Chapter 26: Pagsibol

18 1 0
                                    

Chapter 26: Pagsibol

“Si Maliah po ay nasa loob na ng van.” Tugon ni Caloy sa tanong ni Myrna. “Nakatulog na siya sa labis na pagod.”

“Labis na pagod?” nagtatakang reaksyon niya.

“Opo. Ganito kasi ang nangyari…” Nagsimulang ilahad ni Caloy ang nangyari.

……….

“Maliah hintayin nalang natin ang mama mo ah. Kukunin siya ni Sir Red. Okay ba ‘yun?” pilit na pinatahan ni Caloy ang bata.

“Babalik pa po ba si mama? Hindi pa po ba siya mamamatay? Paano po kung mamatay na si mama? Ano pong mangyayari sa akin? Sila mama Myrna at mama Prances na po ang bago kong mama?” 

Hindi siya makaimik sa mga katanungan ng bata. Naawa siya rito ngunit hindi niya alam ang mga tamang salita na sasabihin upang gumaan ang loob nito. Wala pa siyang anak. Meron siyang mga pamangkin sa Pilipinas pero hindi siya nag-iiwi sa mga ‘to. Hindi niya alam kung paanong magpatahan ng bata. Baka magkamali pa siya ng mga salitang sasabihin at lalong malungkot ang bata. 

“Bakit hindi po kayo nagsasalita?” tanong nito.

“Huh? Ah eh…” hindi siya makasagot. Loading si Caloy. Nasa driving seat pa rin siya. Nakabaling lang siya sa likod ng van upang makausap si Maliah. Hanggang sa laking gulat niya nang pilit nitong binuksan ang pinto ng van. “M- maliah wag mong gagawin ‘yan. Wag kang lalabas! Mapanganib sa labas!”

“Hahanapin ko po ang mama ko! Baka hindi ko na po siya makita!” at nabuksan na nga nito ang pinto. Nagtatakbo na ito palayo.

Napakamot nalang siya ng ulo. “Shet! Shet! Shet! Malalagot ako!” dagli siyang bumaba ng van at hinabol ang bata. “Maliah! Bumalik ka! Wag kang pasaway!”

Kitang-kita niya kung paano barilin ng matandang lalaki ang ulo ni Sebastian. Akmang sisigaw na si Maliah sa nakita ngunit pinigilan niya ito. Tinakpan niya ang bibig ng bata saka sila nagtago sa isang pader ng bahay kung saan naganap ang barilan. Sumilip siya sapagkat naroon sina Myrna at Prances. Mabuti nalang at nakatakbo ang mga ito. “Pssssh wag tayong maingay. Kalimutan mo nalang ang nakita mo.”

“Ang dami pong dugo. Huhuhu!” walang tigil sa pag-iyak ang bata. 

Nangangamba si Caloy na baka ma-trauma ang bata sa Nakita. Mawawala na nga ang mama nito tapos ay nakakita pa ito ng ganoong karumal-dumal na pangyayari. Kahit siya ay nabigla dahil patay na si Sebastian. Mas lalong hindi na tuloy niya alam ang gagawin. “Ah eh Maliah…”

Bumukas ang pinto ng bahay na pinagtataguan nila. Isang magandang babae ang tumambad sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay parang na- love at first sight si Caloy. Napakaamo ng mukha ng babae. Halatang Chinese ito. Singkit. Maputi. Mahaba ang kulay itim nitong buhok. Tapos ay nginitian pa siya. Oo, isang matamis na ngiti ang binigay nito sa kanya. Halos mahulog ang puso niya sa kanyang dibdib. Sa sobrang busy niyang mag-drive para sa organisasyon ay wala na siyang time para sa love life. May makilala man siyang babae na gusto niya kadalasan ay hindi naman siya pinapansin ng mga ito. Kaya hindi na niya pinopormahan. Alam din naman niyang aalis siya at magkakalayo rin sila. Iyon ang downside ng kanyang trabaho. Pero sa pagkakataong ito ay pinansin siya ng babaeng ito na nasa kanyang harapan. Sa oras talaga ng pandemic ay saka siya makakaramdam ng ganitong klase ng feelings. Siguro nga ay may pag-asa pa ang mundo dahil sa kabila ng mga kaganapan ay may umuusbong pa rin na pag-ibig at pag-asa. Pero bago siya mag-isip ng kung anu-ano ay tumingin siya sa kanyang likod dahil baka may iba pang tao na nginingitian ng babae. Wala naman. Sa kanya nga nakangiti ang babaeng ito. Shet! 

“English?” tanong ng babae. 

“Y- yes.” Ayun lang mukhang mapapasubo siya ng English bilang hindi naman sila magkakaintindihan kung magta-Tagalog siya at Chinese naman ito. 

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon