Chapter 33: Selosan
“I’m so sorry to hear that Red. I’m deepest condolences and sympathy.” She sighed. “I wish I could hug you right now.”
“Okay lang Myrna. Parang COVID lang din naman ‘to eh. Social distancing. Mabuti na nga rin at hindi nila inabot ‘to. Mas malala itong Desire sa COVID. I’m sure masaya na sila kung nasaan man sila ngayon.” Ito naman ang bumuntong-hininga.
“Ang tanong, ikaw ba masaya?” hindi ito umimik kaya nagdugtong na siya kaagad. “Dapat sa loob ng sampung taon ay tinuruan mo ang sarili mong maging samaya ulit. You shouldn’t be hard on yourself.”
“Tama ka naman ‘dun. Sayang at natutunan ko ‘yan sa huling thirty days ng buhay ko sa mundo. Malaking bahagi ka ‘dun Myrna. Napakarami mong magagandang lessons na binigay sa akin sa journey natin na ‘to. Alam mo kaya siguro ganoon ang trato ko kay Sebastian noon at sa iba ko pang mga tao kasi may pamilya silang minamahal. Kahit wala na ‘yun nagpapatuloy pa rin sila sa buhay at sa pagtulong. Iyon ang nagawa ko kung kailan huli na. Kay Marilyn ko nalang nagawa nang subukan ko siyang iligtas.”
“Ang cheesy mo ‘dun ah Red. Baka biglang pati ikaw in love na sa akin ah!”
“Hahaha! That’s just a realization. ‘Yung friendship natin ang lubos kong pinagpapasalamat.”
“Mabuti naman. Pero alam mo Red hindi pa huli ang lahat. Twenty nine days pa ang natitira sayo. Marami pang pwedeng mangyari. Before that day makakarating na tayo sa laboratory. Makakahanap pa tayo ng lunas. ‘Yung hindi natin nagawa kay Marilyn ay magagawa natin sayo. Actually hindi lang sayo pero sa buong mundo. Twenty nine days. Itodo na natin ito for the remaining twenty nine days.”
“Thank you Myrna. Thank you.”
Then it was a complete silence. May gusto siyang itanong dito pero hindi niya maitanong. Nangibabaw ang huni ng mga insekto sa kalaliman ng gabi.
“Let’s sleep. Kailangan natin ng energy bukas. Napakaraming nangyari today. We still need to take a rest.” Tumayo na ito.
“Ah wait Red. L-last question.”
“Sure. Ano ‘yun?”
“Sabi mo kanina ipaglaban ko. Ano sa tingin mo ang maganda at epektibong dapat kong gawin para magkagusto sa akin si Prances?” nilakasan na niya ang kanyang loob to asked for his advice.
“Saan ba kayo magaling na mga babae?” lumakad na ito palayo. “Selosa kayo di ba?”
“Pagselosin si Prances? Eepekto kaya ‘yun? Baka makapatay ‘yun. Sa sobrang selos ‘nun sa babaeng hipon noong niloko si Ralph ay halos nakapatay na ‘yun eh.” Sumunod na rin siya kaagad sa loob. Ilang minuto lang pagkahiga ay nakatulog na rin siya.
Kinabukasan… napadesisyunan ni Myrna na gawin ang payo ni Red. Pagseselosin niya si Prances hanggang sa ma-realize nitong mahal din siya nito. Game on! Gagawin niya ang lahat. Hindi na muna siya susuko. Pandemya. Walang kasiguraduhan ang bawat bukas. Ayaw naman niyang mawala sa mundong ibabaw ng hindi sumusubok na makuha ang puso ng iniibig.medyo weird nga lang dahil para siyang lalaki sa mga gagawin niyang operation make her fall. But love has no gender. Laban lang ang mantra ni Myrna.
“Mama Myrna! Good morning!” hinalikan siya ni Maliah. Nasa van na ang mga ‘to. Siya ang huling dumating sa van. Nag-report pa kasi siya kay Boss X pagkapaligo niya.
“Good morning din Maliah.” Hinalikan niya rin ang anak.
“Good morning ma’am!” pagbati ni Caloy.
“Good morning Caloy.”
“Good morning Myrna.” Sa hindi niya inaasahang pagkakataon pero very right timing pa rin ay binati siya ni Martin. Buo na ang kanyang loob. Gagamitin niya ang lalaki upang mapagselos si Prances.
![](https://img.wattpad.com/cover/276498223-288-k635001.jpg)
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Fiksi IlmiahAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...