Chapter 28: Wet Market
Nagpatuloy na sina Myrna sa paglalakbay patungo sa Pacific Lab branch sa Wuhan, China. Habang nasa biyahe ay pinagitnaan nila ni Prances si Maliah. Wala na si Marilyn. Higit silang kailangan ng bata ngayon. Simula na ng pagiging magulang nila. Kahit na may masama pa siyang kutob sa mga bagong kasama na sina Martin at Linda ay isinantabi na muna niya iyon.
“Nasaan na po si mama?” unang tanong ng bata pagkagising. Lumingon pa ito sa likod ng van at si Red na ang naroon. “Patay na po ba siya?”
Iyon na yata ang pinakamahirap na katanungan ng isang batang paslit tungkol sa kanyang magulang. Huminga ng malalim si Myrna. “Tulad ng papa mo ay nagbakasyon na muna si mama mo. Matagal bago siya bumalik. Matagal bago kayo muling magkita. Pero ito ang lagging tatandaan mo, kahit nasaan pa man siya ngayon ay mahal na mahal ka niya. Binabantayan ka niya. Kailangan niya lang umalis para mawala na ang sakit. Ayaw niyang makita mo na nahihirapan siya. Habang wala siya, sila ng papa mo ay kami na muna ni mama Prances mo ang magiging mama mo.”
Dagli silang niyakap ng bata. May kung anong saya siyang naramdaman sa kanyang puso. Iba pala ang magkaroon ng anak. Kahit hindi sa kanila nanggaling ang bata ay wala pa ring papantay sa pakiramdam na maging isang ina. Hindi naman nasusukat ang pagiging ina sa kung kanino nanggaling eh. Ang mahalaga ay naroon ang responsibilidad na mahalin, alagaan at palakihin na mabuting tao ang isang nilalang.
“Pareho po kayong mama ko? Bakit po dalawa? Bakit po parehong babae? Wala po bang papa?”
Nagkatitigan sila ni Prances sa tanong na iyon ng bata. Awkward. Tapos itong si Martin ay tumawa pa ng malakas..
“Hahaha! Tomboy ba kayo? Hahaha! Kayo ang nag-alaga sa batang ‘yan. Siya ba ‘yung batang sinabi ‘nung infected niyong kasama na pinatay…”
Hindi niya ito pinatapos. “Tama na. Kung gusto mong galangin ka nitong bata ay tumigil ka na. Wala kang anak no? Hindi mo alam kung paanong magpalaki ng bata.”
Mula sa mas nauuna sa kanilang row ng van ay humarap pa ito sa hanay nila upang dambahin siya. Kinuha nito ang kanyang kwelyo. “Alam mo wala kang alam ah! Wala kang alam sa buhay ko at sa buhay namin! Kaya pwede ba tumigil ka!”
“Sino bang nagsimula? Ikaw di ba? Ikaw ang maunang tumigil. Wala kang karapatang pakialaman kami. Tumahamik ka nalang. Ang misyon mo rito ay ipagtanggol kami. Iyon lang ang kailangan mong gawin para madala namin kayo sa laboratoryo. Okay?” hindi na naman siya nagpatinag dito.
Inawalat lang sila nina Prances at Linda. Saka lang sila natigil na dalawa. Muli nilang ibinaling ang atensyon kay Maliah. Nakipaglaro ng mobile game si Prances sa bata. Pinagmasdan niya lang ang dalawa. Hindi pa halata sa bata na may Malala itong sakit na leukemia. Napaisip siya. Kasama kaya ang leukemia sa type of cancer na pwedeng gumaling sa span ng thirty days kapag na-infect ng Desire V-30?
Habang nasa byahe ay nag-report na sila ni Prances kay Boss X tungkol sa mga nalaman nila sa village. Nakatulog na naman ulit si Maliah. Mabilis manghina ang bata. Marahil dahil sa sakit nito. Sinabi nila ang tungkol sa epekto ng virus sa mga senior citizen at mga may malalang cancer. Tulad nila ay kapareho nila ang naisip ni Boss X. Baka roon makakuha ng sagot para sa virus. Sayang at wala sila sa lab at wala rin silang sample. Kung nasa lab lang sila ay inimbestigahan na nila iyon. Nangako naman ito na kung may nabalitaan silang senior citizen o cancer patient na infected sa Pilipinas ay kukuhanin ng Techno Bio Lab upang imbestigahan at pag-aralan. Isa pang sinabi nila ay ang nalaman ni Red kina Martin. Kapag pinigilan ang desire ng infected sa thirtieth day ay nagwawala ang infected hangga’t hindi nito muling nagagaw ang desire nito hanggang kamatayan. Labis din na mapanganib ang infected sa gayong lagay. Kakaibang lakas at bilis ang mayroon sila.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...