Chapter 157: Spell Karma

12 0 0
                                        

Chapter 157: Spell Karma

Sa gabi ng pagkahulog at pagkamatay ni Xavier sa kanyang ipinatayong Heaven’s Palace. Ang matayog na tahanan ng buhay na Diyos. Mayroong lihim na nakakubli sa mga nangyari. 

“Ooops! Huli na ang lahat Xavier! Hahaha!” napalunok siya sa sinabing iyon ni Jonathan. Tila huli na nga ang lahat. Mukhang wala na ngang pag-asa. Naroon na sa loob ng kanyang opisina si Jonathan at ang mga zombie nito.

“J-jonathan.” Natigalgal siya habang matimang pinagmamasdan ang mga mata ng data niyang kanang kamay.

“Ako nga mahal kong Panginoong X. Amoy na amoy ko na ang tagumpay. Ang dating walang kwenta mong tauhan ang siyang magpapabagsak sayo. At talagang nakakatayo at nakakalakad ka na pala ha? Pero ano naman sa akin? Hindi mo na mae-enjoy ‘yan dahil katapusan mo na. Any last words Panginoong X? May message ka ba sa buong mundo bilang ipapasa mo na sa akin ang trono? O message man lang sa akin? I will listen very carefully.” Ang itsura ni Jonathan ay tila ba proud na proud ito sa sarili. Mula sa walang kwenta ay napakataas na ng tingin nito sa sarili. Iritableng-iritable naman siya rito. Kumulo ang kanyang dugo habang pinagmamasdan ito. Idagdag pa ang amoy ng mga zombie nito na napakasangsang. Kasama na roon si Joan.

Muli siyang napalunok. Iwinasksi niya ang lahat ng kaba sa kanyang dibdib. “Hindi mo magagawa ang lahat ng ito Jonathan kung hindi ako naniwala sayo noon. Matalino ka pero hindi ka nag-iisip. Ginamit kita para magawa ang lahat ng mga plano ko. Ako ang bumago sa mundo. Lahat ng nagawa mo sa pandemyang ito, ang Desire V-30 virus at ang mga zombie na bitbit mo ngayon ay tsamba lang! Tsamba! Ikaw nga ang nakagawa pero kung wala ang basbas ko at ideya ko ay wala ka namang magagawang ganyan eh! Mananatili ka sanang walang kwenta! Sa tingin mo ba kapag ikaw na ang Panginoon ay magtatagal ka sa pwesto mo? Pagtutulungan ka na ng lahat ng mga pinuno ng mga bansa sa buong mundo. Kasi hindi ka makakapag-isip ng maayos! Wala kang ibang hinangad sa buhay mo kundi ang mapatunayang hindi ka walang kwenta! Iyon ang iyong pangunahing kahinaan! Hindi ka rin magtatagal sa trono! Tandaan mo ‘yan!” imbes na magpakumbaba at makiusap na wag siya nitong saktan ay hindi niya ‘yun ginawa. Ininis niya pa itong lahat. Hanggang sa huli ay hindi siya makakapayag na bumaba rito. Hindi kailanman siya papayag na mas nakakataas na ito sa kanya. Siya ang lumikha rito. Alam niya ang bawat likaw ng bituka nito. Alam niya na wala ni-katiting na leadership skill si Jonathan. 

“Hayop ka talaga Xavier! Putang ina mo ka! Minaliit mo na rin talaga ako hanggang sa huling sandali ng buhay mo! Kung wala kang magandang sasabihin ay mabuti pa’t mamatay ka na nga!” – epektibo naman ang pang-iinis niya rito. Kitang-kita niya sa reaksyon nito.

“Teka lang po!” biglang saad ni Chichay. “Nagkatrabaho naman tayo Jonathan eh! Titiwalag na ako kay Xavier! Sayo na ako! Wag mo lang akong patayin! Parang awa mo na!” saka lumuhod pa ito.

“Tangna kang bakla ka! Tonta! Talagang tatraydorin mo pa ako ng harap-harapan!” sigaw niya kay Chichay. Iniiwan na siya ng mga kakampi niya. Kung hindi nangangamatay ang mga ‘to ay bumabaligtad naman. Sina Daniel at Takashi nalang ang kanyang pag-asa.

“Halika na rito Chichay! Ikaw ang magiging taga-ayos ko! Hahaha!” saka muling ibinaling nitong ang atensyon sa kanya. “Ngayong gabi ay naranasan mo ang mawala ang lahat sayo Xavier. Nawala ang mga tauhan mo, ang Team Spider, ang laboratoryo mo, ang mga tao mo at pati na rin itong Heaven’s Palace. Wala ka ng kapangyarihan. ‘Yung mga pinagmamalaki mo sa akin kanina ay wala na. Ubos na. Hindi na sayo. Kaya kahit na maliitin mo pa ako ay wala na akong pakialam. Kasi ang mahalaga ay ako ang nagwagi. Napabagsak ka ng taong walang kwenta. Naagaw ko lahat sayo sa kabila ng labis na talino mo. Hahaha! Paalam Xavier. Nag-enjoy naman ako sa mga jerjer moments natin! You made me who I am now.” Saka nito tinakpan ang hawak na container. Malamang ay iyon ang nakaka-kontrol sa mga zombie nito. 

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon