Chapter 70: Laban sa Buhay

13 2 0
                                        

Chapter 70: Laban sa Buhay

Nagpatuloy si Xavier sa pagsasalita. "One last chance to all the leaders as they call themselves. One last chance na galangin at respetuhin niyo ako bilang Diyos ninyo. One last chance para kilalanin niyo ako bilang inyong buhay at nag-iisang Panginoon. One last chance para pabalikin ninyo sa inyong mga bansa ang mga eroplanong pandigma at mga sasakyang pandigma na nakapalibot sa Heaven's Palace. I'll give you fifteen minutes to pull them away. That's the very last chance that I'll give to you. Save yourselves from agony. Save yourselves from this war that you declared against me and my disciples."

Makalipas ang ilang minuto. Lumapit sa kanya si Jonathan at ipinakita ang bagong video ng presidente ng Amerika.

"You should be the one to fuck off X. You're a fake God! You're a terrorist who just wanted to hold the world at the palm of his hands. No one successfully did it in history! No badass, ambitious asshole made it! You will not going to make your amibitions come true X! You should be the one to surrender now. I'll give you ten minutes to do so."

"Hindi na niya alam ang sinasabi niya. Masyado na talaga nila tayong minamaliit Jonathan. Humanda sila. Sampung minuto nalang ang natitira at matitikman na nila ang galit ko. Sampung minuto at mababago na ang lahat. Tingnan nalang natin kung hindi natin sila mapasunod. Hahaha!"

"Hahaha! Tama ka Panginoong X. Nagkamali sila na pinagdudahan at kinalaban ka nila. Hahaha!"

Nagtinginan pa ang dalawang diablo na tila ba nagwagi na talaga sila.

Sa kabilang banda sa loob ng labinlimang minutong iyon ay nakaabang din sina Red. Nakapasok siya sa loob ng Heaven's Palace magmula noong makalapag ang plane sa Baguio. Nagpanggap siyang bahagi ng grupo nila Xavier at Jonathan sa loob ng ilang araw.

Nang mabalitaan niya ang pagdedeklara ng digmaan ng mga bansa laban kina Xavier ay saka niya naisip na patakasin ang lahat ng matatanda, may sakit, mga bata at lalo na ang anak ni Caloy na bihag ng mga 'to. Sa loob ng labinlimang minuto habang abala ang lahat sa napipintong pagsugod ay kailangan niyang maisagawa ang plano.

Ang mahirap lang sa kanyang sitwasyon ay lumalala na ang kanyang desire. Isang linggo nalang ang nalalabi sa kanyang buhay. Pitong araw ay papatayin na siya ng kanyang desire. Mas napapadalas ang pag-iisip niya sa kanyang ilong. Kung minsan ay pinipisil-pisil niya ito. Nililinis kahit wala namang dumi at kulangot. Todo distansya rin siya sa mga tao upang hindi siya makahawa. Mabuti nalang kahit sa Heaven's Palace ay nagpapatupad ng health protocols lalo na sa mga pangkaraniwang empleyado at tagasunod ng huwad na Diyos.

Pinuntahan ni Red ang mga senior citizen at mga bata sa kanilang kulungan. Binuksan niya ang lock. Nakuha niya ang susi sa isa sa mga security ng Team Spider. Palihim niya iyong nakuha.

"Wag kayong maingay. Sa loob ng fifteen minutes ay may chance kayong makatakas dito. Kumuha kayo ng mga bata na isasama ninyo. Dumaan kayo sa fire exit sa likod. Dumiretso kayo sa sukalan. May nakaabang doon na van na magsasakay sa inyo pababa ng Baguio. Wag kayong mag-alala dahil tulog ang mga bantay na daraanan ninyo. Pinatulog ko na sila. Nilagyan ko ng pampatulog ang inumin nila kanina. May tumulong din sa akin na patayin ang CCTV mula rito sa kulungan hanggang sa fire exit sa likod. Abala pa ang lahat sa magaganap na digmaan. Alam kong may kabagalan na kayong lumakad at may kasama pa kayong mga bata pero nakikiusap ako sa inyo. Gawin ninyo ang lahat upang makasakay sa van sa loob ng labinlimang minuto. Hindi tayo pwedeng abutan ng digmaan o mapagtanto nila Xavier at Jonathan na may nagaganap na pagtakas ng kanilang mga bihag."

"Maraming salamat sayo hijo." Akmang hahawakan siya ng isang babaeng senior citizen ngunit lumayo siya rito. Kahit may mask siya ay ayaw niyang makahawa.

"Okay na po nay. Walang anuman. Mag-iingat po kayo." Tugon niya.

"Mag-iingat ka rin hijo."

Nang magsimulang tumakas ang mga senior, may sakit at mga bata ay pinuntahan na ni Red ang anak ni Martin. Napakaamo ng mukha ng sanggol na babae. Walang kamalay-malay sa nangyayari sa mundo at sa paligid nito. Tila wala ring sakit ang bata. Kinilik niya ito. Nilagay sa bisig saka sila sumunod sa pagtakas. Narating nila ang huling van kung saan sakay ang mga bago at dating kakampi na lalaban sa huwad na Diyos na si X at ng kulto nito upang wakasan ang pandemyang dulot ng Desire V-30 virus.

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon