Chapter 53: Reverse

17 1 0
                                        

Chapter 53: Reverse

“Pwede ba Martin tama na ‘yan.” Kaagad nang sinuway ni Myrna si Martin upang hindi na sila mag-clash ni Prances.

“Thank you Martin.” Labis nilang ikinabigla ang sunod na sinabi ni Prances. “Thank you din Red. Kung hindi niyo sinundan si Myrna ay malamang patay na kami. Thank you team. Sorry kung naging pasaway ako kanina. Sorry sa tantrums ko. Nilagay ko pa kayo sa kapahamakan.”

“’Yan marunong naman palang mag-thank you at mag-sorry.” Saka nanahimik si Martin.

Wala namang imik si Red sa likod.

“Thank you.” Bulong niya kay Prances.

“Bati na po ang mga mama ko?” tanong ni Maliah.

“Oo naman anak.” Si Prances na mismo ang tumugon sa bata. “Nagkakatampuhan lang kami ng mama Myrna po, Maliah. Pero kahit na kailan ay hindi kami mag-aaway.”

“Yehey! Bati na po kayo! Pwede pong pa-kiss!” sobrang saya ng kanilang anak. Sabay nilang hinalikan ang magkabilang pisngi nito na parang isang masayang pamilya.

Nagpatuloy na sila sa paglalakbay. Sa pagkakataong iyon ay tuluy-tuloy na sila. Tila tinupad ni Cutie ang salita nito. Wala silang long stopover kaya hindi sila nakapag-usap ni Prances. Mas mahalaga pa rin ang misyon at ang makarating kaagad sa laboratoryo. Ilang araw ding dire-diretso ang kanilang byahe. CR break lang ang pahinga. Isang linggo nang infected si Red. Pitong araw. 

…Samantala sa Plipinas. 

“Bobo! Mga bobo!” galit na galit si Xavier sa mga empleyado ng Techno Bio Lab. “Lahat ginagawa ko ngayon para mamatay sina Myrna at Prances sa Wuhan. Hindi pwedeng manatili silang buhay at mag-feed ng mga totoong information tungkol sa Desire V-30 virus at sa pandemyang ‘to! Do you understand?!”

“A-ano pong ibig niyong sabihin Boss X? So mali ang mga binibigay nating information sa government, sa DOH at maging sa WHO?” si Ruby ang nagtanong. Ang babaeng nang-agaw sa ex ni Prances na si Ralph.

“Hoy babaeng mang-aagaw. Pwede ba tumahimik ka nalang.” Labas na labas na ngayon ang tunay na kulay ni Xavier.

“What the…” hindi nito tinuloy ang sasabihin. Halatang gulat sa kinikilos ng kanilang boss.

“Sorry Boss X ah.” Pagsabad ni Ralph. “Wala po kayong karapatang pagsalitaan ng ganyan ang girlfriend ko. Sagutin niyo nalang niyo nalang po ang tanong niya. This means na totoo ang sinasabi ni Myrna sa Wuhan tungkol sa virus? Tsaka sila ang pinadala natin doon hindi ba? Dapat sa kanila talaga tayo maniwala.”

Bumuntong hininga siya. “Okay fine. Sasabihin ko na sa inyo ang totoo. Hindi ko talaga pinadala sina Myrna at Prances sa Wuhan. That’s just their own plans. Nasabi ko kasi na meron akong nababalitaang bagong virus na kumakalat sa China. During that time ay usap-usapan palang ‘yun. Tapos ay bigla nalang silang lumipad.”

“Kahit na po.” Pagsagot ni Ruby. “Sila ang nandoon mismo sa Wuhan. Walang ibang scientist at researchers ang nakakapag-report about Desire V-30. The only source of our news and reports na binibigay natin sa gobyerno at sa WHO ay ang first level of study lang natin. Tulad sa COVID-19 noon ay hindi tayo pwedeng umasa lang sa mga paunang study. It should be base on facts. Grabe na ang lagay sa Wuhan kaya naman lahat ng possibilities ng virus sa mga infected na tao at sa mga hayop at halaman tulad ng sinabi nila ay pwedeng totoo. Hindi magkakasundo ng dalawang ‘yun ay wala akong nakikitang dahilan upang mag-sinungaling sila at magbigay ng fake news.”

“Alam kong ganyan ang tingin niyo sa kanila as your senior researchers. Pero kaya nila ito ginagawa ay gusto nila akong pabagsakin. Bago sila umalis ay pinagbantaan nila ako. Nagbanta silang gagawin nila ang lahat upang mapatalsik ako sa aking pwesto upang sila ang mamuno sa Techno Bio Lab. Iyon ang dahilan kung bakit they bypass us. Hindi ba’t WHO agad ang sinabihan nila? Dahil gusto nilang maging kapani-paniwala sila. Kung totoo ang mga sinasabi nila dapat sa atin sila nag-report. Ngayon, sino ang mas paniniwalaan ninyo? Sila o ako?”

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon