Chapter 41: Vial Y

25 1 0
                                    

Chapter 41: Vial Y

“Tulad ng…” nagtago si Linda sa pader sa labas ng pabrika upang walang makakita dito. 

Takang-taka naman si Martin sa ikinikilos nito. Sinundan nalang niya ito. “Ano bang nangyayari? Bakit feeling mo parang may nagmamasid sayo?”

Basahin mo nalang. Hindi niya ako pwedeng marinig. May kakaibang bomba na nakalagay sa katawan ko. Kapag nagsabi ako ng mga bawal ay sasabig ‘yun anumang oras. Marami na akong nalalaman kay Xavier. Noong una ay pera lang naman talaga ang habol ko sa kanya. Pero may mga bagay siyang pinapagawa sa akin. Lalo na at pinapamadali niya ang pagkakaroon ko ng anak. Hindi na niya ako mabubuntis pa. Baog siya. Isinulat lang iyon ni Linda sa phone nito. “Tulad ng… ewan ko ba napapadalas ang hindi niya pagdalaw sa akin. Nalulungkot na nga ako eh. Sige mauna na ako.”

Gayunpaman ay hindi naman ito umalis. Muli itong nag-type sa phone. Tulungan mo ako Martin. Sundin mo ang lahat ng iuutos niya. Tapos kapag may pera ka na ay tulungan mo akong mawala ang bombang ‘to sa katawan ko. Marami na rin naman akong naipon eh mula sa mga binigay niya. Kaya ko nang magpakalayu-layo.

Hindi naman siya makaimik dahil baka marinig din siya. 

Pwede kang magsalita. Nakita ko ang device na gamit niya upang ma-monitor ang mga sinasabi ko. Hindi naman naririnig ang boses at ingay sa paligid ko. Boses ko ang ang nakukuha ng device at bomba sa katawan ko.

“Putang ina naman ‘yan!” bulala niya nang malamang pwede siyang magsalita. “Akala ko naman mahal na mahal ka ng lokong ‘yun. Tapos tinaniman ka ng bomba? Ibang klase rin eh no! Kaya pala ang weird ng mga pinapanakaw niya sa akin. Tama ang kutob ko may mali eh. Wag kang mag-alala. Tutulungan kita. Sikreto lang natin ‘to. Wala akong pagsasabihan. Kaso lang gagawin ko pa rin ang mga misyo ko sa kanya ah? Sayang din ‘yung two hundred million.”

Oo naman. Sundin mo siya. Kunin mo ang tiwala niya. Saka na natin gawin ang planong maitakas ako. May misyon pa rin ako sa kanya.

Doon silang naghiwalay na dalawa. Noon din nagsimula ang kasunduan sa pagitan nila Martin at Linda. Siguro nga ay masama siya. Magnanakaw. Manloloko ng mga tao, mayaman at babae. Pero kahit na kailan ay hindi niya kayang pumatay ng mga taong inosente. Ibang usapan na ‘yun.

Sa wakas ay sinimulan  na ni Martin ang kanyang misyon. Inuna na muna niya ang referral tasks ni Xavier. First stop ay Shanghai, China. Kailangan siyang makakuha ng marijuana leaves doon. Iyon na yata ang pinakamadali sa lahat. Pumitas lang talaga siya na parang wala lang. llegal pa rin naman ang marijuana sa China. Gayunpaman ay may mga nagtatanim pa rin for industrial and medicinal purposes. Sa isang farm siya nagpunta. Nagpanggap na magsasaka. Ta daaa! Nakakuha siya ng isang bag ng dahon ng marijuana.

Sumunod niyang misyon ay sa kapitolyo ng bansa, Beijing. May kahirapan na ang sunod niyang misyon. Kailangan niyang makapasok sa pinaka malaking ospital ng syudad, ang The General’s Hospital of the People’s Liberation Army. May four thousand beds lang naman ang dambuhalang ospital. At military hospital lang naman ‘yun. Masyadong malaki. Maraming tao. At nagkalat ang mga military. 

Sinugatan niya ang sarili malapit sa ospital. Gumawa siya ng eksena. Best actor award went to him. “Aaaaah! I want to die!” saka siya nagpanggap na nahimatay. 

Hindi naman siya nabigo dahil tinulungan siya ng mga tao sa paligid. Saan pa nga ba ang pinakamalapit na ospital? Edi sa The General. Kaagad siyang diniretso sa emergency room. Matapos maampatan ang pagdurugo ng kanyang sugat ay dinala siya sa isang private room. Afford naman kasi niya. Pagpasok niya ay kaagad niyang binuksan ang kanyang phone. Naroon ang na-hack niyang floor plan ng ospital. Kailangan niyang makarating ng sperm donor room ng ospital. Naroon ang vial Y na naglalaman ng sperm ng pinakasikat na artista sa Tsina. Iyon ang ipapanakaw sa kanya pangalawang referral ni Xavier.

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon