Chapter 62: Tao Laban sa Hayop
“Martin!” hinigit ni Myrna pabalik ang lalaki. “Magpaplano na tayo hanggang nagpapatuyo ng tubig sa labas. Tanghaling tapat naman na eh. Mabilis lang na matuyo ng araw ang tubig sa labas. Pero habang nagpa-precipitate ang tubig ay maamoy din natin ang virus sa pamamagitan ng alimoom ng ulan. Kaya please naman isara mo na ang pinto. Ayaw ko ring mapahamak ang anak ko. May sakit din si Maliah. Kung gusto mong protektahan ang anak mo ay ganoon din ang gusto namin ni Prances.”
“Gagawa tayo ng plano upang makapasok at makalabas ng lab ng buhay.” Dugtong ni Prances. “Hindi tayo pwedeng magpadalus-dalos Martin. Halika na.”
Tila nakumbinse na nila ito. Sinara nito ang pinto ng van. “Sorry. Patawarin niyo ako. Hindi ko lang alam kung paano maililigtas ang anak ko.”
“Sa tingin ko ay hindi pa nagagalaw ni Xavier ang iyong anak. Kumukuha rin sila ng ibang may mga sakit hindi ba? May sakit na tao. Matandang tao. May sakit na mga hayop. Kung tama ang hinala ko ay may kinalaman ang DNA ng mga ‘yun sa formulation ng vaccine. Umasa na muna tayo sa pag-asang ‘yun Martin. Kapag sumugod tayo ng walang plano at namatay tayong lahat sa kamay ng mga tauhan ni Xavier at ng Team Spider ay hindi na tayo magkakaroon ng pagkakataong mailigtas ang anak mo at ang buong mundo. Alalahanin din natin na pinapapatay tayo ni Xavier sa lahat ng tao sa buong mundo. Lahat ay nakaabang sa atin. Mababago lang ang lahat kapag nakakuha tayo ng mas maraming impormasyon sa vaccine. Kailangan din nating mapigilan ang paglalagay nila ng metal na bomba sa katawan ng mga tao. Everything is at stake at the moment. We need to be very careful.”
“Sige. Sorry talaga kung padalus-dalos ako. Simulan na natin ang pagbuo ng plano.” Pagsang-ayon nito. Sa wakas ay napakalma na nila ito.
Pero mukhang hindi pa sila makakausad sa kanilang planning session…
“Mga ma’am at sir!” sigaw ni Caloy.
Biglang may malaking buffalo na sumuwag sa side ni Liza. Umuga ang buong van sa lakas ng pagkakasuwag sa gilid ng van. Mabuti nalang at hindi nabasag ang bintana sa tapat ng babae. Hindi rin lumusot ang sungay ng nag-aamok na hayop.
“Liza!!!” dagling tinanggal ni Caloy ang seatbelt nito upang yakapin si Liza.
“Natatakot ako Caloy.” Saad ni Liza in Chinese.
“Wag kang mag-alala Liza nandito lang ako. Nandito lang ako. Hindi kita pababayaan. Walang mangyayaring masama sayo hanggang nandito ako sa tabi mo.”
“’Tangna.” Saad ni Red. “Andami nila guys. Papunta na sa atin ang mga hayop kanina sa daan. Ako na ang bahala. Susubukan ko silang lansihin. Ako na rin ang makikipaglaban sa kanila bilang infected na rin naman ako.”
“Red…” nangamba siya para sa kaibigan.
“Sorry talaga mukhang kasalanan ko ‘to. Nakagawa ako ng ingay kaya lumapit sila rito sa atin.” Sambit ni Martin. “Tutulungan ko si Red.”
“Magsuot ka ng PPE.” Utos ni Red. “Tapos ay i-tape niyong mabuti ang lahat ng pasukan ng hangin. Mainit sa labas. Siguradong nangingibabaw ang alimoom. Hindi mo ‘yun pwedeng maamoy dahil mahahawa ka ng virus. Wag ka ring agad susunod sa labas. Kapag nakikita mong nahihirapan na ako saka ka lang sumunod. Palipasin mo muna ang oras upang tuluyang humupa ang tubig sa labas at humupa rin ang amoy.”
“Okay sige Red.” – Martin.
“Red. Mag-iingat ka.” Saad ni Myrna sa kaibigan.
…Lumabas na nga si Red ng van mula sa pinto sa likod. Mabilis niya iyong sinara upang hindi makapasok ang singaw sa loob ng sasakyan. Hinanda niya ang dalawang armalite na nakasabit sa kanyang magkabilang balikat. Alam niya ang kanyang responsibilidad sa grupo. Kung mawala man siya sa pakikipaglaban niya sa mga hayop ay wala na siyang pakialam pa. Ang mahalaga ay mailigtas niya ang kanyang mga kaibigan. Ang pinaka importante pa ay makikita na niya ang kanyang mag-ina sa oras na siya ay mawala.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...