Chapter 159: Healing

35 0 0
                                        

Chapter 159: Healing

Tahimik na ang paligid. Tunay na payapa na ang lahat. Patuloy na ang pagpo-produce ng vaccine ng bawat bansa para sa mga natitirang infected ng Desire V-30 virus. Muling bumabangon ang lahat. Muling nagsisimula ng bagong buhay.

Fifteen days nalang ang nalalabi kay Prances. Wala pa rin silang nahahanap na donor ng dugo. Minabuti nilang magpalista na sa DOH para mabigyan sila ng vaccine. Dahil dyan ay kailangan na nilang bumaba ng Baguio City upang makabalik sa Metro Manila.

Naghanda na sila para sa kanilang pagbaba. Kailangan na nilang iwan ang mapapait na naganap sa syudad. Kahit ang mga kabayanihan ay handa na rin nilang iwan sa makasaysayang lungsod.

Palabas na sana silang lahat ng cabin nang mayroon na namang gumagapang na sumalubong sa kanila.

"Tangnang 'yan!" Bulalas ni Red. "Uso ba ang mga ahas ngayon? Anong ginagawa niyan dito?"

Sa pagkakataong iyon ay si Joaquin naman ang bumisita sa kanila. Napakaraming tama ng baril sa katawan nito. Kahit ang ulo nito ay hindi bababa sa sampo ang butas dahil sa mga balang lumusot sa bungo nito. Ang mga mata nito ay sabog na rin. Nakapagtatakang nagawa pa sila nitong matunton.

"H-how did you get here Joaquin?" Tanong niya rito.

"I followed your smell." Tugon nito.

"Ay iba! Dahil double dose ang nakuha niyang virus of immortality kaya meron siyang special power ganon ba? Super smell! Ivaaaah!" Komento ni Ruby.

"Why are you here?" Sunod niyang tanong dito.

"Please help me Myrna. Help me. I want you to help me. I can't find the smell of my brother Joey. It's only you and your team can help me. Revese the effect of virus of immortality. I want to be alive again. Really alive. Not like this! I want to see my family. I want to see my wife and my child! Please help me!"

Lumapit siya rito.

"Myrns..." balak pa sana siyang pigilan ni Prances ngunit tumango siya tanda na ayos lang.

"We can't do anything you Joaquin. I'm really sorry. Xavier left nothing about the virus of immortality. No documents. No more samples left. In your case, you have no blood anymore. We can't study you anymore."

"So what do you want me to do? I will just let myself be like this?!"

"That's your karma!" Sumabad na naman si Ruby. "You are also a demon just like Xavier and Jonathan! And FYI! Your child is dead!"

"Ruby!" Pagpigil ni Prances dito.

"Ay sorry!" Napatakip ito ng bibig.

"What did you say? My baby is dead?!"

Walang makasagot sa kanila. Nagtinginan nalang sila. Walang tigil sa paghingi ng tawad si Ruby na walang boses.

Huminga ng malalim si Myrna. "Maybe you are too busy looking for the virus of immortality. Your wife sent you an email telling you that your child already pass away. Condolence Joaquin."

"Nooooo! Nooooo!" Kahit na wala na ang mga eyeballs nito ay pumatak pa rin ang luha sa mga mata ni Joaquin. Dama nila ang sakit na naramdaman nito bilang isang ama na nawalan ng anak. Hindi tulad nila Xavier at Jonathan ay may naiwan pang kabutihan sa puso ng lalaki. Ang pamilya nito ang dahilan ng kabutihan na 'yun. "If you can't help me to be cured. Please, just kill me. Kill me!"

"I separated Xavier's head from his body. He's still alive." Pagbubunyag ni Red. Your situation is not just a karma. It's also a curse. You can't escape from it."

"No! No! No! There's still a way! Burn me to ashes!" Suhestyon nito.

Nagtinginan silang lahat. Sinunog nila ang katawan ni Xavier. Hindi nila naisip na baka pwede ngang mamatay ang infected ng virus of immortality kung masusunog ito. Make-cremate. As in magiging abo na.

Ayaw sana nilang gawin 'yun kay Joaquin ngunit wala na silang choice. Walang tigil ito sa paghingi ng tulong sa kanila at labis itong nakikiusap. Kung tutuusin din naman ay mercy killing na ang gagawin nila para rito. Tatapusin lang nila ang paghihirap nito.

Naghanda sina Red, Julio at Manolo ng maraming kahoy. Gagawa sila ng bonfire. Doon nila ilalagay ang katawan ni Joaquin hanggang sa ito ay masunog at maging abo. Nang handa na ang lahat ay sinindihan na nila ang apoy. Nang malaki na ang apoy ay saka nila nilagay ang katawan ng lalaki.

"Paalam Joaquin." Sambit ni Myrna. Saka sila tuluyang umalis ng cabin upang makababa na sa Maynila.

Gayunpaman ay masaklap pa rin ang naganap kay Joaquin. Nasunog nga ito. Pero hindi ito naging abo. Buto nalang ito na may mga konting laman pero buhay pa rin ito.

"Nooooooo! Why I'm still alive?! Why?! I want to die! Help me! Help!" Kahit makagapang ay hindi na nito magawa pa. Doon nalang ito habang buhay. Magpakailan nitong mararanasan ang karma at sumpa na kabayaran sa lahat ng kanyang kasamaan.

Samantala bago bumaba ng Maynila ay nagpaalam na muna ang pamilya nila Julio at Juliana sa kanila. Pati na rin ang mga anak ng mga 'to na sina Jessie at Jenny. Taga-Baguio lang kasi ang pamilya kaya naman hindi na kailangan pang sumama ng mga 'to.

"Maraming salamat sa lahat ng tulong ninyo." Panimula ni Julio. "Buo pa rin ang pamilya namin ng dahil sa inyo. Habang buhay naming ipagpapasalamat ang nagawa ninyo."

"Kayo ang masasabing tunay na bayani ng pandemyang ito. Sa kabila ng hirap at sakit na narasan ninyo ay hindi kayo tumigil. Niligtas niyo pa rin ang buong mundo. Maraming salamat." Isa-isang niyakap ni Juliana silang mga hindi infected.

"Maraming salamat po sa inyo!" Sabay naman na sinambit nina Jessie at Jenny.

Iyon ang pinakamagandang maisusukli sa buong grupo nila Myrna at Prances. Isang matamis na pasasalamat. Masaya silang makatulong. Masaya na silang matapos ang pandemyang ito.

Sumama pa sa kanila sina Ruby at Rona dahil infected pa si Ruby. Nanatili sa likod ng van upang naka-isolate sina Ruby, Romina, Donita, Caloy at Prances. Si Manolo ang nag-drive. Kasama siya, si Rona, Red at Yberr. Katabi niya naman si Maliah  at karga si Hope. Sila ang natira sa grupo sa dami ng mga nawala.

Nakatulog na sila sa byahe. Humalili na rin si Red sa pagda-drive. Diretso sila sa itinayong vaccine center ng pamahalaan sa may Pasay. Gising na sila ng nasa Kamaynilaan na sila. Lahat ay tahimik na nakatingin sa labas ng bintana ng van. Pinagmamasdan ang bawat madaanang syudad sa kahabaan ng EDSA. Tinitingnan ang mga nagtatayugang mga gusali ng Metro Manila. Ang MRT na matagal nang hindi nagamit. Sa katunayan ang mga sasakyan na dumadaan sa minsang busy na avenue ay kakaunti na lamang. Pero malaking progress na 'yun. Noong kasagsagan ng pandemic ay wala talagang kalsadang makikita sa EDSA.

Nang makarating sila sa Pasay ay napansin nilang maraming tao sa paligid ng vaccination center.

"B-bakit andaming tao?" Tanong ni Ruby. "Marami pa bang hindi nababakunahan dito sa Pilipinas? Wag niyong sabihing 2030 na pero late pa rin tayo? Akala ko ba ay malaki na ang in-improve ng health system natin?"

"Parang hindi sila magpapabakuna." Tugon mismo ni Myrna base sa kanyang pagmamasid.

At saka tuluyang nag-park si Red sa gilid. Isa-isa na silang bumaba. Karga niya sa kanang braso si Hope at hawak sa kaliwang kamay ang kamay ni Maliah. Sinalubong sila ng masigabong palakpakan at hiyawan. Mga Filipinong tila proud na proud sa kanila. Kitang-kita nila ang saya sa mukha ng mga 'to.

May sumalubong sa kanila. "Ako po si Junie. Ako po ang organizer ng vaccination drive. Nalaman po ng mga tao na pupunta kayo. Nagulat nalang po kami na nangagtipon na sila rito. Gusto lang daw po nilang magpasalamat sa inyo. Nalaman po ng gobyerno natin ang pagtitipon kaya naman pupunta rin daw po rito sa lugar ang presidente at ang bise presidente."

Halos maluha sila sa narinig. Si Ruby ay umiyak na talaga. Ito ang pinakamagandang regalo na pwedeng ibigay sa kanila sa pandemyang ito. Sapat na ito. Kahit hindi na nga dumating ang pangulo at pangalawanh pangulo eh. 'Yung kusang pagpunta lang ng kanilang mga kababayan dahil puro ang kanilang intensyon ay nakakataba na ng puso. Hindi na iyon matatawaran.

Nagtinginan naman sila ni Prances. Tapos ay pinagsaluhan nila ang matamis na ngiti habang nangingilid ang luha sa kanilang mga mata. Konti nalang at pwede na silang magyakap muli.

Dinala na muna sila ni Junie sa mismong vaccination center. Doon ay tinurukan na sina Prances, Ruby, Romina at Donita. Sa wakas ay gumaling na sila

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon