Author's Note: Maraming salamat po sa inyong pagsubaybay Nerinians! I love you all!
Please subscribe po sa aking Youtube channels: Neri's Collections at Thirst Trap Men. Thank you!
Chapter 88: Clinical Trial
Pasado alas dose na ng madaling araw nang matapos nila Myrna at Prances ang bakuna para sa mga tao. With proper combinations for formula, chemicals, spikes and other scientific explanations, they were able to replicate an adjustable copy of Desire V-30 virus. Base ang lahat ng iyon sa mga kulang na datos ni Jonathan kung bakit hindi nito malikha ang bakuna. Kaso lang ay hindi nila alam kung eepekto nga ba iyon. Ano nga ba ang kailangang dose sa tao. Preventive ba ang bakuna o hindi na mahahawa at may immunity na ang matuturukan nito? Baka naman cure din ito o gagaling ang matuturukan bago maging immune sa nakamamatay na virus? Ang ikalawa ang mas kailangan ni Red.
“Si Red!” sabay nilang bulalas. Naalala nila ang kaibigan. Thirtieth day na nito. Base sa kanilang experience at mga nakita sa mga taong infected ay hindi naman saktong pagtuntong ng ikatatlumpung araw umaakyat sa utak ang desire.
“Dalhin mo na kay Red ang bakuna Myrns!” utos sa kanya ni Prances.
“P-pero isa palang ang nagagawa natin.”
“’Yun na nga eh. Maiiwan ako rito para isulat ang lahat ng detalye na ginawa natin bago ko pa ito makalimutan upang hindi na tayo mag back to zero. For now ilaan na natin ‘yang unang dose na nagawa natin kay Red. Siya na rin ang magsisilbing tao natin para sa clinical trial. Tutal naman ay thirtieth day na niya ay hindi na tayo matatagalan sa trial. Makikita agad natin within the day kung eepekto nga ba ang virus. Kung makaligtas man siya ngayon ay sa mga susunod na araw nalang natin alamin ang iba pang epekto ng bakuna sa katawan ng tao.”
“Sige Ces. Ikaw na ang bahala dyan.” Hinawakan ni Myrna ng mahigpit ang maliit na botelya na naglalaman ng bakuna pati na rin ang syringe. Nagtatakbo siya papunta sa silid ni Red.
Pagdating sa kwarto nito kahit naghahabol pa siya ng hininga ay kumatok na siya. Paulit-ulit. “Red! Red! Buksan mo ‘to! Tapos na namin ang bakuna!” ilang beses niya iyong ginawa gayunpaman ay walang Red na nagbukas ng pinto. Kung anu-anong negatibong bagay na naman ang pumasok sa kanyang isipan. Naisip niyang baka itinuloy na nito ang pagpapakamatay. “Oh my God! Red! Red! Red! Buksan mo ‘to! Please wag mong gawin ‘yang mga plano mo! Nandito na ang bakuna oh! Reeeed!” Walang tigil siya sa pagsigaw at pagkatok.
Hanggang sa bumukas ang pinto sa kabilang kwarto. Iniluwa noon si Red. “Ang ingay mo Myrna. Kung may ibang tao lang dyan nan aka-check in kanina ka pa napagalitan.” Kumakamot ito sa ulo at halatang bagong gising.
“A-anong ginagawa mo dyan?” tanong niya.
“Dito ang kwarto ko.”
Medyo napahiya siya roon. Maling kwarto pala ang kinakatok niya. Mabuti nalang at walang tao. Wala siyang nagambala sa kanyang pag-iingay. Lumapit siya kay Red. “Tulad ng ipinangako ko sayo. Heto na ang bakuna Red. Heto na. I just need your consent na maging bahagi ka ng clinical trial nito. Dahil nasa thirtieth day na ang pagiging infected mo ay malalaman natin within the day kung epektibo nga ba ito. If you survived this day we’ll just observe you for maximum of two weeks to check other side effects or reactions of the vaccine to the human body.”
“Maraming salamat Myrna. Salamat.” Okay na sana ang lahat pero biglang umurong ang lalaki. Hinawakan nito ang ulo. “Wag kang lalapit! Wag mong hahawakan ang ilong ko! Wag!”
Natigalgal siya. Tila iba-iba rin ang thirtieth day effectivity ng virus sa katawan ng tao. It really varies. Kay Red ay tila umeepekto na ang desire nito. Agad-agad na. Mas lalong hindi na siya dapat mag-aksaya pa ng oras. Kailangan na niyang maiturok ang bakuna kay Red. Dahan-dahan siyang mas lumapit dito. Wala naman itong tendency na mag-amok ng matindi dahil ilong ang desire nito. Nasa katawan na mismo nito ang desire nito. Ihahanda na sana niya ang bakuna ngunit nagtatakbo si Red. Gamit ang hagdan ay bumaba ito.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
