Chapter 103: Z Night

14 2 0
                                    

Chapter 103: Z Night

“Caloy ano ba?!” galit na si Myrna. Gigil na gigil siya kay Caloy at Ruby. “I said stop the car!”

Dali-dali naman itong nag-preno. 

“Aaaah!” napasigaw si Maliah. Muntik na itong mauntog mabuti nalang ay nayakap niya ito.

“Ano ba?! Ingat naman! Kung gusto mong sumama kay Ruby, Caloy ay hindi kita pipigilan. Bumaba na kayo.” Tumingin siya sa kanyang kuya Manolo. “Kuya ikaw nalang ang mag-drive.”

“Okay sige.” – Manolo.

Muling umandar ang makina ng sasakyan. “Patawad ma’am Myrna pero kailangan po naming makapunta sa loob ng Heaven’s Palace. Ito pong sasakyan na ito ang paraan para magawa namin ‘yun. Hayaan niyo lang po kaming makapasok at pagkatapos ay pwede niyo na kaming iwan gamit din ang sasakyan na ‘to. Patawarin niyo po ako. Alam niyo kung gaano ko kamahal si Liza. Hindi na po makakapaghintay ‘to.” 

Muling humarurot ang van.

“Caloy!” sumilip siya sa bintana sa harap. “Red ano ba? Pigilan mo si Caloy.”

Yumuko ito. “Hayaan na natin si Myrna. Wag kang mag-alala marunong din ako mag-drive. Pagkababa nila sa palasyo ay magmamaneho kaagad ako palayo.”

“Hindi ko kayo maintindihang lahat! Ahhh!” ginulo niya ang kanyang buhok. 

“Patawad Myrna. Patawad.” Saad ni Ruby. “Kapag namatay ‘yung mga hayop na heads at si Xavier na nagpapanggap na buhay na Diyos ay matatapos na ang lahat ng ‘to.”

“Sa tingin niyo ba kakayanin niyo sila? Dalawang tao laban sa libong mga tauhan niya. Anong laban niyo ‘dun?” tanong niya na may panlulumo. 

“Mag-iingat kami Myrna. Hindi naman ‘yung libong mga tao ang kailangan namin eh. Didiretso kami sa mga pakay namin.” Tugon ni Ruby.

Napailing siya. “Bahala na nga kayo. Basta mag-iingat kayo ha? Kapag parang hindi niyo na kakayanin at tila wala na kayong laban ay umalis na kayo sa palasyo. Sumunod na kayo sa amin. Okay?”

“Okay Myrna. Maraming salamat.”

Nagpatuloy na ang pag-andar ng sasakyan papunta sa impyerno ngunit langit ang pangalan. Habang papalapit sila sa Heaven’s Palace ay bumalik ang lahat ng hirap na pinagdaanan nila Myrna sa kanyang gunita. Magmula noong nagtungo sila sa China hanggang sa makabalik na sila sa Pilipinas. Isama pa ang mga sakripisyong kailangan nilang gawin para sa kanilang misyo. Ang mga taong nawala dahil sa Desire V-30 virus. Mga taong ang tanging kasalanan ay magkaroon ng mga desire. Desire upang magpatuloy sa buhay ngunit buhay din ang binawi sa mga ‘to. Napatingin tuloy siya kay Prances. Isa itong halimbawa sa mga taong may magandang desires ngunit mamamatay dahil sa pandemyang ito. 

Pumasok ang sasakyan sa basement ng palasyo. Huminto iyon sa parking area. 

“Mauna na kami Myrna. Mag-iingat kayo palabas.” Saka binuksan ni Ruby ang pinto ng van sa likod. 

Sumilip si Caloy muna sa bintana sa harap. “Patawad po muli ma’am Myrna. Isa pong karangalan na makatrabaho kayo. Maraming salamat po sa lahat.” Bumaba na rin ito ng van.

Humarap siya kay Maliah. “Anak Maliah. Mahal na mahal ka ni mama. Mahal na mahal kita. Pangako kukuhanin ko si Hope. Kukuha rin ako ng gamot para sa mama Prances mo.”

“Myrns a-anong sinasabi mo sa bata?” tanong ni Prances.

“Sasama ako sa laban na ‘to Ces. Hindi ko sila iiwan. May personal din akong mga naisin ngayon. Kung ito ang paraan upang makamit ang mga ‘yun ay gagawin ko na. Kung ito ang paraan para mailigtas ka at si Hope ay kikilos na ako.”

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon