Chapter 97: Puso't Mga Pangamba

15 3 0
                                        

Chapter 97: Puso't mga Pangamba

Syempre pa ay may sarili ring moment sina Myrna at Prances sa bahay nila Myrna sa La Union.

Naglakad-lakad sila nang naga-disguise at todo facemask sa kahabaan ng dalampasigan kung saan naroon ang dating mga kainan at bar sa lugar. Wala nang nakabukas ngayon doon. Kung meron man ay take out nalang. Doon sa nag-iisang nagpapa-take out sila nakakuha ng supply ng pagkain. Si Prances na mismo ang bumili dahil hindi naman siya kilala sa lugar. Kung may makakilala man sa kanya ay baka pagkamalan lang siyang multo dahil inanunsyo na noon ni Xavier na patay na sila. Wala pa naman itong bagong anunsyo kahit alam na nitong buhay na sila. Iyon ang mas nakakatakot. Dahil wala na yata si Jonathan sa panig ni Xavier ay mas naging tahimik ang diskarte nito laban sa kanila.

"Ano sa tingin mo ang plano ni Xavier, Myrns? Wala na tayong espiya sa loob Heaven's Palace. Ano kayang nangyari kay Yberr?" Sunud-sunod ang katanungan ni Prances at mga negatibong hinuha.

"Ang totoo niyan Ces ay nangangamba rin ako sa lagay ni Yberr eh." Huminga siya ng malalim. "Sana lang ay may natitira pang kabutihan kay Chichay. Wag sana niyang hayaang may mangyaring masama sa best friend niya."

Napahinto siya. "Kung ang susunod namang plano ni Xavier ay hindi ko na rin alam. Tuso siya. Mas nag-iisip siya kumpara kay Jonathan. Kaya nga siya ang pekeng buhay na Diyos eh. Matalino siya pero walang puso. Kailangang mas maging tuso tayo kahit na walang tayong alam sa pinaplano ng kaaway."

Malayo ang bahay nila Myrna sa sunod na bahay. Sa kanila ang pinakadulo. Narating na nila ang bukas na kainan for take out pero wala pa rin silang nabubuong plano. Bumili na muna sila ng panghapunan nila.

"Naglabas na ng mas maraming supply ng bakuna para sa mga hayop at halaman ang Panginoong X." Narinig nilang saad sa headline ng reporter sa radyo sa loob ng tindahan. "Hindi lamang dito sa Pilipinas ngunit maging sa buong mundo. Ang pinapangambahan lamang ngayon lalo na ng mga infected na nahawa noong umulan ng Desire V-30 virus ay ang kawalan pa ng bakuna para sa mga tao. Hanggang ngayon ay sinasabi ng Panginoong X na may bakuna na pero wala pa ring sample man lang at wala pa ring mass production. Nalalapit na ang ika-tatlumpung araw ng mga infected. Dalawa lang ang maaaring mangyari sa kanila. Una ay mamatay sa kanilang mga desires o maging mga taong tila ba nauulol dahil hindi nila makamit ang kanilang desires. Mahigit seventy percent ng population ng buong mundo ang maaapektuhan ng pinangangambahang thiertieth day dilemma na ito. Bilyong mga tao ang mamatay at masisiraan ng bait sa loob lamang ng isang araw. Kaya naman nananawagan na ang mga tao sa Panginoong X at sa lahat ng bumubuo sa Heaven's Palace na ibigay na ang bakuna sa lalong madaling panahon."

Paglabas nila ng tindahan ay may naisip nang plano si Myrna. Inilahad niya 'yun may Prances.

"Sigurado ka na ba dyan Myrns?" Paninigurado nito.

"Oo Ces. Sa tingin mo ba ay mapanganib?" Tanong niya rito.

"Basta kailangan lang nating mag-ingat." Kinuha nito ang kanyang kanang kamay. Holding hands sila habang mabagal na naglalakad. Wala ng ulan sa hapong iyon. Payapa na rin ang dagat. Malakas ang alon pero normal na iyon ng ElYu. Papalubog na rin ang araw. Kulay dugo ang kalangitan. Naghahalong maganda ang tanawin at nagbabadya ang paparating na panganib. "Lalo ka na Myrns. Buo ang tiwala ko sayo pero lalong nagiging mapanganib ang lahat. Tila ang Pilipinas na ang pinaka mapanganib na lugar sa atin ngayon. Dito naninirahan ang pekeng Diyos. Mas madali niyang makontrol ang ating bansa kumpara sa China at iba pang mga bansa sa buong mundo."

"Mag-iingat ako para sayo Ces. Iingatan din kita. Hindi ako papayag na may mangyaring masama sayo. Kaya tulad ng dati ay please ingatan mo rin ang sarili mo. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sayo."

Mas humigpit ang pagkakatangan nila sa isa't-isa. Sa pagkakakapit palang nila ay alam nilang poprotektahan at aalagaan nila ang bawat isa sa kung anumang panganib ang paparating. Sapat na 'yun sa ngayon. Ang masiguradong nasa tabi nila ang isa't-isa. Iyon nalang ang sigurado ngayon. Ang kung anong meron sila.

Naging kakaiba ang haplos nila sa isa't-isa. Naging mapusok at makahulugan. Wala namang problema dahil in a relationship na sila at nagmamahalan naman sila.

Pagkadating nila sa bahay ay sama-sama silang naghapunan. Isang masayang hapunan dahil buo silang lahat. Si Caloy na naman ang bumangka sa tawanan. Sa bawat halakhak ay tila nakalimutan nilang nasa gitna sila ng pandemya at nasa panganganib ang kanilang mga buhay dahil kay Xavier.

Nang lumalim na ang gabi ay pinatulog na nilang dalawa ang kanilang dalawang anak. Yakap-yakap ni Maliah ang kapatid nitong si Hope.

"Ang cute mo ni Hope mama Prances at mama Myrna. Tulog po siya kaagad ih!" Hinalikan sila nito sa kanilang mga pisngi. Napakasarap ng yakap na iyon. "Pwede niyo po ba akong kwentuhan mga mama para makatulog din po ako?"

"Sige anak kukwentuhan ka namin ng mama Prances mo." Si Myrna ang tumugon sa bata. Noong bata pa siya sa parehong kwarto at bahay ay lagi siyang kinukwentuhan ng kanyang ina. Nag-iisa lang kasi siyang babae kaya naman sa kanya lang nabigay ng kanyang ina ang mga fairytales at kwentong pambata na meron ito. It was nostalgic na ang kanyang anak ja ang nagpapakwento ngayon sa kanyang dating silid sa kanilang lumang bahay. "Ang ikukwento namin sayo ay ang kwento ng isang babaeng matapang. Ang kwento ni Little Red Riding Hood."

Once upon a time...

Matapos ang kwento ay nakatulog na ang bata. Patulog na rin sana sila ni Prances nang biglang tumawag si Manolo. Sakto ang pagtawag nito. Naalala niyang noong mga bata pa sila kapag nakatulog na siya ay papasok sa kanyang silid ang nakatatandang kuya niya at iistorbohin ang kanyang pagtulog. Gigisingin siya. Nais din daw nitong magpakwento ng fairytale sa kanilang ina.

"Hello kuya Manolo. Bakit ka napatawag? Wala pa akong balita kay Yberr." Pagkasagot ay lumabas na muna sila sa buhanginan ni Prances. Nang nasa labas ay pinindot niya ang loud speaker.

"Paakyat ako ngayon ng Baguio, Myrna." Diretsong saad nito.

"A-ano? Hindi ba't sabi ko sa inyo ay magtago lang kayo nila nanay at tatay at ng mga kuya. Alam na nila Xavier na buhay kami. Baka kayo ang mapagdeskitahan nila." Bulalas niya rito.

"Safe pa rin naman sila eh. Ako lang namang mag-isa ang aakyat. Dahil nabuko na kayo ay nasa panganib din si Yberr."

"ANO?!" sabay nilang reaksyon ni Prances.

"Wala na siya sa lintik na palasyong 'yun. Niligtas daw siya ni Chichay. Pero mukhang masama ang lagay niya. Wala siyang kasama sa kinalalagyan niya kaya pupuntahan ko siya."

Bahagyang nabawasan ang kanyang pangamba sa narinig. Niligtas pa rin pala ni Chichay si Yberr. Ngunit natatakot naman siya sa lagay nito lalo pa't mag-isa lang 'to. Alam niyang mapilit ang kapatid na si Manolo kaya nauunawan niya ang sitwasyon nito. Labis lang itong nag-aalala para sa kasintahan.

"Kung gayon kuya ay mag-iingat ka ha? Baka may mga checkpoint sila papuntang Baguio. Wag kang magpapahalata kung sino ka sa buhay ko. Tawagan mo ako kapag magkasama na kayo ni Yberr. Ikumusta mo kami sa kanya. Okay?"

"Okay sige. Teka nga nasaan kayo? Saan kayo nagtatago nyan kung alam na ni Xavier na buhay kayo?"

"Nandito kami sa La Union kuya. Sa luma nating bahay."

"Ah ganon ba? Wag din kayong magtatagal dyan ha? Lahat ng lugar na may kinalaman sa atin ay dapat nating iniiwasan ngayon."

"Oo kuya. May plano na kami. Kami na ang bahala ni Prances. Bago nga pala ang lahat kuya may gusto akong sabihin sayo."

"Ano 'yun?"

"Kami na ni Prances. Girlfriend ko na siya at may mga anak na rin kami." Pagtatapat niya rito. Siya lang sa kanilang pamilya ang nakakaalam ng tungkol kina Manolo at Yberr. Si Manolo rin ang unang tao sa kanilang pamilya ang nais niyang makaalam ng tungkol sa kanila ni Prances. Gusto niya sanang personal na sabihin ngunit sa dami ng mga nangyayari ay minabuti niyang sabihin na kahit sa tawag.

Nagulat naman si Prances sa kanyang ginawa. Kitang-kita niya rito ang labis na pagkabigla.

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon