Chapter 154: Malaya

15 0 0
                                        

Chapter 154: Malaya

“Tulong! Tulong!” sigaw ni Yberr habang umiiyak. Halos madurog ang kanyang puso nang makita ang lasog-lasog na bangkay ng kanyang matalik na kaibigan na si Chichay sa ibaba ng bangin. Idagdag pa ang katawan ni lola na labis din ang pinagdaanan sa lakas ng impact ng pagbagsak. 

Niyakap siya ni Manolo ng ubod ng higpit. “Tahan na. Tahan na Yberr.”

Dali-daling lumabas ang lahat upang puntahan sila. 

“Anong nangyari Yberr?” tanong ni Myrna.

“Aaaaaaaah!” hindi pa man siya nakakasagot ay napasigaw na si Ruby. 

“Aaaaaah!” gulat din ang lahat nang mapatingin sa ibaba ng bangin.

“Anong nangyari?!” tanong ni Prances. “Bakit nasa baba sina Chichay at lola?”

“Hindi ko rin alam! Uuugh!” tugon niya habang patuloy ang pagsikip ng kanyang dibdib dahil sa nangyari. 

“Alam na ni Jonathan na buhay tayo?” tanong ni Ruby. “Nagpapunta siya ng papatay sa atin? Baka naman nagtraydor na sa atin ‘yung Joaquin at Joey na ‘yun?”

“Wag na muna tayong mag-come up sa conclusion.” Saad ni Myrna. “Red at Julio, pwede niyo bang iakyat ang katawan nila Chichay at lola?”

Humanap ng alternatibong ruta pababa sina Red at Julio para makuha ang mga bangkay. Bangkay na nga ang mga ito at wala nang tsansang masalba pa. Sa labas ng cabin, sa hindi kalayuan ay may matarik na daan pababa. Doon nakapunta ang dalawa at nakuha ang mga katawan. Pagkaakyat ng mga bangkay nila Chichay at lola ay mabilis na niyakap ang mga ito nila Yberr, Romina at Donita.

“Lola! Sinong gumawa sayo nito?!” bulalas ni Romina. “Lola!” 

“Lola bakit mo kami iniwan?! Lola gumising ka!” panaghoy naman ni Donita.

“Chi! Chi!” hindi naman mapaawat ang pagluha ni Yberr. “Chi okay na di ba? Okay na ang lahat sa pagitan natin. Bakit kailangang mangyari ito sayo?! Bakit!?”

Wala na silang panahon. Mamayang gabi na ang paglusob nila sa Heaven’s Palace para pabagsakin si Jonathan. Ayon kay Joey ay matagumpay ang plano. Kaya naman hindi na sila dapat mag-aksaya ng oras. Kailangan na talaga nilang magtungo sa palasyo upang isagawa ang huling bahagi upang matapos ang pandemyang ito at ang paghahari ng mga pekeng Diyos. Kaya naman sa bakuran nalang din ng cabin humukay sina Red at Julio ng paglilibingin sa dalawa. Nagdaos sila ng maigsing seremonyo upang isakatuparan ang paglilibing. Walang patid pa rin ang kalungkutan at mga luhang pumatak lalo na kina Yberr, Romina at Donita.

“Kailangang malaman natin kung sino ang pumatay sa kanila.” Nanggigigil na saad ni Romina.

“Sa tingin ko ay hindi sila pinatay.” Sambit ni Yberr. “Nagpakamatay sila.”

“A-ano?!” – Romina. At lahat sila ay nagulat sa sinabing iyon ni Yberr.

“Pinakialaman ko ang phone ni Chi. May iniwan siyang mensahe. Nagpapaalam siya sa akin at humingi rin siya ng tawad sa gagawin niya. Hindi niya sinabi ang specific na dahilan pero ginawa niya raw ‘yun para iligtas ako sa kamatayan.” Pahina ng pahina ang boses niya dahil mas nangingibabaw ang kanyang pagluha. “May CCTV rin ang cabin. Wala nga lang monitor. Inupahan lang naman ito ni Carmela para kay lola hindi ba. Malaki ang chance na may nagmamay-ari ng cabin at nasa kanila ang monitor ng CCTV. Kaya naman naisipan kong i-hack ang main PC kung nasaan man ang monitor. Doon ko nakitang tumalon ng kusa si Chi sa bangin. Tapos ay sumunod si lola. Baka nagpakamatay si lola dahil sa nalaman niyang wala na si Carmela. May kausap naman si phone si Chi. Walang pangalan ang number base sa call register. I already save the number para ma-trace kung kanino ‘yun. Marahil kung sino man ang kausap ni Chi sa phone bago siya tumalon ay may kinalaman sa tinutukoy niyang pagliligtas sa akin. Baka tinakot siya ‘non. Baka may nasabi siyang impormasyon sa taong ‘yun at labis na dinala ‘yun ni Chi. Hindi pa man din siya stable mentally and emotionally dahil sa nangyaring trauma sa kanya sa palasyo.”

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon