Chapter 129: Posibilidad

14 1 0
                                        

Chapter 129: Posibilidad

"Hindi ako makapaniwala na mayroong ganitong klase ng mga infected. Sa dami ng nakita nating kaso ng infected ng Desire sa China ay may ganito pala."  - Caloy.

"Hindi rin ako makapaniwala." Saka naalala ni Myrna ang ikinwento sa kanya ni Prances na unang nadiskubre nito at ni Red.

Mas lalong hindi makapaniwala sila Myrna sa nasaksihan. Tila mauulol na ang pamilya sa likod ng cabin. Ngunit biglang nagyakap-yakap ang mga 'to ang sinipsip ang dugo ng isa't-isa. Hanggang sa bumalik ang mga 'to sa normal.

"Nakakaloka..." napanganga nalang si Myrna sa nasaksihan. "P-paano po nangyari 'yun? Okay na po ba kayo?"

"Okay na kami." Tugon ng padre de familia. "Una namin itong nadiskubre noong thirtieth day of infection namin. Takot na takot kami noon."

"Pare-pareho po ba ang desire ninyo?" Tanong niya.

"Ang totoo niya ay magkakaiba talaga ang desires namin. Kaming mag-asawa ay ang maging safe ang aming mga anak ang desire namin. Samantalang ang panganay namin na si Jenny ang desire niya ay makapunta sa South Korea at makita ang kanyang hinahangaang KPop idol. Ang bunso naman naming si Jessie ay fried chicken at spaghetti ang desires."

"Magkakaiba ho ang desire ninyo. At magkakaiba rin ang pwede ninyong patunguhan kung sakali. Kasi kayong mag-asawa ay naroon na ang mga anak ninyo. Pwede niyo silang mapatay. Samantalang sila naman ay baka maulol lalo na ang panganay ninyo dahil ang hirap ng desire niya. Mabuti po't naisip ninyong magkagatan at magsipsipan ng dugo?"

Huminga ng malalim ang ama saka tiningnan ang maybahay at pamilya nito. "Noong mawawala na kami sa ulirat na mag-asawa. Naramdaman naming papatayin na namin ang aming mga anak. Umaakyat na sa utak namin ang desire namin. Pero tama kayo, mauulol na rin sa sandaling iyon sina Jenny at Jessie. Ang layo ng Korea. Wala ring fried chicken at spaghetti sa amin noon. Nagkasalubong ang mga nararamdaman namin. Habang nangingibabaw ang desire naming mag-asawa ay iyon naman ang pagkaulol ng aming mga anak. Walang anu-ano'y kinagat na namin ang isa't-isa. Sinipsip ang dugo. Tapos ay hindi rin namin inasahan ang sumunod na nangyari. Hindi namin inaasahang biglang babalik kami sa katinuan. Kinabukasan sa parehong oras ay sinumpong na naman kami ng desires namin. Bago pa kami tuluyang mawala sa sarili ay naisip naming kagatin at sipsipin ang ulit ang isa't-isa. Tulad noong una ay bumalik kami sa aming katinuan. Hanggang sa araw-araw na namin iyong ginagawa sa tuwing kami ay susumpungin. Sayang at hindi namin natulungan ang mga boy at driver namin. Sa kanila kami nahawa. Nakakulong na sila sa hawla ng aso namin noong thirtieth day of infection nila."

Umupo si Myrna sa harap ng pamilya. "Maraming salamat po sa pagtitiwala sa amin na ibahagi ang kwento ninyo. Maraming salamat po. Ako nga po pala si Myrna. Tama po ang sinabi nila Caloy sa inyo kahapon. Kami nga po ang grupo ng mga scientist at researcher na kumakalaban sa huwad na Diyos. Nais lang naman po naming matapos ang pandemyang ito. Gusto rin naming matapos na ang kasamaan at paggamit ng mga demonyong 'yun sa sangkatauhan. Kayo po? Ano pong inyong pangalan sir at ma'am?"

"Ako si Julio Rivero."

"Ako naman si Juliana Rivero."

Tugon ng mag-asawa bilang naipakilala na ng ama ang pangalan ng dalawang ama.

"Okay lang po ba na pag-aralan namin ang dugo ninyo?" Hindi umimik ang mga 'to. "Alam ko pong natatakot kayo ngayon. Pero alam ko rin na nais niyo kaming pagkatiwalaan kaya kayo narito at sumama kina Caloy. Kailangan po nating mapag-aralan ang dugo ninyo. Malaki po ang posibilidad na nakabuo na kayo ng bagong variant ng Desire V-30 virus. Maaari po tayong makabuo ng bagong bakuna mula sa inyo. O makabuo ng iba pang makabuluhang innovation sa kalusugan. At higit po sa lahat ay kailangan natin kayong mapagaling. Ang pagsipsip ng dugo ng infected ng isa pang infected ay nagdudulot ng pansamantalang solusyon lamang. Sa bawat araw ay bumabalik pa rin po ang trigger ng virus sa inyong katawan. Hindi natin alam kung hanggang kailan 'yan. Baka kapag narating ng dugo ninyo ang certain stage of toxicity and components ay baka hindi na rin umepekto ang pagsipsip ng dugo ninyo sa isa't-isa. Kailangan po natin ng permanenteng solusyon para sa inyo. Sa tingin ko po ang solusyon na 'yun ay manggagaling din sa inyo." Mahabang paliwanag at pagkumbinse ni Myrna sa mga 'to.

"'Yan talaga ang dahilan kung bakit kami sumama sa inyo." Si Juliana na ang tumugon. "Kahit na hindi na kami ang mailigtas."

"Mama." - Jessie.

"Mama wag mo namang sabihin 'yan." - ang panganay na si Jenny.

"Mabuti kung maililigtas din kami mga anak." Hinaplos ng ina ang buhok ng mga anak. May talsik pa ng dugo ang kamay nito. "Pero kayo ang desire namin ng papa niyo hindi ba? Wala kaming ibang naisin kundi ang mailigtas kayo. Ganoon namin kayo kamahal. Kahit wala pa ang virus na ito ay kayo ang magiging desire namin. Kung ano ang best para sa inyo."

Saka nagyakap ang pamilya. Sabay-sabay ding umiyak ang mga 'to. Naantig naman ang kanyang puso sa nasaksihan. Ang kanyang kuya Manolo nga ay umiiyak na nang tingnan niya ito patapos siyang makarinig ng pagsinghot.

"Wag po kayong mag-alala. Gagawin po namin ang lahat upang ang buong pamilya ninyo ang mailigtas sa pandemyang ito. Sa virus na 'yan. Hindi po kami titigil hangga't hindi napag-aaralan ang lahat ng posibilidad sa sitwasyon ninyo at sa variant ng virus na nasa inyong katawan."

Si Julio ang humarap sa kanya. "Maraming salamat. Ngayon pa man ay malaking pagpapasalamat na ang nais naming iparating sa inyo. Alam kong mabuti kayong mga tao. Nararamdaman ko 'yun. Iyon din ang dahilan kung bakit nais kayong mawala ng pekeng Diyos na nakatira sa palasyong 'yun. Nakahanap kayo ng kakampi sa aming pamilya. Meron man kami nitong virus o wala, sa inyo kami papanig."

Napangiti si Myrna. Noon napagtanto ay may mga tao pa rin palang naniniwala sa kanila sa kabila ng mga paninirang ibinabato sa kanila. "Maraming salamat po kung ganon. Salamat din po. Maglinis na muna po kayo. Dinalhan po namin kayo ng almusal." Nilapag nila Caloy at Manolo sa lamesa na naroon sa likod ng cabin ang dala nilang pagkain. "May CR din po rito sa likod. Pwede po kayong maligo at maglinis dyan. Magpahinga na rin po kayo. Kung okay lang po sana, mamayang hapon ay magsimula na kaming kumuha ng sample ng dugo inyo?"

Tumango ang lalaki. "Okay sige. Wag na tayong mag-aksaya pa ng panahon."

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon