Chapter 85: Kapatawaran
Nakaluhod si Ruby sa harapan ni Prances. Labis niyang ikinagulat iyon. Hindi siya makapaniwala.
"R-ruby tumayo ka nga dyan. Ano ba 'yang ginagawa mo?" Pilit niya itong pinatayo ngunit nanatili ito sa ganoong posisyon.
"Let me do this once and for all." Saad nito. Pumatak na rin ang mga luha nito na mas lalong nagpagulat sa kanya. "I never had a chance to do this. Ako 'yung mali. Kami ni Ralph. Pero pinalipas lang namin ang lahat na parang wala kaming kasalanan sayo. Dedma lang kami kahit alam naming pinag-uusapan na kami sa Techno. Siya bilang playboy at ako bilang ahas. Nagkaroon na ulit ng pandemic. Sobrang wala nang kasiguraduhan ang lahat. So let me do this."
Nabalot muna ng katahimikan bago ito magpatuloy. Ang pagsinghap nito ang nangibabaw pati na rin ang pag-ihip ng malamig na hangin. "I'm really sorry Prances. I'm really sorry kung inagaw ko sayo si Ralph. I don't know. Nahulog ako sa kanya eh. Hindi na raw siya masaya sayo. Ako naman sobrang na-enjoy ko 'yung panunuyo niya at 'yung mga patagong ginagawa namin. I love him Prances. I love him. Sorry kung dahil sa pagmamahal na 'yun ay nasaktan at naagawan kita noon. Hindi ko hinihiling na mapatawad mo na ako ngayon. Pero sana pagdating ng panahon ay mapatawad mo na ako. Alam ko rin na nagdududa ka kung anong ginagawa ko ngayon dito sa inyo. Baka traydorin ko na naman kayo. 'Yun lang naman ang nagawa kong pagkakamali sa buong buhay ko hindi ba? Sana mabigyan niyo ako ng chance na matulungan kayo. I also want to end this pandemic para sa mga katrabaho at kaibigan natin na nawala sa Techno. Sana ay..."
Napakarami na nitong puntong nasabi kaya pilit na niya itong pinatayo. "Ruby tumayo ka na dyan. Tumayo ka dyan please."
"Patawad Prances. Patawad."
"Pinapatawad na kita." Saad niya.
Napatingala lang ito. Kitang-kita niya ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata nito. "Hindi mo kailangang gawin 'yan ngayon Prances dahil nakikita mo akong umiiyak at gusto mo akong patayuin. I'm really okay doing it. Matagal ko na dapat itong ginawa. Ayoko ang napipilitan ka lang kaya mo ako patatawarin."
Mukhang wala talaga itong balak na tumayo kaya naman umupo nalang siya sa harap nito. "Ruby hindi ako napipilitan. Totoong pinapatawad na kita. Kanina bago ka dumating sa kwarto namin ay ikaw ang pinag-uusapan namin ni Myrna. After ng pag-uusap namin, I realized na okay na ako. Nakalimutan ko na si Ralph at ang nararamdaman ko sa kanya. Siguro nga may issue pa ako kanina kaya pinagdudahan kita pero dahil sa ginawa mo ngayon ay nawala na ang lahat ng 'yun. Tama si Myrna eh. Mabuti kang tao. Tama ka rin. Nagmahal ka kaya ka nakagawa ng pagkakamali. Okay na ako na wala sa buhay ko si Ralph. Siguro nagbago na siya magmula noong maging kayo. Ikaw na ang nagpatino sa kanya. You deserve him. Ako naman masaya na kay Myrna."
Sa wakas ay tumayo na ito. Sabay silang tumayo actually. Tinanganan naman nito ang kanyang mga kamay. "Maraming salamat Prances. Salamat at napatawad mo na ako. Hindi lang itong pagpapatuloy sa inyo ang kaya kong gawin para matulungan kayo. Sabihin niyo lang at gagawin ko ang lahat para mapabagsak si Xavier at Jonathan. Kailangang matapos na ang pagpapanggap nilang sila ang Diyos." Then she paused. "Teka nga. Totoo bang kayo na ni Myrna? Hindi ba joke 'yun? Akala ko ay binibiro niyo lang ako kanina eh."
Napangiti siya. "Hindi 'yun joke kami na talaga. Hindi ko rin alam kung paano nangyari eh. Pero dahil ito sa misyon namin sa Wuhan. Mas lumalim ang pagtingin namin sa isa't-isa."
Diniinan nito ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay. "Naku ang saya naman pala! Love wins! Kahit sa gitna talaga ng pinagdadaanan nating pandemya at pananakop ngayon ng mga masasamang tao dapat ay mangibabaw ang pag-ibig."
Niyakap siya nito. Gumaan lalo ang kanyang pakiramdam. Sa wakas ay nakuha niya rin ang pagpapatawad kay Ruby. Iyon nalang ang kulang sa isang sulok ng kanyang puso. Wala naman talaga siyang issue sa babae. Sa katunayan ay magkakasundo silang lahat sa Techno Bio Lab noon. Nasira lang ng ahasan moments. But that was all in the past. Finally, they all moved on.
"Pasok na tayo sa loob. Lumalamig na talaga." Anyaya niya rito.
Hinatid pa siya nito sa kanilang silid nang may maalala siya. "Teka nga pala Ruby, nasaan nga pala si Ralph?"
"Nasa Manila pa siya. Siniguro niya ang safety ng kanyang pamilya. Nauna akong umakyat dito sa Baguio nang magka-contact ako kay Yberr. Alam mo ba hindi pa talaga alam ni Ralph na kapanalig niyo na ako. For sure naman walang kaso 'dun. I'll explain everything nalang din sa kanya kapag naandito na siya. Aakyat din naman daw siya eh."
"I see. Paano? Pasok na ako. Goodnight."
Doon na nga nagsimula ang pakikipagkampihan nila kay Ruby. Sa katunayan ay ideya mismo nito na magpanggap na may anak na kay Ralph at may sakit upang makapasok sa loob ng Heaven's Palace at magpanggap. Ang batang kasama nito sa loob ng palasyo ay anak ng dating nagtatrabaho sa hotel nito na namatay dahil sa virus. May sakit talaga ang bata at may taning na. Binayaran ni Ruby ang buong pamilya nito. Kinuha ang consent. Higit sa lahat ay pinangakong hindi pababayaan ang bata habang nasa loob ng Heaven's Palace.
Kasama rin sa kanilang bagong plano na sabihin sa press at media na wala pa ang ikatlong bakuna para masira ang tiwala ng mga tao sa pamunuan nila Xavier. Gayunpaman ay mabilis ding mag-isip ang mga kampon ng kasamaan. Inilabas na ang ilang porsyento ng bakuna para sa mga hayop at mga halaman. Ngunit mas takot na ang mga tao ngayon dahil sa naganap sa digmaan. Lumabas kasi roon na kontrolado nila Xavier ang rate of infection ng Desire V-30 virus sa katawan ng tao.
Iyon ang dapat malaman ng isa pa nilang espiya sa loob ng palasyo - si Yberr.
"Yberr sigurado ka na ba dyan?" Tanong ni Myrna.
"Opa ma'am Myrna. Matagal na akong pinaghahanap ni Xavier at Chichay. Kaya mas matindi po ang pagtatago ko dahil sa kanila. Ngayong akala po nila ay patay na kayo sa tingin ko ay kailangan kong magpanggap na kakampi na nila ako at wala na akong choice na gawin 'yun. Kapag nasa loob na po ako ng Heaven's Palace ay mas malalaman ko po ang sunod nilang hakbang sa IT system nila." Suhestyon mismo ni Yberr na pumasok sa loob ng palasyo. Nagtagumpay naman ito.
"Mag-iingat ka Yberr."
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Ficção CientíficaAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
