Chapter 127: Pagsama

12 1 0
                                        

Chapter 127: Pagsama

"Hindi kami sasama sa inyo!" Mariing tugon ng haligi ng tahanan kay Ruby. "Hindi namin kayo kilala. Safe na kami rito sa amin. Nakagawa kami ng paraan para makaligtas sa putang inang virus na ito. Kahit infected kami ay patuloy pa rin kaming nabubuhay."

"Sir wag na pong matigas ang ulo niyo. Sumama nalang kayo sa amin." Pabalang na tugon ni Ruby.

"Ha? Ang kapal ng mukha niyo para utusan kami!"

This time ay si Caloy na mismo ang mamamagitan. Hindi pwedeng ang magkaibang attitude nila Ruby at Manolo ang pumagitna sa ganitong sitwasyon. Kahit driver lang siya ng grupo ay marami na siyang natutunan tungkol sa Desire V-30 virus kina Myrna at Prances. Oo't may pinagdaraanan pa siya sa pagkawala ng babaeng pinakamamahal pero nalagay na niya sa kanyang mga kamay ang katarungan. Mas kalmado pa rin siya kung tutuusin kina Ruby at Manolo.

"Patawad po sir sa mga kasama ko kung hindi nila alam ang sinasabi nila."

"Bakit ka humihingi ng tawad?" - Ruby.

"Bakit 'mga kasama'?" Tanong naman ni Manolo. "Eh itong babaeng 'to lang ang matabil ang dila at walang modo eh."

"Sinong walang modo ha?"

"May iba pa bang hindi ka nakikita na pwedeng pinapatungkulan ko?"

"Tama na!" Tinaasan na ni Caloy ang dati'y kalmado niyang boses. "Pwede ba wala kayong natutulong. Kung magtatalo lang kayo at papairalin niyo lang ang mga ego at attitude niyo ay manahimik nalang kayo. Team tayo rito di ba? At nasa gitna tayo ng pandemya at pananakop ng mga pekeng Diyos. Nakalimutan niyo na ba 'yun? Sa tingin niyo ba mapapakiusapan niyo silang sumama sa atin kung ganyan ang pinapakita niyong ugali?!"

Natahimik ang dalawa. Napayuko.

"Sorry." Mahinang nasambit ng mga 'to.

Muling ibinaling ni Caloy ang pansin sa pamilya sa kabilang bakod. "Sir. Ma'am. Pwede po ba kayong sumama sa amin? Team po kami ng mga researcher at scientist. Driver lang po nila ako. Pero kailangan po namin kayo. Dahil kakaiba po ang sitwasyon ninyo ay baka makahanap ng ibang kasagutan sa mga katanungan sa pandemic na ito. Malaki po ang maitutulong ninyo para mawakasan ang pandemyang 'to."

"Teka lang. Kayo ang kaaway ng Panginoong X?" Tanong ng babaeng maybahay.

"Hindi po ako magsisinungaling sa inyo." Tugon niya rito. "Kami nga po. Pero sila ang tunay na kaaway. Nais nilang kontrolin ang buong mundo. Ginawa nila ang virus na 'to. 'Yang virus na naka-infect sa inyo at marami pang inosenteng tao sa mundo para maghari sila sa mundo. Please sumama na po kayo sa amin."

"Alam naman naming demonyobat huwad ang Xavier na 'yun. Marami pa ring mga tao ang hindi nila nauuto. Kaya lang naman sumusunod sa kanila ang mga tao ay dahil sa takot eh." Saka huminto ang haligi ng tahanan at nakipagtitigan kay Caloy. "Kung sasama kami sa inyo, ano namang makukuha namin?"

Huminga siya ng malalim bago sumagot. Nanalig siya kina Myrna at Prances na magagawa ng mga 'to ang kanyang isasagot. Napadasal din siya sa kanyang loob sa tunay na Diyos na nasa langit. "Hindi niyo na po kakailanganing sipsipin ang dugo ng isat'-isa. Gagaling po kayong lahat. 'Yan po ang aming ipinapangako."

Iyon na nga ang tuluyang kumumbinse sa mga ito. Nagbihis lang ang pamilya. Nagdala ng ilang importanteng gamit. Saka lumipat patungo sa kanilang tinutuluyan. Hindi na pumasok ang mga 'to sa loob dahil wala na silang inaksaya pang oras. Lahat sila ay sumakay na van. Gising na si Maliah kaya naman si Hope nalang ang karga ni Manolo. Ang pamilya namang kasama nila ay nasa likod kung saan may plastic barrier barrier. Pinagsuot na rin nila ang mga 'to ng PPE bago sumakay.

"Let's go!" Saad ni Caloy saka pinaandar ang makina ng sasakyan. Sa tulong ng electronic map ay na-navigate nila ang patungo sa cabin.

Bago pa man sila makarating ay bumulong sa kanya si Ruby. "Thank you kanina Caloy. Hindi ka lang magaling na driver. Mabuti ka pang tao at kaibigan. You're the best."

Napangiti naman siya sa sinabi nito. "Baka ma-fall ka sa akin niyan ah. Baka biglang akitin mo na naman ako. Hehe!"

"No way! Never again! Hindi ako driver lover eh. Mas gusto ko 'yung magaling humawak ng baril."

"Yiiieh! Tulad ni Red?" Biglang panunukso ni Manolo.

"Alam mo Manolo, mabuti nalang at marami nang naitulong sa grupo ang jowa mong si Yberr at mabuti nalang kapatid mo si Myrna. Dahil kung hindi... pero sorry ah. I hope we can still be friends kahit na marami tayong differences."

"Oo naman. Walang kaso sa akin 'yun. Ang sarap kayang makipagtalo sayo. Pero hindi pa tayo magigising kung hindi dahil kay Caloy. Thanks Caloy ah. Ang hirap mag-isip ng tama sa mga panahong ito. Mabuti na lamang at mayroon tayong mga kaibigan na handang tumuwid sa atin sa panahong ito. Mabuti nalang at grupo tayo."

"Tuwid? Sure ka na? Straight yarn?" - Ruby.

"Ah ganon ah!"

Napangiti nalang si Caloy habang pinagmamasdan sila mula sa salamin. Umabot ang kanyang tingin sa pamilyang nasa likod. Alam niyang pag-asa ang dala ng mga 'to.

Pagdating sa cabin ay muling nakumpleto ang grupo. Nakilala na nila si lola, Romina at Donita. Si Myrna naman ang personal na kumausap sa pamilya na tinawag nilang pamilya X. Pinagpahinga muna nila ang mga 'to sa likod ng cabin. Abalang-abala pa kasi sila Myrna sa pagkuha ng dugo ni Donita at sa mga issues ng ate nito. Nais din nilang masaksihan kinabukasan ang ginagawa ng mga ito upang makaligtas. Ang pagsipsip ng dugo ng mga ito sa isa't-isa.

.....Sa kasalukuyang panahon. Umaga. Matapos mag-almusal. Napakarami nang naganap bago ang araw na 'yun. Ngunit ito na ang bagong araw. Bagong araw ng pag-asa o pwede rin namang panganib.

Kumusta na kaya sila?" Tanong ni Myrna kay Caloy at sa kapatid na si Manolo.

"Kakaiba talaga sila." Tugon ni Caloy. "Hindi ako makapaniwala na mayroong ganitong klase ng mga infected. Sa dami ng nakita nating kaso ng infected ng Desire sa China ay may ganito pala."

"Hindi rin ako makapaniwala." Saka naalala ni Myrna ang ikinwento sa kanya ni Prances na unang nadiskubre nito at ni Red.

Mas lalong hindi makapaniwala sila Myrna sa nasaksihan. Tila mauulol na ang pamilya sa likod ng cabin. Ngunit biglang nagyakap-yakap ang mga 'to ang sinipsip ang dugo ng isa't-isa. Hanggang sa bumalik ang mga 'to sa normal.

"Nakakaloka..."

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon