Chapter 117: Love at the end of the World

12 2 0
                                    

Chapter 117: Love at the end of the World

Tama nga si Myrna sa kanyang naisip kung bakit nagpresinta si Prances na samahan ang matanda dala ang nag-iisang bakuna na kanilang nakita. Tila alam na rin niya ang dahilan nito kung bakit isa lang ang pinakuha nito. Kahit sa gitna ng pandemya ay tunay na may mga taong nananaig pa rin ang kabutihan. Iisipin ang iba kesa ang sarili. Hindi pa man si Prances ang gumaling ay mas lalo naman siyang nahulog dito. This pandemic, the very right thing that happened to her was to fall in love with such an amazing woman. Selfless and kind.

"Magaling ka na. Wag kang mag-alala bukas ay hindi ka mamamatay. Hindi mamamatay ang kapatid mo." Masayang balita ni Prances kay Romina.

"Maalagaan mo na muli ang kapatid mo Romina." Dugtong ni Myrna.

"Ate?" Dinig nila ang boses ni Donita.

Pagtingin nila sa kanilang pinanggalingan ay naroon na si Donita na nakahawak sa pader upang makapunta ito sa kanila kahit na hindi nakikita ang dinaraanan.

"Donita!" Dagling lumapit ang nakatatandang kapatid patungo rito. Walang tigil ito sa paghikbi habang yakap ng mahigpit ang kapatid. "Magaling na ako Donita. Magaling na ako. Tinulungan ako ng mga kaibigan natin dito. Hindi na kita mapapabayaan. Kayo ni lola."

"Maraming salamat po sa inyong lahat." Sambit ni Donita habang wala na ring tigil sa pagluha.

Binaling ni Prances ang pansin kay Red. "Sa tanong mo kanina Red kung bakit ko pinamigay ang nag-iisang bakuna na pinakuha ko sayo. At kung bakit isa? Thirtieth day of infection na ng napakaramig tao bukas. Ako ay mas marami pang araw kumpara sa kanila na isang araw nalang ang nalalabi sa kanilang mga buhay. Higit nilang kailangan ang bakunang 'yun. Kung nagtungo si lola papunta sa Heaven's Palace. Ibig sabihin ay nasa liblib na lugar sila. Baka hindi sila marating ng bakuna. Baka bukas ay mawala na si Romina at hindi na maalagaan si Donita. O pwede ring silang pareho ang nawala. Magkapareho pa man din kami ng desires- ang mga taong pinakamamahal namin. Kaya masaya ako ngayon na tama lang pala ang naging desisyon ko."

"Naiintindihan na kita Prances. Naiintindihan na kita. Ako ang unang taong napagaling ng bakunang inyong naimbento. Ako higit kanino pa man ang dapat unang makaintindi kung paano hintayin ang huling araw ng infection at mamatay dahil sa desire mo. I have no right to question your decisions especially kung ganito kapuro ang desisyong 'yun." Iyon ang naging tugon ni Red.

"Maraming salamat Red for understanding."

Nakikinig lang si Myrna ngunit patuloy sa pagtaba ang kanyang puso.
Pusong mas bumibilis ang pagtibok para kay Prances.

"Infected ka rin? Pero niligtas mo pa rin ako?" Wala na sa pagkakayakap ang magkapatid. Magkahawak kamay na ang mga 'to. "Hindi ko alam kung paano masusuklian ang kabutihan mong ito sa amin."

"Tapos ay tutulungan niyo pa akong mahanap ang anak ko. Napakabuti ninyo mga apo." Dugtong naman ni lola.

"Tulad ng sinabi ko ay mas kailangan mo ang vaccine dahil thirtieth day of infection mo. At pareho tayo ng desire. Hindi ko rin alam ang gagawin ko kapag sumapit ang thirtieth day ko tapos papatayin ako nila Myrns at ng mga anak namin. At sobrang laki ng posibilidad na mamatay din sila sa araw na 'yun. I still have few weeks left. May dalawang bagay kayong maitutulong sa akin. Sa amin."

Napatingin si Myrna kay Prances.

"Ano 'yun?" Tanong ni Romina. "Sabihin lang ninyo at gagawin namin."

"Sinasakop na ng Team Spider ang city proper ng Baguio. Nasa gitna kami ng Session Road at baka isang araw ay mahuli na nila kaming nagtatago roon. Mahihirapan din kaming maglabas-masok at gawin ang mga dapat naming gawin kung naroon kami at napapaligiran ng mga kaaway. Pwede bang dito nalang din kami tumira?"

"Walang problema hija. Malaki naman itong cabin. Dito nalang kayo para mas marami rin tayo." Pagsang-ayon ng matanda sa unang binanggit ni Prances na maitutulong ng mga 'to.

"Wag po kayong mag-alala. Poprotektahan ko kayo kung sakaling matunton tayo rito ng mga kaaway." Tinaas pa ni Red ang hawak nitong baril.

"Maraming salamat hijo."

"Ano naman ang ikalawang bagay na pwede naming maitulong?" Tanong ni Romina.

"Kami ng aking kasintahan na si Myrna ang nakaimbento ng vaccine sa Desire V-30 virus." Tiningnan pa siya nito. Hindi alam ni Myrna kung magiging proud siya na sila ang nakaimbento ng bakuna o kikiligin siya dahil ipinakilala siya nito bilang nobya. "Hinayaan naming makuha sa amin ang secret files na naglalaman ng lahat ng detalye sa bakuna ng grupo ni Xavier para makapag-mass produced sila ng mga 'yun dahil may deadline na ang mga taong na-infect noong umulan ng virus. Pwede kaming makahanap ng ibang mga kemikal na ginamit para maulit na makagawa ng bakuna na pwedeng iturok sa akin. May dalawang importanteng sangkap pa maliban sa mga kemikal na 'yun."

"Ano ang mga 'yun?" Muling tanong ni Romina.

"DNA mula sa blood samples ng mga taong may sakit at may immunity sa virus. Ang isa ay magmumula sa anak mismo namin ni Myrna, si Maliah. May sakit ito. Ang isa naman ay kay Donita. We need just a sample of her blood dahil may kapansanan siya sa paningin." Ipinagtapat na nga nito ang pangalawang kailangan.

Tumingin si Romina sa kapatid. "Kung papayag ang kapatid ko ay walang problema sa akin. Kung sa ganoong paraan namin masusuklian ang ginawa niyong pagligtas sa buhay ko ngayon ay gagawin namin basta pumayag ang kapatid ko."

"Pumapayag ako ate. Pumapayag po ako." Nakangiting sinabi ni Donita. "Sample lang naman po ng dugo ko hindi ba? Hindi naman po mauubos 'dun ang dugo ko at hindi ko naman 'yun ikamamatay eh. Pumapayag po ako. Iniligtas niyo po ang ate ko. Kung ako naman po ang makakapagligtas sa inyo ay buong puso ko pong ibibigay ang sample ng dugo ko."

"Maraming salamat sa inyo." Hindi na napigilan ni Myrna na magpasalamat sa mga 'to. Sabay niya pang hinawakan sa magkabilang kamay niya ang magkapatid. Sobrang halaga sa kanya ng sandaling 'yun. Kailangan nilang mailigtas si Prances. Sa second suggestion na ni Red ito kakapit ngayon.

Matapos ang pag-uusap na 'yun ay mag-isang bumalik si Red sa kanilang tinutuluyan sa Session Road upang sunduin ang kanilang mga kasama. Nalabalik din naman ang mga 'to kaagad dahil wala pa raw Team Spider sa paligid. Marahil ay nasa palasyo pa ang mga 'to. Hindi makapaniwala ang mga 'to sa cabin. Napakaganda raw noon. Malaki pa. Pinakita rin sa kanila ni lola ang napakaraming supply nito ng pagkain, gamot at iba pang essentials sa pandemya. May isang malaking kwartong nakalaan sa mga 'yun. Mahal na mahal ito ng anak na si Carmela para bilhan ito ng ganon karaming supplies at masigurong hindi ito magugutom.

Nagpakilala rin ang bawat isa sa isa't-isa. Tapos ay nagluto sila Rona at Ruby ng pananghalian. Katatapos nilang mananghalian nang dalhan niya ng pagkain si Prances sa likod ng cabin. Hindi pa rin kasi ito makasabay sa kanila.

"Ces kain ka na." Nilapag niya sa mesa ang dalang pagkain.

"Thank you Myrns."

Huminga siya ng malalim habang nakamasid sa view. "Gusto kitang yakapin ngayon Ces." Sambit niya.

"Hmmm... alam mong hindi pa pwede Myrns."

"Kaya nga eh. Pero gusto kitang yakapin dahil sa ginawa mo kanina para kay Romina. Nabasa ko na ang plano mo pero nagdalawang-isip pa rin ako. Maybe because ikaw talaga ang gusto kong mailigtas. Kaya nga tayo pumunta ulit pa-Heaven's Palace di ba? But listening to you earlier and justifying your decisions, I realized na tama ka. Mas importanteng mapagaling at mabigyan ng bakuna ang mga taong thirtieth day of infection na nila bukas. Tapos ay nakagawa ka pa ng paraan para magkaroon tayo ng bagong tutuluyan at nakahanap ng isa sa importanteng sangkap sa vaccine." She paused. "Higit sa lahat ay mas lalo kitang minahal sa araw na ito. Pangako, hindi ako titigil hangga't hindi ka napapagaling Ces. Wag tayong susuko ha? Gagaling ka. Mahal na mahal kita."

"Salamat Myrns. Mahal na mahal din kita."

"Kung ito na ang katapusan ng mundo. Hindi ako papayag na hindi ka mayakap at mahalikan hanggang sa huli."

"Grabe kaya mo lang pala ako gustong gumaling." Kunyari'y nagtantrums ito.

"Oo kaya no. We're so near yet so far kaya. Kumain ka na dyan."

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon