Chapter 87: Dugo
“Good day world and to my human folks. I would like to say that all the rumors online are not true. Hindi kami nahihirapan sa paglikha ng bakuna para sa mga tao laban sa Desire V-30 virus. Kapag nalaman namin kung sino ang mga nagpapakalat ng ganitong fake news ay sisiguraduhin naming magbabayad kayo. Magtago na kayo. Upang mas makampante na kayo ay malugod kong iaanunsyo ngayon na tapos na ang bakuna. Mayroon ng ikatlong bakuna para sa mga tao! Sumasailalim na lamang ito sa clinical trial. Tayo’y magbunyi!” Iyon ang press release ni Xavier sa mga tao matapos mabalitaan ang pinapakalat nila sa social media.
Ngunit wala nang pakialam si Myrna sa napanuod. Hawak niya ang result ng lab tests ni Hope. Inabot iyon sa kanya ni Prances.
“Walang sakit si Hope?” Tanong ni Myrna sa kanilang nadiskubre ni Prances mula sa blood samples at blood examinations na ginawa nila sa sanggol. “P-paano nangyari ‘to?”
“’Yan nga rin ang pinagtatakan ko eh Myrns. Malinaw sa kwento ni Martin noon na pinapainom at pinapakain si Linda ng marijuana para magkasakit ang bata. Imposibleng maging normal si Hope. Bawal sa nagbubuntis ang marijuana. Maliban nalang kung…”
\
“Maliban nalang kung hindi talaga napainom si Linda ng marijuana noon.” Dugtong niya.
“Pero paano nangyari ‘yun Myrns? Sa higpit na ‘yun na Xavier hindi niya nalamang hindi pala siya sinusunod ni Sheryl? Tama ba Sheryl ang pangalan ng kasamahan ni Linda sa club?”
Muli niyang pinagmasdan ang listahan ng lab results. “Hindi ko rin alam Ces. Hindi ko rin alam. Isa lang ang alam ko. May mali. May mali rito. Hindi basta-basta papayag si Xavier na maisahan ng ganito. Malamang ay pina-test niya rin ang sanggol para masabing nagtagumpay siya. At ilang buwan ding nanatili ang sanggol sa lab. Naging bihag pa ito doon. Hindi ba parang may mali talaga? Iyon ang dapat nating malaman. Kung ano at saan ang mali.”
Bago alamin ang katotohanan sa lagay ng bata ay kailangan muna nilang unahin na makaimbento ng epektibong bakuna para sa mga tao laban sa Desire V-30 virus. Uunahan nila si Jonathan sa paglikha nito. Masusi nilang inaral ang secret files at ang sample ng initial vaccine na meron sila.
Nagpahinga na muna sila. “Kukuha lang ako ng makakain natin Prances kay Rona.” Pagpapaalam ni Myrna sa kasintahan at partner.
“Sige Myrns. Salamat.”
Pababa na sana siya sa sa pantry ng hotel ngunit napahinto siya. Natanaw niya kasi sa isa sa mga veranda si Red. Nakaupo ito. Siguro ay para hindi makita ng mga alagad ni Xavier na pagala-gala sa syudad. Napansin niyang umiiyak ito. Then she realized something. Napatakip siya sa kanyang bibig. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang phone sa kanyang bulsa. Binuksan niya ang calendar app at saka tiningnan ang kanyang notes. Lalo siyang natigalgal.
“B-bukas na ang thirtieth day of infection ni Red.” Masyado silang naging abala sa misyon nila sa Wuhan, sa pagbalik nila sa Pilipinas at sa mga sunod nilang plano laban kina Xavier at Jonathan. Nakalimutan na niya ang kaibigang si Red. Mamamatay na ito dahil sa desire nito sa ilong. Bukas na magaganap iyon. Kailangang matapos nila sa araw na iyon ni Prances ang bakuna. Ibinalik niya ang mga mata sa lalaki. Napansin niyang umakyat ito sa hagdan ng fire exit. Kaagad niya itong sinundan.
Sa rooftop ito dumiretso. Umakyat ito at tumayo sa gilid ng rooftop. Tila magpapakamatay ito.
“Wag Red!” sigaw niya saka nagtatakbo palapit dito. Hinawakan niya ang binti nito. “Red wag mong ituloy ang pinaplano mo. Nakikiusap ako sayo.” Pumatak na rin ang luha sa kanyang mga mata. Labis siyang nasasaktan sa mga sandaling iyon dahil nais niyang maligtas ito. They needed to double time para matapos na ang perfect formulation ng bakuna.
![](https://img.wattpad.com/cover/276498223-288-k635001.jpg)
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...