Chapter 38: Batang Tondo
“Wala ngang ka-size. ‘Tang na naman oh!” napakamot ng ulo si Martin. “Teka.”
“Ano?” tanong ng halatang dismayadong si Caloy.
“May isa pa tayong chance. Sa bahay ni Madame. Maraming sasakyan ‘yun eh.”
“Saan naman ang bahay ni Madame?”
“Malapit lang dito.” Huminga siya ng malalim. “Iba ang dapat nating problemahin. ‘Yung mga nahawa ni Madame sa kanilang bahay.”
“Kayang-kaya mo ‘yan!” biglang nagbago ang mood nito. Mula sa disappointed ay halatang umasa na naman ito sa kanyang kakayahan.
“Lima lang ang na-encounter natin dito.”
Tinitigan siya nito. “Ibig sabihin…”
“Ibig sabihin five times five ‘dun. More or less.” Saka siya nagsimulang lumakad patungo sa bahay ng infected na bugaw.
“Five times five?! Twenty five na infected?! Pwede bang ikaw nalang ang pumunta?! Driver ang propesyon ko at ang talent ko. Wala akong alam sa pakikipaglaban.”
“Sumunod ka nalang! At dumampot ka ng kahit anong matulis dyan para madepensa mo ang sarili mong kapag kinuyog ako. Utak at puso ang puntiryahin mo! Kaya mo ‘yan! Saka pakasuot mo ‘yang facemask mo para hindi ka ma-infect.”
Habang binabagtas ang daan ay nakarinig sila ng putok ng baril. Noong una ay isa lang. Makalipas ang ilang minute ay sunud-sunod na putok ng baril na ang umalingawngaw sa paligid.
“May nangyari na yata sa kanila Martin! Bumalik na kaya tayo?” – Caloy.
“Wag kang duwag. Mukhang magaling ‘yung Red. Nakita ko siyang lumaban. Kung hindi lang nalaglag ang baril ‘nun ubos ang mga nakalaban ‘nun noong nagkita kami.”
“Paano kung team Spider ang naroon?”
“’Yun lang!”
“Bumalik na…”
Huminto siya sa paglakad at hinigit ang kwelyo ng suot nitong polo shirt. “Tumahimik ka na nga. Naandito na tayo. Hindi natin pwedeng sayangin ‘yung naging effort natin. Mailigtas man natin sila o hindi ay kakailanganin pa rin natin ang gulong. Naiintindihan mo ba ako? Alam kong natatakot ka para ‘dun sa babaeng bulag. Ako rin naman nag-aalala kay Myrna eh. Pero kailangan nating gawin ang parte natin bilang mga lalaki. Wag kang duwag. Hindi ka lang dapat driver dito. Lalaki ka rin.” Tinuro niya ang malaking gate. “’Yan na ang bahay ni Madame.”
Isang malaking bahay ang tumambad sa kanila. Malaki rin ang kulay berdeng gate. Dinig mula sa labas ang mga kakaibang kaluskos at ungol.
“Sinadya ni Madame na hawain lahat ng tauhan niya. Nagpa-party siya rito sa bahay nila. Dinuraan niya ang mga inumin. Lahat ng mga pokpok niya at security ay kinulong niya matapos ma-infect. Noong hindi pa umaabot ang thirty days ng mga infected sa loob, lahat nang magtangkang tumakas ay pinapabaril niya sa mga guards niya. ‘Yung mga naiwang buhay sa loob na naririnig mo malamang wala ‘yung desire nila sa loob. ‘Yung may mga desire naman nila sa loob ay malamang patay na ngayon. Baliw ‘yang si Madame.”
Pagtingin niya kay Caloy ay halata ang pagkamulta nito. “B-baliw nga.”
“Kaya umayos ka. Tara na. Malay mo driver ang desire ng isa sa mga babae ni Madame sa loob. Hahaha!”
“Alam mo thankful na ako sa pagliligtas mo sa buhay ko eh. Pero hindi magaganda ang mga biro mo. Waley!”
“Halika na!” walang pakundangan niyang sinira ang kadena sa labas gamit ang kanyang espada.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...