Chapter 39: Pagtatagpo

17 1 0
                                        

Chapter 39: Pagtatagpo

Nagpatuloy si Martin sa pagkukwento kina Myrna habang nasa byahe sila.

Tapos na silang magtalik ni Sheryl. Hinatid siya ng babae. Mukhang bet siya nito dahil hindi maalis ang pagkakatitig nito sa kanya. Gayunpaman ay ang fifty percent discount lang talaga ang habol niya rito. Infariness naman nag-enjoy siya. Palabas na sana siya ng gate ng malaking bahay nang matanaw niya ang isang babae. Maganda ‘to. Hindi hamak na mas maganda sa babaeng naikama niya. 

“Sino ‘yun?” tanong niya kay Sheryl.

“Bet mo? Si Linda ‘yan. Siya ang favorite ni Madame. Paano ba naman maliban sa pinakamaganda ay nabingwit niya rin si Xavier.”

“’Yung kausap niyang pangit na tukmol na ‘yun?” may kausap kasi ang babae na isang matabang Tsino. Tila nagtatalo ang dalawa.

“Hahaha! Hindi ‘yan si Xavier. Pilay ‘yun na mayamang Pinoy din daw. Regular na pinapadalan ng per ani Xavier si Linda. Tapos pati si Madame pinapadalhan din. In return inaalagaan talaga ng mabuti ni Madame si Linda. ‘Yang kausap ni Linda ngayon ay bagong security guard nitong mansion. Patay kay Madame o kay Xavier ‘yang sekyu na ‘yan kapag nalamang inaaway si Linda. Bawal awayin ang diyosang ‘yan. Kahit bwisit na bwisit na ako dyan dahil inagawan niya ako ng pwesto bilang number one pokpok ng Yebian ay hindi ko pa rin magawang sabunutan o sampalin ang babaeng ‘yan. Masyadong makapangyarihan si Madame at si Xavier. Baka bumalik ako sa Pinas ng walang sa oras. Ang malala ay baka malamig na bangkay na ako pagkabalik ko.”

Sa mga tinuran ni Sheryl ay mas lalo siyang na-curious kay Linda, Madame at Xavier. Mukhang balik siya sa dating gawi niya sa Pilipinas. Kailangang mapalapit siya sa mga mayayamang tao rito sa Wuhan. Dito naman siya maghahasik ng lagim. Isa pa mga Pinoy din ang mga ‘to. Kung nauto niya at napaikot ang mga mayayamang Pinoy sa Pilipinas upang makakubra ng pera ay hindi imposibleng magawa niya rin iyon ngayon sa banyagang bansa.

Tuloy pa rin ang pagtatalo ng dalawa, nina Linda at ng sekyu. Naisip niyang umepal sa dalawa upang makilala na niya ang babae at makilala rin siya nito. Dali-dali siyang lumapit sa mga ‘to. 

Hinigit naman siya ni Sheryl. “Teka nga! Saan ka pupunta?”

“Binabastos na niya ‘yung babae oh. Ipagtatanggol ko lang.”

“Sa itsura mong ‘yan, sa tingin ko hindi ka gentleman Martin!”

“Judgmental naman ‘to! Gentleman ako no! Bigay todo lang ako sa sex pero gentleman ako.” Pagtatanggol niya sa sarili. Tinalikuran na niya ito. Doon na natatapos ang kanilang relasyon. Pwede pa naman siyang umulit rito bilang kliyente pero sa ngayon ay nakatuon ang pansin niya kay Linda. Wala siyang planong makipagtalik dito at maging kliyente nito. Utak gaming ang gagawin nito rito.

“Hey you! What are you doing to her?” kinuha niya ang braso ng sekyu. 

“Who are you? Fuck off! You don’t care about my business! I’m just doing my job! She has no gate pass but she’s entering this house!” tugon ng sekyu.

“Ang kulit naman ng bagong security guard na ito. Wala nga sabi akong pass.” Narinig niyang ibinulong n Linda.

“Kabayan?” kunyari’y hindi pa niya alam na Pinoy din ito.

“Oh? Kabayan?! Naku ako nga pala si Linda. Nagtatrabaho rin ako sa club pero wala akong pass pass na ‘yan. Sobrang kulit lang nitong butete na ‘to!”

“Sige ako na ang bahala.” Muli niyang hinarap ang Tsino. “You, get out of here and do not disturb her, okay?”

“Who are you to command me?! You’re just a horny man here!”

“Whoah! Na-gets ko ‘yun ah! Di ba malibog ‘yun?”

“Oo malibog ka raw.”

Walang anu-ano’y sinuntok na niya ito. Isang suntok lang ay tumba na ang Tsino. 

“Seryoso? Tulog si butete agad? Thank you ah.” 

“Hindi lang tulog. Habang nag-uusap kami ay nakuha ko pa ang wallet niya at ang susi ng kotse niya.” Saka niya itinaas ang mga nasabing gamit. Binuksan niya pa ang wallet. Napabusangot siya dahil barya lang ang laman ‘non.

“Linda.” Biglang may tumawag sa babae. 

“Xavier honey!” umalis ito upang salubungin ang isang lalaking may katandaan na rin na nakasakay ng wheelchair. Humalik si Linda sa lalaki at muntik na siyang masuka pero pinilit niyang huwag mag-react. Iyon ang tinutukoy ni Sheryl na mayamang jowa ni Linda.

“May mga pasalubong ako sayo sa sasakyan. Hindi ako kaagad nakaalis sa Pilipinas tapos ay may dinaanan pa ako sa dulong bahagi ng Wuhan kaya hindi kita kaagad napuntahan eh.” Saad ni Xavier sa babae bago bumaling sa kanya. “Ikaw? Halika ka nga rito.”

“Honey wala siyang ginawang masama sa akin. Hindi niya ako binastos. Promise honey! Iniligtas niya pa nga ako sa buteteng ‘yun eh.”

Hindi naman siya nakaramdam ng takot. Wala siyang planong umiwas dito dahil isa ito sa mga target niya. Lumapit siya sa mga ‘to.

“Yes sir bakit po?” kunyari’y magaling niyang panimula.

“Anong pangalan mo?” tanong ni Xavier.

“Ako po si Martin.”

Inabot nito ang kamay sa kanya. Kunyari’y hindi niya iyon kaagad kinuha. “Ako naman si Xavier. Nakita ko ang ginawa mo kanina. Malakas ka at maabilidad. Kitang-kita ko kung paano mo nalansi ang security upang makuha ang wallet at car key niya. I’m quite impressed. Gusto mo bang maging bayarang magnanakaw ko? Sideline mo rito sa Wuhan. Kikita ka ng limpak-limpak na salapi sa mga ipapanakaw ko sayo. Pwede ka ring tumanggap ng ibang nanakawin mula sa ibang kilyente. I can refer you to them. Pero espesyal ang sa akin. Kakaibang mga bagay ang nanakawin mo at dapat walang makakaalam. Higit sa lahat walang makakahuli sayo.”

Napangiti siya. Tila mabilis na umaayon sa kanya ang kanyang mga plano. 

…”Anong mga naging misyon mo para doon sa Xavier?” tanong ni Myrna.

“May kinalaman sa pandemic na ito.”

“Ano?”

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon