Chapter 153: Kinatatakutan ng Diyos
Napaupo siya sa veranda saka gumapang pabalik sa loob. “Aaaah! Hindi ‘yun totoo! Patay ka na Xavier! Patay ka na!” gayunpaman ay malinaw ang mukha ni Xavier na nakita niya sa ibaba. Nakasuot ito ng puti. Duguan. Higit sa lahat ay nakangiti ito sa kanya. ‘Yung ngiti na pinaghalong nang-iinis at nananakot. Parang eksena sa isang horror film.
“Aaaah!” laking gulat niya nang bumalik ang kuryente at sumindi ang ilaw. “Putang inang ‘yan naman oh!”
Saka naman bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Joey na tulak ang stroller na may laman ng kanilang dinner. Dali-dali itong tumakbo patungo sa kanyang direksyon. “Panginoong J!” inalalayaan siya nito upang makatayo. “Ano pong ginagawa niyo sa sahig? Okay lang po ba kayo?”
“Ah eh… oo, okay lang ako. Salamat.” Mahigpit niya itong hinawakan sa braso. “Pwede bang sumilip ka sa baba?”
“Sa baba ng veranda?” pagkukumpirma nito.
“O-oo.”
Bumitaw ito sa kanya at saka mabilis na ginawa ang kanyang utos. “Ano pong meron? Dito nagpatihulog si Xavier hindi ba?”
Pinagmasdan niya ito habang palinga-linga sa baba. Parang wala naman itong nakitang kakaiba. Humakbang siya ng dahan-dahan upang muling sumilip. Wala na roon ang kanyang nakita. Wala na roon si Xavier. Marahil ay namalik-mata lamang siya at na-trauma sa nangyari.
“Pakihanda na ang pagkain Joey. Gutom na ako eh.” Utos niya rito.
“Masusunod po.”
“Hindi ako pwedeng ma-trauma ng dahil sayo Xavier. Hindi pwedeng may ganito kang effect sa akin. Naagaw ko na ang pwesto mo. Ako na ang Diyos ng sangkatauhan. Hindi mo masisira ‘yun dahil patay ka na.” bulong niya na tila ba kausap si Xavier. Tapos ay pumasok na siya sa loob. Nakalimutan niyang hawiin ang kurtina upang matakpan ang bintana.
“Kain na po Panginoong J.” anyaya ni Joey.
“Bakit ang tagal mo? Gutom na gutom na ako eh! At bakit nawalan ng kuryente? Seryoso ba ‘yun? Ang bahay ng buhay na Diyos ay nawawalan ng kuryente?” hindi na niya hinintay pang makasagot ito. Sumubo na siya dahil kumakalam na ang kanyang sikmura.
“Patawad po kung natagalan ako Panginoong J. Sinigurado ko po kasing masarap ang inyong hapunan eh. Patawad po. Sisiguraduhin ko pong hindi na mauulit. Natagalan din po ako dahil na-trap ako sa elevator noong mawalan ng kuryente.”
“Okay fine. Hayaan mo na ‘yun. Kumain ka na rin. May ibang kainan pa na magaganap.” Ninamnam niyang mabuti ang pagkain na ipinahanda ni Joey. Sarap na sarap naman siya roon.
Matapos ang pagkain ng totoong pagkain na ubod ng sarap ay panahon na upang maranasan naman niya ang ibang klase ng putahe. Hotdog at itlog na may buhay. Sayang kagabi ay walang malay si Joey nang una nya iyong maranasan. Sa pagkakataong ito ay may performance na rin ito at hindi na tulog. Super excited na siya sa magaganap na sa hapag este sa kama.
“Maligo muna po tayo?” tanong nito. “Paliguan ko po kayo.”
“Wow! Exciting! Gusto ko ‘yan!” agad-agad niya itong hinila papunta sa loob ng bathroom.
Habang lumalagaslas ang tubig mula sa shower stole ay may kakaiba siyang narinig mula sa labas. May mga yabag ng paa. Tila may palakad-lakad sa labas ng bathroom.
“Narinig mo ba ‘yun Joey?” tanong niya.
“A-alin po?”
“May naglalakad sa labas. Sa loob ng kwarto ko.”
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
FantascienzaAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
