Chapter 65: Vaccine
Hinalikan si Myrna ni Jonathan sa kanyang magkabilang pisngi. Pilit siyang umiwas pero wala siyang laban dahil nakatali siya.
"Hoy Jonathan tumigil ka!" Sigaw ni Prances.
"Selos yarn Prances? Hahaha!" Hinawakan nito ang kanyang baba. "FYI. Unang naging akin si Myrna. Na-experience ko na ang lahat sa kanya."
"Hindi mo ba siya narinig kanina? Wala ka raw kwenta." Pagkasabi ni Prances 'non ay isang malutong na sampal ang binigay ng demonyo kay Prances.
"JONATS!" gigil niyang sigaw.
"Isa pang 'walang kwenta'. Isa pa!!! Huhugutin ko ang mga dila niyo! Ikaw Prances kung nagseselos ka manahimik ka nalang. Kayo naman na di ba? Susubukan ko lang namang kumbinsihin itong si Myrna na makipagbalikan sa akin eh. Hotdog is better than tilapia. Ano 'yan magkikiskisan lang kayo ng mga tilapia niyo?" Muli nitong binaling ang atensyon sa kanya. Walang anu-ano'y hinalikan siya nito sa kanyang labi. Halik ni Hudas. Kailanman ay hindi na niya hinangad na muling mahalikan pa nito. Dahil sa nakakasulasok na tagpo ay kinagat niya ang labi nito. Dumugo ang itaas na labi nito. "Aaaaaaah!"
"Putang ina mo Jonathan!" Lalo siyang nanggigil dito. Dinura niya ang dugo nito. "Pwe!"
"Aaaaaah! Aaaaaah! Tarantado ka Myrna! Putang ina mo! Aray ko! Aray ko! I want a doctor here! Gamutin niyo ako! Doctor please! Doctor! I need a doctor assholes!" May dumating ngang medical team at kaagad na kinuha si Jonathan.
"Ang arte ah. Ako nga ang dapat na tingnan ng medic eh dahil nagkaroon ako ng dugo ng demonyo." Komento ni Myrna.
"Okay ka lang ba Myrns?" Tanong sa kanya ni Prances. "Sumosobra na talaga ang demonyong 'yun."
"Okay lang ako Ces. Kalmahan lang natin."
Pinagmasdan muna nila ang kabuuan ng basement lab. Ang mga bahagi noon. Pati na rin ang mga taong nakabantay. Isama na rin ang mga CCTV cameras.
Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay bumalik na si Jonathan na may betadine pa sa labi. Umiling-iling ito.
"Ganyan ka ba kahayok sa akin Myrna? Kailangan mo pa akong kagatin." Muli itong umupo sa harap nila. Hindi niya ito pinapansin. Wala naman itong matinong sasabihin tungkol sa kanila. Wala na siyang pakialam sa nakaraan nila. Ang mahalagang dapat nilang malaman ay tungkol sa virus at sa vaccine nito. Gayunpaman ay patuloy pa rin ito sa pagkukwento. "Alam mo ba Myrna. Muntik na akong tumiwalag kay Boss X noon. Ikaw ang dahilan. Minahal naman talaga kita eh Myrns. Oo nagsimula 'yun sa part of our plan para matyagan ka dahil ikaw ang pinakamatalino sa Techno Bio Lab. Tapos best friends pa kayo ni Prances na isa ring matalinong researcher at scientist. Pero minahal talaga kita. Kaso lang sa tuwing magtatalik tayo ay alam kong pinepeke mo lang ang orgasm mo. Hindi ka masaya. Hindi kita napapasaya. Kahit sa relasyon natin ay pinaramdam mo sa aking wala akong kwenta."
Huminga siya ng malalim. Tiningnan niya sa mga mata si Jonathan. Alam din naman niya ang kanyang naging pagkakamali sa relasyon nila noon. Tama naman talaga ang mga sinabi nito. Hindi niya nga rin ito masisi ng buo na hindi ito sumipot sa kanilang kasal.
"Minahal din kita Jonats. Kaya nga nasaktan ako noong iniwan mo ako sa simbahan eh at pinagpalit sa ambisyon mo. Ambisyon na sobrang taas naman pala talaga. Sorry kung naramdaman mo 'yung mga bagay na sinabi mo noong tayo pa. Totoo naman 'yun. I will not deny. Hindi mo talaga ako nasa-satisfy. Pero kaya rin ako nagpapanggap para maramdaman mong hindi ako nasa-satisfy. I'm really sorry Jonats." Hindi niya inakalang hihingi pa rin siya ng tawad dito. Sa sitwasyon nila ngayon na isa ito sa utak ng nararanasang pandemya ng mundo ay hihingi siya ng tawad sa demonyong ito.
"Sorry din Myrna kung iniwan kita sa ere at sa altar noon. Sorry kung inuna ko ang ambisyon ko. Sorry kung inuna kong maghiganti at isakatuparan ang mga plano ko." Mas lalong hindi niya mapaniwalaan na humihingi ito ng tawad sa kanya ngayon.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...