Chapter 40: Magnanakaw

23 1 0
                                        

Chapter 40: Magnanakaw

“Alam mo Martin narinig ko na ang pangalang Xavier. Hindi ko lang matandaan kung saan.” Komento ni Myrna. Pinutol niya ang pagkukwento ng lalaki.

“Baka naman sa tv lang o social media.” Saad ni Prances. “Madalang ang pangalan na ‘yan pero pamilyar.” 

“Hindi eh Ces. Parang narinig ko na talaga. Matagal na kaya hindi ko na matandaan.” Pilit niyang inisip kung saan at kung sino ang Xavier na kilala niya. Hindi siya maaaring magkamali meron eh. Ang kaso nga lang ay minsan o madalang niya lang maka-encounter kaya mabilis na nawaglit sa kanyang isipan. “Oh siya wag niyo na munang pansinin ‘yun. Sa ibang panahon ko nalang pag-iisipan kung sino ‘yung Xavier na kilala ko. Ituloy mo na ang kwento mo Martin. Anong mga pagnanakaw jobs ang nakuha mo kay Xavier at sa mga referral niya?”

…May tatlong bagay na pinapanakaw kay Martin si Xavier. 

“Ano ho?” tanong niya kay Xavier. Labis ang pagkawirdong naramdaman niya sa narinig na ipapanakaw nito. 

“Hahaha! Bakit parang gulat na gulat ka?” tanong nito.

“Totoo po ba ang mga sinabi niyo? ‘Yun ang nanakawin ko?”

“Oo ang tatlong importanteng bagay na ‘yun ang nanakawin mo.”

Napalunok siya. “Puso ng putting tigre na pag-aari ng Prime Minister ng China. Utak ng unggoy na pagmamay-ari ng Presidente ng China. COVID-19 secret files na nakatago sa safe ng National Health Commission ng People’s Republic of China.” Inulit niya ang kanyang tatlong misyon. Napalunok na naman siya.

“Iyon na nga.” Nakangiti pa ito. 

Naisip niyang pinagloloko lang siya nito. Sira ang ulo ng milyonaryong ito. Maliban sa hindi basta-basta at weird ang mga pinapanakaw nito ay makukuha niya pa ang mga ‘yon sa pinakamatataas na opisyal ng bansa. Good luck naman kung makabalik pa siya sa Pilipinas ng buhay. Kung hindi man siya paulanan ng bala ng mga security ng mga ‘to ay baka lamunin naman siya ng tigre.

“Pwede pong magtanong?”

“Paraan saan ang mga ‘yun?” nabasa nito ang iniisip niya. Tumango nalang siya. “Sasagutin ko ‘yan matapos mong matapos ang tatlong ‘yun. Wag kang mag-alala. Limang buwan ang taning ko sayo. Kailangan mong magawa ang lahat ng ‘yun sa loob ng panahong ‘yun. You’ll be the greatest hired theft. Katumbas ng two hundred million pesos ang sweldo mo rito.”

Doon nag-three hundred sixty degrees ang kanyang pagpapasya. Magiging instant multi millionaire siya. Buwis buhay nga lang pero two hundred million pesos pa rin ‘yun. Wala ‘yun sa daang libong pisong nakubra niya sa mga mayayamang financier sa Pinas. 

“T-two hundred million? Seryoso ba ‘yan?” paniniguro niya.

“Oo naman. Malaki ang tiwala ko sayo Martin. At para maniwala ka sa akin kapag pumayag ka ay may instant fifty million ka. Sa bawat mananakaw mong mga bagay ay makukuha mo naman ang additional fifty million. Hanggang sa mabuo mo ang two hundred million. Tapos may dalawa pa akong kaibigan na ire-refer sayo. Pwede mong isingit o unahin ang ipapanakaw nila sayo. Madadali lang ang mga ‘yun. Tig-isang milyon ang offer nila sayo para sa mga ‘yun.” Tumigil ito saka nilapit ang mukha sa kanya. Akala niya nga’y hahalikan siya nito. “Wag na wag mong kaming gogoyohin. Pinahanap ko na ang record mo sa Pilipinas. Alam kong matinik kang magnanakaw at manloloko hindi lang ng mga babae pero maging ng mga mayayamang nakikilala mo. Ibahin mo ako sa kanila. Hindi mo ako mauuto at maiisahan. Ilang panahon nalang ay mapapaikot ko na ang mundo sa aking mga palad. Wag na wag mo akong susubukan Martin.”

Napalunok siya. Ramdam niyang hind inga ordinaryo ang pilay na ‘to. Iba rin ang nararamdaman niya rito. Gayunpaman ay pera-pera pa rin ang labanan. Ito na ang magpapayaman sa kanya. Ito na ang pagkakataong kanyang pinakahihintay.

“Tinatanggap ko na ang alok mo Xavier.”

“Sir Xavier.” 

“Sir Xavier. Pero uunahin ko na muna po ang sa dalawang kilala niyo. Ano po bang nanakawin ko para sa kanila?”

Tumayo ito. “Sa loob ng ilang minute ay sent na ang fifty two million pesos sa bank account mo. Ime-message ko naman sayo ang nanakawin mo para sa mga kakilala ko at kung saan mo dadalhin ang mga nanakaw mo.”

Pinaalis na siya nito. Paglabas niya ng hotel na tinutuluyan nito sa Wuhan ay nag-notify na sa kanya ang money transfer. Sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang buhay ay noon lamang siya nakatanggap ng ganoon kalaking halaga. Walang mapagsidlan ang kanyang kasiyahan.

“Yahooooooo!!! Tarantadong ‘yan milyonaryo na ako!!! Ako na si Don Martin! Shet! Ang sarap pakinggan ng Don! Makapag-shopping nga muna.” Sumakay siya sa taxi. Habang nasa loob ay muli na naman siyang napaisip. “Teka lang dapat ma-sure ball ko ang two hundred million na ‘to. Kulang pa ng one fifty kaya hindi dapat ako magpakakampante. Kailangang mas maging matinik ang pagnanakaw skills ko. Sa dami ng pera ko ngayon ay kailangan ko na munang mag-invest sa skills ko. Magaling. Gwapo. Malakas. Matalino na ako pero dapat maging pinakamatalino. Pinaka malakas. Pinaka gwapo at pinaka magaling na magnanakaw ako.”

Pinabalik niya ang taxi sa ibang direksyon. Imbes na sa shopping mall ay nagtungo siya sa pinakamalaking martial arts school sa Wuhan. Nag-enroll siya ora mismo. Mas pinalakas niya ang kanyang stamina at katawan. Nag-aral din siya kung paano gumamit ng espada pati na sa iba’t-ibang uri ng baril. Umakyat siya ng mga bundok at lumangoy sa mga dagat. Literal. Isinagawa niya ang lahat ng iyon sa loob ng isang buwan. Natanggal siya sa trabaho niya sa pabrika dahil doon. May naka-close pa man din siyang Chinese sa pabrika, si Yang. Nang matapos siyang mag-training ng kung anu-ano ay dinalaw niya ito sa pabrika. Paalis na siya nang may pamilyar na tao siyang nakita.

“Linda?”

“M-martin tama?”

“Ako nga. Anong ginagawa mo rito?” tanong niya rito.

“Dito ako nagtatrabaho. Sideline ko lang ‘yung sa Yebian.” Tugon nito.

“Ano?! Parang tiba-tiba ka na kay Xavier tapos nagtatrabaho ka pa rin?”

Lumapit ito sa kanya ngunit tumingin muna sa paligid. “Tinanggap mo ba ang offer niya? Matagal na siyang naghahanap ng mga taong kukuha ng mga bagay na ‘yon. Ang totoo niyan may mas malaki siyang team na pwede niyang utusan pero naghahanap siya ng isang solo na magnanakaw na hindi madaling mapapansin ng mga security ng ipapanakaw niya.”

“Tinanggap ko.”

“Mag-iingat ka. May iba akong napapansin sa kanya.”

“Huh? Tulad ng?”

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon