Chapter 68: Heaven's Palace
Ang Heaven's Palace, ang sentrong tahanan ng buhay na Diyos. Kasama ito sa naging konsepto ni Xavier nang maisip niyang tingalain siya at hindi ipagwalang bahala ng mga tao. Kailangang mayroong isang tahanan na magarbo. Tahanang moderno. Matayog. Titingalain ng lahat. Nagpagawa siya ng pinangarap niyang palasyo na kasing laki ng mga palasyo sa Europa pero kasing moderno o higit pa at hi-tech ng mga hotel sa Dubai. State of the art at the same time ang security at IT features ay walang tulak kabigin.
Gamit ang pera mula sa mga illegal na transactions ng human trafficking scam ng Team Spider ay ilang taon niya ring naipatayo ang Heaven's Palace. Five years in the making. Ang nakalagay sa permit na kinuha niya sa Baguio City ay isang hotel. First six star hotel sa Pilipinas. Malaking panunuhol din ang kanyang ginawa para pumayag ang lokal at nasyonal na pamahalaan. Syempre pa maraming residente ang kumontra dahil malaking bahagi ng kabundukan sa Baguio City ang kailangang sirain. Ngunit marami talagang nagagawa ang pera. Kahit na ang prinsipyo at pangangalaga sa kalikasan ay isasantabi kapag nakakita na ng malaking halaga. Makikinig ang lahat basta may pera at may kapangyarihan ang isang tao.
Bakit Baguio City ang location? Una ay para hindi kaagad mapuntahan. Ang isang Diyos ay dapat VIP. Located sa isang lugar na hindi basta-basta nararating sa himpapawid at sa katubigan. Marating man sa lupa ay matagal. Kung sakaling may susugod na may masamang hangad ay hindi rin basta-basta magagawa dahil sa strategic location nito. Masisira ang kalikasan kung ito'y pasasabugan at maraming inosenteng tao sa syudad ang madadamay.
Pangalawa, dahil nasa itaas ang Baguio. It was a metaphor of power. Lahat ng nasa itaas ay tinitingala. Lahat ng nasa kapangyarihan ay niyuyukuran.
Pangatlo, tubong Baguio City ang pumanaw na asawa ni Xavier. It was a perfect coincidence for him na sa lugar ng kapanganakan ng yumaong asawa ang lugar kung saan siya ituturing na Diyos. Hindi lamang ng Pilipinas ngunit maging ng buong mundo.
"Bigyan ng abiso ang lahat ng mga bansa at lahat ng media outlet sa buong mundo na magbibigay ako ng mahalagang anunsyo. Dali!" Utos ni Boss X sa kanyang PR team. Konektado na ang kanilang network sa lahat ng satellite ng mga pinakamalalaking tv networks at social media platforms sa buong mundo. Nilakad na iyon ng kanyang team na napapasunod niya either sa pera, katulad niya ng ugali o dahil sa pananakot dahil sa sapilitang paglalagay ng metal na bomba sa katawan ng mga 'to.
"Masusunod po Panginoong X." Tugon ng head ng PR Team na si Carmela. Isang PR expert na dating nakatrabaho ni Xavier sa Pacific Lab. Pinay. He was able to control her because of her ambition related to the new virus na niluluto nila ni Jonathan. Maraming nalalaman si Carmela sa kanilang mga plano. Wala naman siyang choice dahil PR head niya ito. Isa pa'y sinusunod naman siya nito sa kahit anong iutos niya at ipagawa. Ang duda niya lang dito ay alam din kasi nito ang tungkol sa metal na bomba at spy gadget. Hindi ito nagpalagay ng metal sa katawan.
"Salamat Carmela."
Lumapit ito sa kanya. "Hindi mo na ba kailangan ng layout speech?" Tanong nito.
"As usual hindi na Carmela. You know me. Ayoko ng scripted. Make sure nalang sa wardrobe at make up team na maayos ang itsura ko sa monitor. Kailangang magmukha na akong Diyos sa outfit palang at itsura."
"Masusunod Panginoong X." Luminga ito sa paligid saka tumawag ng isang tauhan. "Ikaw! Tawagan ang wardrobe and make up team ng Panginoon. Sabihing ayusan na ito sa kanyang silid. I already brief them sa dapat na suot at ayos. Wag silang papalpak dahil paiinumin ko sila ng tubig na may Desire V-30."
"Masusunod po Madam Carmela." Yumukod ang tauhan.
"Chill ka lang Carmela. Ang init naman ng ulo mo." Tinapik niya ito sa balikat.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...