Chapter 18: Pinagbabawal na Lugar

43 1 0
                                    

Chapter 18: Pinagbabawal na Lugar

Twenty eighth day na ni Marilyn. Umaga na at pare-pareho na silang gising. Tuloy pa rin ang byahe.

You got a fast car
I want a ticket to anywhere
Maybe we make a deal
Maybe together we can get somewhere
Any place is better
Starting from zero got nothing to lose
Maybe we'll make something
Me, myself, I got nothing to prove

Fast Car ni Tracy Chapman ang morning patugtog ni Caloy. Nagmamasid na naman si Myrna sa mga kasamahan niya sa van. Una niyang napansin si Sebastian. Kita niya ang left side ng mukha nito. Pansin niya ang malaking eyebags sa kaliwang mata nito. Halatang hindi ito nakatulog.

You got a fast car
I got a plan to get us outta here
I been working at the convenience store
Managed to save just a little bit of money
Won't have to drive too far
Just 'cross the border and into the city
You and I can both get jobs
And finally see what it means to be living

Sunod niyang napansin ang naglalarong sina Marilyn at Maliah sa kabila ng plastic cover na pagitan ng dalawa. Pitig bulag ang nilalaro nila.

"Hahaha! Talo ka ulit mama! Hahaha!"

"Kaya nga eh anak. Naku dinadaya mo na yata ako eh! Hahaha!"

"Hindi ah mama! Hahaha!"

Napangiti siya. Ngunit sa puso niya ay malungkot. Isang mag-ina magkakawalay dahil sa bagong pandemyang ito. Magagawa pa kaya nila ni Prances na mapatawa si Maliah tulad ngayon kapag wala na si Marilyn? Magiging worth it na magulang ba sila para sa bata?

Naramdaman niya ang paghawak ni Prances sa kanyang kamay. Instant na naman ang kuryente. Napatingin siya rito.

"Wag kang mag-overthink. I know you Myrns." Bulong nito.

Isang matipid na ngiti ang itinugon niya rito. Hinayaan niya lang ang kamay nito na nakahawak sa kanya.

See, my old man's got a problem
He live with the bottle, that's the way it is
He says his body's too old for working
His body's too young to look like his
My mama went off and left him
She wanted more from life than he could give
I said somebody's got to take care of him
So I quit school and that's what I did

You got a fast car
Is it fast enough so we can fly away?
We gotta make a decision
Leave tonight or live and die this way

So I remember when we were driving, driving in your car
Speed so fast it felt like I was drunk
City lights lay out before us
And your arm felt nice wrapped 'round my shoulder
And I-I had a feeling that I belonged
I-I had a feeling I could be someone, be someone, be someone

Saka biglang nagpreno si Caloy. Ang kanilang fast car ay naging fast break.

"Putang ina Caloy! Nasubsob ang ilong ko!" Angal ni Red. "Putang ina pinagawa ko lang 'to! Kapag 'to nasira! Bubuhayin ko 'yung tyanak at ipapakain kita! Gago ka!"

Nagkatinginan sila ni Prances. Sa ganda ng morenong pangangatawan ni Red ay retokado pala ang ilong nito. Napaisip siya kung ano pa kaya ang pinagawa nito sa katawan.

"Sorry! Sorry sir! Tingnan niyo po ang mga bahay sa lugar na ito sa Wuhan." Saad ni Caloy.

Napatingin silang lahat sa labas ng van. Laking gulat nila sa nakita sa labas ng mga bahay. May mga nakasulat na malalaking numbero sa mga pader sa labas. Tila pinapatungan ng pintura ang mga numero upang palitan ang bilang.

"Anong ibig sabihin ng mga numbers sa labas ng bahay?" Tanong ni Prances.

"Ang maximum number na napansin ko ay thirty. Hindi kaya 'yan ang bilang ng araw na infected ang mga tao sa loob?" Hinuha ni Myrna.

"Caloy let's go! Hindi tayo safe dito." Utos ni Red.

"Sandali lang!" Pagpigil ni Myrna.

"Ano na naman? Hindi na naman maganda ang naiisip kong sasabihin mo! Wag na Myrna! Wag na!" Agad kumontra si Red kahit hindi pa niya sinasabi ang plano niya.

"Naisip ko lang. Sa dulo ng Wuhan ang tungo natin. Malayo pa tayo. Ang pinakapakay naman natin doon ay ang facts ng virus mula sa mga scientists at researchers na naroon. At ang posibleng vaccine sa virus na ito. Ngunit bakit hindi natin gawing makabuluhan ang paglalakbay natin. Napakarami na nating malaman along the way hindi ba? Nakilala natin si Marilyn at nakwento niya sa atin ang ilang bagay sa virus. Nakilala natin 'yung babaeng buntis at ang halimaw niyang anak. Nalaman natin na ganoon ang epekto sa mga buntis. Kapag pinagmasdan natin ang mga tao sa mga bahay na 'yan given the number of days na infected sila ay makakabuo tayo ng mas konkretong hypothesis sa virus na ito. Hanggang saan ang epekto ng Desire V-30 sa mga tao. Napakaraming bahay ang narito sa lugar na ito. For sure differences cases are available."

"Baliw ka na. Ganyan ba talaga kayong mga scientist at researcher? Masyado kayong curious. 'Yan ang papatay sa inyo. Kailangan nating makapunta muna sa lab. Naroon ang source of truth. Doon lang. Hindi magandang ideya ang sinabi mo." Hindi pa rin niya nakumbinse si Red.

"Pero baka as early as now din ay malaman natin ang lunas sa virus. Pwede pa nating patulungan si Marilyn sa huling tatlong araw niya." Sunod niyang dahilan.

"Kung may solusyon ang mga tao rito malamang ay walang aabot sa number thirty sa mga bahay. Pero tingnan mo nga! Twenty plus na lahat ng number sa labas. Lahat sila infected na for three weeks! Pumayag na akong dalhin niyo 'yang infected na 'yan dito. Hindi na ako papayag sa kabaliwan na ito!" - Red.

"Sasama ako sayo Myrns." Biglang saad ni Prances. "Maiwan nalang kayo rito sa gitna ng daan. Mag-iingat kami. Pahiram nalang kami ng baril."

"Alam niyo kayong dalawa..."

Hindi pinatapos ni Sebastian si Red. "Sasama nalang ako sa inyo."

Napakamot ng ulo si Red. "Aaaaah! Bahala nga kayo! Magsama-sama kayong mga baliw!"

Bago sila lumabas na tatlo sa van ay nagsuot na muna sila ng Physical Protective Equipement o PPE mula ulo hanggang paa. Umagaw ng kanilang pansin ang nakasulat sa unang bahay. Napansin nilang nakasulat din iyon sa lahat ng bahay.

"Jindi? Anong ibig sabihin ng Jindi?" Tanong ni Myrna.

"Parang nabasa ko na 'yan nang magpunta tayo sa Forbidden City. Ang ibig sabihin ng Jindi ay pinagbabawal na lugar." Tugon ni Prances.

You got a fast car
We go cruising, entertain ourselves
You still ain't got a job
And I work in the market as a checkout girl
I know things will get better
You'll find work and I'll get promoted
We'll move out of the shelter
Buy a bigger house and live in the suburbs
So I remember when we were driving, driving in your car
Speed so fast it felt like I was drunk
City lights lay out before us
And your arm felt nice wrapped 'round my shoulder
And I-I had a feeling that I belonged
I-I had a feeling I could be someone, be someone, be someone
You got a fast car
I got a job that pays all our bills
You stay out drinking late at the bar
See more of your friends than you do of your kids
I'd always hoped for better
Thought maybe together you and me'd find it
I got no plans, I ain't going nowhere
Take your fast car and keep on driving
So I remember when we were driving, driving in your car
Speed so fast it felt like I was drunk
City lights lay out before us
And your arm felt nice wrapped 'round my shoulder
And I-I had a feeling that I belonged
I-I had a feeling I could be someone, be someone, be someone
You got a fast car
Is it fast enough so you can fly away?
You gotta make a decision
Leave tonight or live and die this way

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon