Chapter 108: Harapan

9 2 0
                                        

Chapter 108: Harapan

“Heto pa rin kaya ang number ni Jonathan?” pinag-isipang mabuti ni Rona kung kokontakin na niya ang lalaki. Naiwan siyang mag-isa sa loob ng kwarto sa ElYu. Tatlumpung minuto pa lamang ang nakalilipas mula nang mag-usap sila ng masinsinan ng kanyang ate Ruby. Sa wakas, makalipas ang maraming taon ay noon nalang ulit sila nakapag-usap ng ganoon kalalim. Kailangan pang magkaroon ng pandemya. Kailangan pang lokohin niya ito sa pamamagitan ng pagpatol niya sa ex-boyfriend nito. Nakilala niya si Ralph nang dalawin siya nito sa Baguio. Sabi nito noon ay pinapakumusta siya ng kanyang ate. Noon pala ay balak lang sila nitong tuhugin ng magkasabay. Ibang klase hindi ba? Umakyat ng Baguio para gumawa ng kabulastugan at kalibugan. At kinailangan pang humantong sa muntik niyang pagpapakamatay para lang manumbalik ang dati nilang relasyon na mag-ate. 

“Magkaibigan kami. Pwede niya akong matulungan para maghiganti kay Ralph, sa hayop na ‘yun. Si Ralph pa man din ang pumalit sa kanyang pwesto bilang kanang kamay ng Panginoong X nila.” Kinumbinse niya ang sarili ang nagbigay ng mga dahilan upang kontakin na ang lalaki. 

Bumukas ang pinto ng kwarto. “Rona pinagdalhan kita ng merienda.” Ang kanyang ate Ruby.

“Maraming salamat ate.” Tugon niya rito. 

Inilapag naman nito sa side table ang pagkaing dala. “Kumain ka ah. You need to gain back your energy.” 

“Oo ate. Salamat.”

Pagkaalis nito. Pagkasara ng pinto ay buo na ang kanyang pasya. Dali-dali niyang tinawagan ang numero ni Jonathan. Hindi siya sigurado kung gumagana pa ito. Labis siyang nabigla dahil nag-ring ‘yun. Ang problema lang ngayon ay hindi siya sure kung ito pa nga ba ang ang may-ari ng number. 

“Sumagot ka please.” Saad niya dahil tumutunog lang ang kabilang linya. Hanggang sa…

“Hello.” Isang pamilyar na boses ang sumagot.

“J-jonathan?” napahawak siya sa kanyang bibig sa labis na pagkabigla.

“Ako nga Rona. Sorry kung hindi ko kaagad nasagot. Busy lang. It’s been a while. Sorry din kung hindi na ako nakatawag sayo magmula noong lumipad ako ng Australia at nang makabalik dito sa Pilipinas.” Paliwanag nito.

“Walang problema sa akin ‘yun. Nagulat nga ako at sinagot mo eh.” Napaupo siya sa gilid ng kama. Kailangan niyang tipunin ang kanyang lakas ng loob upang ilahad dito ang kanyang pakay.

“Ikaw naman ‘to eh. All these years ay naging safe sayo ang secrets natin. Naging safe ang lahat ng sinabi ko sayo. Kaya hindi ako ngayon nagdalawang-isip na sagutin ang tawag mo at kumustahin ang kaibigan ko. Iyon pa ba ang turing mo sa akin? Alam kong gulat na gulat ka nitong mga nakaraang buwan. Hindi mo inakalang nagkatotoo ang mga sinabi ko sayo hindi ba? Nagkatotoo ang virus. Ako pa ang gumawa at naging kanang kamay pa ako ng pekeng Diyos. Alam mo na rin marahil na nagkatrabaho kami ng ate mong si Ruby sa Techno Bio Lab. Everything make sense now, right? I’m sure way back then ang tingin mo sa akin ay nababaliw na. It turns our na totoo pala ang lahat ng sinabi ko sayo noon.”

Matalino talaga ito. Alam nito ang nasa isip niya noon pa man. Kailangan niyang mag-isip ng mabuti upang hindi ito makahalata. She should swayed him according to her plans to get her revenge against Ralph. 

“Totoo naman ang mga sinabi mo. Nagulat talaga ako sa mga nangyari. Sino ba naman ang hindi magugulat? Lahat ng bagay na binahagi mo sa akin noon ay nagkatotoo. And to tell you honestly, yes, tingin ko noon sayo ay may mental health problems ka kaya kung anu-ano ang naiisip mo at sinasabi mo. Nevertheless, hindi kita hinusgahan Jonathan. Pinakinggan kita dahil gusto kitang tulungan. Gusto kong may mapaglabasan ka ng mga pinagdadaanan mo. Up to this moment ay wala akong pinagsabihan ng mga nalalaman ko.”

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon