Chapter 61: Huwad na Diyos
Nakita nila Myrna at ng buong team kung paano humagulgol sa pagluha si Martin. Iba nga kapag kapamilya na ang usapan. Napatingin tuloy siya kay Maliah. Sa sandaling panahon na tinuring nila at niyakap bilang anak ni Prances ang bata ay hindi niya rin ma-imagine ang magiging reaksyon niya kung may mangyayaring masama rito. Ramdam niya si Martin sam ga sandaling iyon. Patatahanin na sana niya ito nang inabot ni Prances ang balikat ng lalaki.
“Ililigtas natin ang anak mo Martin.” Saad ni Prances. Matipid na ngiti naman ang kanyang naging reaksyon sa sinabi nito.
“Oo nga Martin. Malapit na tayo sa lab oh. There will be no stopping. Sa oras na matuyo na ang tubig sa labas ay susugod na tayo sa lab. Sa ngayon ay bubuo muna tayo ng plano.” Pagsegunda naman ni Myrna.
“Salamat.” Matipid na tugon ng lalaki. “Pwede bang manuod muna tayo ng news? Alamin natin ang tinutukoy ni Xavier.”
“Sige-sige.” Saka niya nilabas ang kanyang phone. Nagpunta siya kaagad sa news sites. Filipino channel ang kanyang napiling pauorin upang makabalita na rin sa ganap sa Pilipinas matapos ang pagpapaulan ng virus.
“Sa ulo ng mga nagbabagang balita. Exclusive! Naganap na ang tila katapusan ng mundo. Katatapos lamang po ng pag-ulan ng tubig na may kasamang virus sa buong kapuluan ng Pilipinas at sa iba’t-ibang panig ng mundo. Base sa initial na datos ay maraming mga kabundukan, kapatagan at karagatan ang apektado. Patay na po ang lahat ng mga puno’t halaman na nabasa ng ulan. Hindi lamang po ‘yan kundi maging sa ibang mga bansa. Walang pinili ang virus dahil kahit sa mga nagyeyelong lugar at disyerto ay hindi nakaligtas sa delubyong ito. Ang mga hayop naman po ay mabilis ding na-infect. Pinagbabawalan po ang paglabas sa inyong mga bahay kung hindi kayo handa sa mga makakasalubong niyong mga hayop na nagwawala. Lahat po ng hayop na nabasa ng nakamamatay na ulan ay mabilis ding na-infect at nawala sa mga sarili. Maaaring magdala ng radyo o phone na may high frequency sounds. Ngunit hangga’t maaari ay wag na munang lumabas hanggang hindi pa natutuyo ang tubig ulan sa labas. Maraming tao na rin ang na-infect ng virus base sa mga paunang datos na pumapasok sa World Health Organization. Marami na ang nakakita ng kanilang desires. Pinapayuhan ang lahat na wag na munang mag-panic. Thirty days ang duration ng virus sa katawan ng tao kumpara sam ga hayop at halaman na instant ang epekto. Nawa’y sa loob ng thirty days ay makaimbento na ng vaccine o gamot para sa Desire V-30 virus. Kapapasok lamang po ng balita. Dumoble na ang infection rate ng virus sa buong mundo. Sa kasamaang palad ay tila sixty to seventy percent ang mahahawang mga tao dahil sa pag-ulan. Limitadong mga kuha pa lamang po ng litrato at videos ang mayroon tayo ngayon dahil natatakot lumabas ang lahat. Mga kuha sa bintana ng mga bahay ng mga tao at mga drone shots lamang po ang meron. Ipapakita po namin ang ilan sam ga kuha at videos na nakuhanan dito sa Pilipinas at iba pang panig ng mundo.”
Nag-roll na nga ang VTR ng mga video at litrato na nakuhanan. Sa Pilipinas laking gulat nila dahi lang dating masiglang mga taniman ng palay ay nasira na. Itim na ang mga palay at patay na. Gayundin ang mga kabundukan. Wala na ang dating berdeng mga puno. Napalitan na ng kulay uling mga dahon. May nakuhanan ding mga baka at kalabaw na sinusuwag ang mga magsasaka. Ang mga isda sa karagatan ng Pinas ay nilulusob ang mga taong nagtangka pa ring mangisda matapos ang pagulan ng virus. Ang Manila Zoo may kuha sa CCTV na tumakas ang mga hayop. Nanggugulo sa Maynila ang mga hayop tulad ng tigre, leon, elepante at iba pa. Para silang nanunuod ng rampage na pelikula. Nakakatakot. Nakakapangilabot. Wala pang nakikitang pagbabago sa mga taong infected.
Samantala sa ibang mga bansa naman. Sa Estados Unidos, ang dating makukulay na National Park ay nagdilim na dahil sa mga patay na puno’t halaman. Ang mga wild animals din sa buong North America ay nagwawala. Lahat ng ibang may buhay na makasalubong ay sinusugod at pinapatay ng mga ito. Itinaas na sa emergency alert ang sitwasyon. Kahit na napasabog kasi kaagad ng Amerika ang jet na naka-assign sa kanila ay nakapagdulot pa rin iyon ng mag-ulan sa ilang States sa bansa.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
