Chapter 52: Cutie
“Naiintindihan ko kayo.” Reply ni Cutie. Naka-activate pa rin pala ang translator app nila Myrna at Prances. “Tama ka babae. Demonyo ako. Demonyo. Binago nalang ako ng panahon. Isa rin akong dating anghel. Isang maang anghel ngunit binago ako ng panahon. Binago ako ng mga pangyayari sa buhay ko.”
“Kung anuman ang mga nangyari sa buhay mo ay pagsubok lang ‘yon. Walang pagsubok na hindi malalampasan. Ang kailangan mo lang gawin ay magtiwala sa sarili mo higit sa lahat sa Diyos. Maaari ka pang magbago Cutie. Umalis ka na sa Team Spider! Tigilan mo na ‘to! We’re on a middle of a pandemic. This is the very chance to change and live a new life.” hindi pa rin nawalan ng pag-asa si Myrna.
“BWAHAHAHA! Nakakatawa ka! Paaalisin mo talaga ako sa Team Spider? Bibigyan mo pa ako ng salita ng Diyos at ng mga pagbabago na ‘yan? BWAHAHAHA! Pinapatawa mo ako babae! Paano kung sabihin ko sa inyo ang kwento ng buhay ko? Sa tingin niyo ba magbabago pa ako?”
“Sige. Makikinig kami. Sabihin mo ang kwento mo.” Nakaluhod pa rin siya. “Naniniwala akong lahat ay may karapatang magbago. Kahit gaano ka pa kasama. Kahit gaano pa kasaklap ang buhay mo.”
“Okay sige babae.” Saka nito pinahawak si Prances sa mga tauhan nito. Lumakad ito palapit sa kanya. Nagawa pa nitong umupo sa kanyang harapan ng Indian seat. “Wag ka na munang lumuhod. Maupo ka rin. Kung anuman ang gamit mo ay nakakatuwa. Nagkakaintindihan tayo kahit anong lenggwahe pa ang gamitin natin.”
Sinunod niya ito. Naupo naman siya sa damuhan ng kagubatan. Walang isang metro ang layo nila sa isa’t-isa.
“Una ay pinatay ko ang asawa ko twenty years ago.” Pasabog agad ang kwento nito. “Pinagtaksilan niya ako. Siya ang nagbigay sa akin ng pangalan na Cutie. Cute daw kasi ako parang aso. Hindi ko na nga ako umaasang magkakaroon pa ako ng lovelife eh kasi pangit ako. Pero iba ang yumao kong asawa. Pinatibok niya talaga ang puso ko. Sobra akong na-in love sa kanya. Tapos ay papatulan nila lang ang hardinero namin na gwapo. Di ba nakakaloko? Ano ‘yung pa-cute cute niya pa sa akin eh pagtataksilan niya rin pala ako sa gwapo pa. Napakalaking insulto ‘non. Kaya noong nahuli ko sila ay galit na galit ako. Nakapatong ba naman siya sa lalaki niya habang nagtatalik sila. Sarap na sarap ang kanyang ungol. Nagdilim ang paningin ko. Pinagsasaksak ko sila ng maraming beses. Paulit-ulit hanggang sa nagkalat na ang tugo nila sa kama mismo namin ng asawa ko. Ang hindi ko alam ay naroon pala ang anak ko. Pinapanuodang pagpatay ko sa sarili niyang ina. Nang mahimasmasan lang ako ay nang makita ko ang gulat na gulat na mga mata ng anak ko. Umiiyak. Puro galit, lungkot at trauma.” He sighed.
“Sa Pilipinas ay hindi ka makukulong kapag napatay mo ang asawa mo at ang kalaguyo niya na nagtatalik sa akto. Mapapawalang-sala ka. Artikulo 347 of our constitution.” Komento niya.
“Mayroon din kaming ganyang batas sa Australia. Kaso lang ay napatagal ang hearing ko. Galit na galit kasi ang pamilya ng asawa ko at ng kabit niya sa akin. Ang kakapal ng mukha hindi ba? Ako nan ga ang niloko eh. Napatay ko lang naman sila dahil sa ginawa nilang pambababoy sa sarili kong bahay. Kung anu-anong imbento pa ang ginawa nila upang makulong talaga ako. Hindi raw totoong may relasyon ang dalawa. Nag-iimbento lang daw ako ng kwento para magkaroon ako ng alibi. To cut the long story short ay nakulong ako ng sampung taon just for the hearing. Wala pa man ding pyansa ang pagpatay. That was ten long years. Sampung taon kong napabayaan ang nag-iisa kong anak na lalaki na graduating college student pa mo raw noong makulong ako at mamatay ang nanay niya. Mag-isa siyang um-attend ng graduation niya na puno ng kahihiyan ang sinapit niya sa pamilya niya. Isang yumaong nanay dahil sa kalandian at isang amang nakakulong dahil pinatay ang sariling asawa. I can’t imagine the trauma that he has been through.”
Sa wakas ay nakita niya ang lungkot at emosyon sa mukha ni Cutie. Ang anak lang pala nito ang magpapalambot sa pinuno ng Team Spider.
“Adult na rin ngayon ang anak mo. You just need to talk to him. Alam kong maiintindihan ka niya.”
![](https://img.wattpad.com/cover/276498223-288-k635001.jpg)
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...