‘Yan ang pinakamalaking ilog dito sa Wuhan. Kilala ‘yan bilang mapanganib na ilog. Kaya doon talaga sa harapan sa daan magmumula ang kung anuman o kung sinuman.” Nilingon siya nito. “Gets mo na ba? Tawagan mo na sila kung ayaw mong mahuli ang lahat.”

Napahanga siya sa lalaki kahit paano. May punto ang analysis nito. Hindi lang ito laki ng katawan. May utak din ito. Mas lalo silang dapat mag-ingat. Sa ngayon ay pagkakatiwalaan niya muna ito ng kanyang buhay at ng buhay ng kanyang mga kaibigan dahil kasama ng mga ito ang asawa nito. Tumango siya at kaagad na tumawag sa kanilang GC. “Caloy! Pumunta muna kayo three kilometers forward mula dyan. Itago niyo ang van sa isang safe na lugar doon. I-chat mo nalang dito ang landmark. Doon namin kayo pupuntahan after.”

“Okay po ma’am Myrna. Ingat po!”

Binaba niya ang kanyang phone. Inihanda niya rin ang kanyang translator app. Isinuot ang isang earbuds sa kaliwang tainga.

Saka winasiwas ni Martin ang espada nito sa ikalimang speaker. May isang lalaking Intsik na lumabas mula roon. Tila mas matanda lang sa kanya ng ilang taon. May suot din itong malaking headset na nakasabit na sa leeg. Napahiga ang lalaki. Hindi naman tinamaan ng talim ng espada nito ngunit nakaamba na ito.

“Wag! Wag! Magtago na kayo!” saad ng Intsik.

“Wag daw!” hinawakan niya ang braso ng kasama.

“Nakakaintindi ka ng Chinses?” tanong nito.

“May translator app ako.” Tinuro niya ang kanyang tainga. “Ikaw?”

“Syempre dito ako nagtatrabaho eh. Natuto na ako. Dapat marunong kami. Ibig sabihin maiitindihan moa ko kapag kinausap ko siya ng Chinese din?”

“Oo naman. Kahit ako maiintindihan niya. Mata-translate din sa kausap ko ang language ko.”

“Wow ang astig niyo talagang mga scientist!” komento nito with full of amazement.

“IT namin ‘yan.” Saka niya muling binaling ang atensyon sa Intsik. “Bakit? Bakit kami kailangang magtago?”

“Paparating na sila. Pinatay niyo ang tunog kaya alam nilang may tao. Pupunta sila rito upang alamin kung sino ang nagpatay at kung makukuha na nila ang mga hayop.” Tugon ng banyaga.

“Kukunin ang mga hayop?” sunod niyang tanong.

“Mamaya na ang mga tanong.” Saad ni Martin. “May naririnig akong mga paparating. Saan pwedeng magtago?” tanong nito sa Tsino na malamang in Chinese pero na-translate na sa kanya.

Nagtatakbo sila sa isang lihim na lagusan sa bangin papunta sa ilog. Kailangan nilang humawak sa lubid at maglambitin upang makapunta sa lagusan dahil kung hindi ay sa mismong ilog sila malalaglag. Sa loob ng lagusan ay may iba pang mga Intsik. Kung hindi siya nagkakamali ay mahigpit bente rin ang mga ‘yun. Halu-halong mga babae at lalaki. Mas matatanda na sa kanya ng higit ang edad ng iba. May mga senior citizen na rin.

“Hindi kayo infected dito?” bigla niya tuloy naitanong pero naka-facemask naman silang lahat.

“Hindi naman. Salamat sa Diyos” Tugon ng kaninang Intsik na lalaki. Saka ito sumilip sa isang tila lens na nakasabit at papunta sa itaas, sa direksyon ng wet market. Tila mula sa pwesto ng mga ito dahil sa lens na iyon ay nakikita nila ang nagaganap sa likod ng wet market. 

“Nandito ka Yang?” biglang saad ni Martin.

“Sino si Yang?” tanong niya rito.

“Si Yang ‘yung kinukwento ni Linda na katrabaho namin sa pabrika na may negosyo ng water animals dito sa wet market.” Itinuro nito ang isang mataba at kalbong lalaki.

“Ako ang pinakabata sa aming angkan kaya ako ang pinapunta nila rito.” Tugon ni Yang. 

“Anong ginagawa niyo rito?” 

“Psssssh! Nasa likod na sila ng wet market.” Saad ng naunang Intsik.

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon