Chapter 100: Bigat, Pasan at Hirap

9 2 0
                                        

Chapter 100: Bigat, Pasan at Hirap

Muling ipinatawag ni Xavier ang kanyang bagong kanang kamay na si Ralph. Kagagaling niya lang kausapin si Ronel. Si Ronel ang head ng kanyang IT Team matapos niyang lokohin si Yberr. Ito ang kumuha ng patent at lahat ng software programs na ginawa ni Yberr para sa microchip. Muli na nilang makokontrol ang mga tao sa pamamagitan ng new, improved and effective programs ng microchip na gawa ng IT expert na ginamit niya.

"Pinatawag niyo raw po ako Panginoong X." Yumukod ito sa kanya pagkadating sa opisina.

Sasabihin na sana niya ang pakay dito ngunit napansin niya ang mantsa ng lipstick sa mga labi nito. "Lipstick ba 'yang nasa labi mo?"

Dali-dali itong nagpunas. "Patawad po Panginoong X. Mayroon po kasing babaeng bigla akong inakit. Nagulat nga po ako eh."

"Sino naman 'yun?" Poker face niyang tanong.

"Si Joan po."

"'Yung PR Head?"

"Yes po."

"At kayo pa talagang mga heads ko ang naglalandian eh no? Umayos kayo ah. Ayokong inuuna ang landi sa misyon natin." Bahagya niya itong pinagsabihan.

"Masusunod po Panginoong X. Wag po kayong mag-alala. Alam ko pong kontrolin ang emosyon ko pagdating sa relasyon. Kung sex ay sex lang po."

I know right. Kilala kita kung gaano ka katinik sa babae at sa sex Ralph. Hindi niya sinabi ang tunay na nasa isipan niya. "Anyways, may bagong technology na nagawa si Ronel, ang IT Head natin. Isang scanner app na makikilala ang pamilya nila Myrna, Prances, Red, Caloy at maging ng ex mong si Ruby. We got all the records of their families until third degree family ties. Plus nasa system na rin natin ang mga mukha nila. Body description. Age and all. Nagpalagay na rin ako ng mga checkpoints papasok at palabas ng Baguio City. Pati na rin sa mga kalapit na probinsya. I want you to be vigilant at all times. Connect with all the teams na naka-stand by sa mga check points."

"Masusunod po Panginoong X. Sasabihan ko po kaagad si Baby Boy."

"Alam na ni Baby Boy 'to. Nasabihan ko na siya at naka-deploy na rin ang Team Spider sa mga check point. Sinasabi ko lang 'to sayo to get ready sa mass production ng vaccine para sa mga tao. Doon ka mag-focus. Sa oras na makuha natin ang secret files ay mag-mass production kayo in three days ng billion doses para ipadala sa iba't-ibang panig ng mundo."

"A-ano po? Billion doses in three days? Gulat na reaksyon nito.

"May reklamo ka? One week nalang at mauubos na ang seventy percent ng population ng mga tao. We can't afford that. Ayokong maging Diyos ng mga hayop at halaman. We need to earn from these people a lot of money and control them to praise us. To praise me. Three days for the mass production od the vaccine and the remaining days of the weeks ay para mapadala ang mga bakuna sa mga bansa. Wala ng tawad 'yun Ralph. We only have one week to do it."

"Naiintindihan ko po Panginoong X."

"Magaling. Kaya gusto kong mag-focus ka na muna sa trabaho mo. Patunayan mong deserving ka sa pagiging kanang kamay ko. You have a big shoes to fill. You need to be greater than Jonathan."

Yumukod muli ito. "Patutunayan ko po Panginoong X na mas magaling at mas mapagkakatiwalaan niyo ako kaysa kay Jonathan."

"Prove it to me. Kapag nagawa mo ang misyon mo sa loob ng isang linggong 'to ay ako mismo ang magreregalo sayo ng mga babae. Tingnan lang natin kung hindi ka magsawa."

"T-talaga po Panginoong X? Gagawin niyo 'yun?"

Ngumiti siya. "Oo naman. Ako ang iyong buhay na Diyos. Lahat gagawin ko para sa aking kanang kamay."

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon