Chapter 69: Digmaan
Matapos banggitin ni Xavier isa-isa ang bagong sampung utos bilang buhay na Diyos na huwad ay nagpakalat siya ng online copy noon sa internet. Nagpa-imprenta rin siya ng kopya at ipinadala sa mga book stores at magazine stands na para bang may interesadong bumili at kumuha noon sa panahon ng pandemya.
Narito ang sampung utos ni Panginoong X, ang buhay na Diyos ngunit huwad.
Unang utos, kalimutan mo na ang iyong kinikilalang Diyos. Tanging ang Panginoong X ang iyong tunay at buhay na Diyos. Siya ang magliligtas sa iyo.
Pangalawang utos, wag kang gagawa ng mga bagay na para sayo lamang. Laging ibahagi iyon sa iyong Panginoong X. Wag maging makasarili. Wag ipagwalang-bahala ang iyong kaligtasan.
Ikatlong utos, wag na wag mong babanggitin sa masama ang iyong Panginoong X. Hindi mo siya dapat kalabanin kailanman.
Ika-apat na utos, ang araw ng pamamahinga ay kahit anong araw mo naisin. Wag ka lang makalimot sa iyong buhay na Diyos na buhay at araw-araw kang ililigtas.
Ika-limang utos, igalang mo ang lahat ng nakatira sa Heaven's Palace, ang tahanan ng buhay na Diyos at ang lahat ng kanyang mga pinagkakatiwalaan. Kung anuman ang balak mo sa ibang mga tao ay wala nang pakialam ang iyong Panginoong X.
Ika-anim na utos, wag kang papatay. Ang Panginoong X lamang ang may karapatang magsabi ng pagpapatuloy ng buhay at nang pagtapos nito.
Ika-pitong utos, wag kang mangalunya. Ito lang ang utos ng dati niyong Diyos na kukuhanin ng Panginoong X. Lahat ng manloloko sa kanyang kasintahan at asawa ay dapat na mamatay.
Ika-walong utos, magnakaw ka. Bahala ka. Malaki ka na. Basta magbahagi ka sa iyong buhay na Panginoon.
Ika-siyam na utos, pwedeng magbintang at magsinungaling sa kapwa. Wag na wag mo lang gagawin 'yan sa iyong Panginoong X at sa kanyang mga alagad. Dahil kung hindi, ang ika-anim na utos.
Ika-sampung utos, mag-imbot maliban sa iyong Panginoong X at sa kanyang mga alagad.
Si Jonathan mismo ang naghatid sa kanyang silid matapos ang anunsyo sa buong mundo.
"Trending ka at ang iyong sampung utos Panginoong X." Saad ni Jonathan bago buksan ang malaking pinto ng silid na gawa sa molave.
"Wala akong planong maging social media star Jonathan." Pumasok siya sa loob. "Ang tanging nais ko ay galangin at respetuhin tayo ng mga tao hindi lang sa Pilipinas ngunit maging sa buong mundo. Bilang kanilang Diyos at pinuno."
"Ngunit sigurado pong hindi magigimg madali ang lahat. Pihong may mga katulad nila Myrna kung mag-isip lalo na ng mga taga-Kanluran. Ang mga Amerikano at European."
Tinapik niya ito sa balikat. "Alam mong ginawan na natin 'yan ng paraan Jonathan."
"Hahahaha!" Sabay silang tumawa ng ubod ng lakas.
Ganoon na nga ang nangyari. Sobrang triggered na ang malalaki at mayayamang bansa. Nagpaulan na nga ng virus sina Xavier tapos ngayon ay sasabihin pang siya ang buhay na Diyos at meron pa siyang sampung utos. Ang mga konserbatibong pinuno, presidente, hari at punong ministro ay triggered na talaga.
"There is only one true God." Saad ng presidente ng Amerika. "He is in the real heaven and not on that piece of shit Heaven's Palace. We are condemning X and his cult for spreading this virus to gain power and to control the world. X you are NO God! You are a cult leader who are selfish and crazy. So now our country declares war against you. We will do anything to take you down and for you to pay for this Desire V-30 pandemic."
Sinang-ayunan ang pagdedelara ng giyera ng Amerika kina Xavier ng iba pang mga bansa sa NATO tulad ng Italy, Germany, France at iba pa. Ang Japan at Australia ay sasama rin. Ang mga karatig bansa naman ng Pilipinas sa Timog Silangang Asya pati na mismo ang Pilipinas ay nagpahayag din ng pagsuporta sa digmaang ito. Ang tanging hawak lang naman daw nila Xavier ay ang secret files ng Desire V-30 virus na kukuhanin din ng mga bansang ito sa digmaang magaganap. Wala naman daw kalaban-laban pagdating sa digmaan ng mga baril at iba pang weapons ang grupo nila Xavier. Isang magandang air attack lang ay guguho ang Heaven's Palace at hindi madadamay ang buong Baguio City at ang mga inosenteng tao.

BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...