Chapter 54: Apoy

40 1 0
                                        

Chapter 54: Apoy

“Oo naman Ces.” Tugon ni Myrna kay Prances. Ginantihan niya ng mahigpit na pagkakakapit ang mga kamay nito.

Bumuntong-hininga ito. “First gusto kong mag-sorry sa mga inasta ko nitong mga nakaraang araw. Sorry Myrns. Sorry dahil ipinahamak ko pa kayo. That would be the least na dapat kong gawin, ang mapahamak kayo. Lalo ka na. Ayokong makita kang nasasaktan at napapahamak. Tapos ako pa ang dahilan.”

“Ano ka ba naman Ces, wala na ‘yun. Hindi kita sinisisi sa nangyari. Isa pa, kahit ano ring mangyari ay ililigtas ko kayo. Lalo na ka na rin. Hindi kita pababayaan.”

Ngumiti ito. “Ang sunod kong gustong sabihin ay salamat. Maraming salamat dahil niligtas niyo ako. Maraming salamat for helping me realize that shouldn’t prioritize my personal emotions and tantrums over our fight against this virus and pandemic. So thank you.”

Ngiti rin ang naitugon niya rito. “No worries about that. Masaya akong kasama pa rin kita hanggang ngayon. Hindi ko yata kakayanin kapag nawala ka sa buhay ko. Hindi ko kaya Ces.”

“Lastly Myrns…”

“Ma’am Myrna! Ma’am Prances!” naputol ang sasabihin nito nang tinawag sila ni Caloy. Nagsisigaw ito. 

“Bakit Caloy?” tanong niya. Saka niya naramdaman ang pag-init ng paligid. “Anong nangyayari?”

“Nasusunog po ang buong supermarket!” 

“Ano?!” sabay nilang naging reaksyon ni Prances.

“Nagsimula na po ang sunog sa labas. Malaki na. Papasok na po rito sa loob. Kung hindi po tayo magiging inihaw na tao ay mapupupot po tayo dahil sa apoy. Kailangan na po nating umalis!”

“Sige tara na!” anyaya niya. “Nasaan sina Red at Martin?”

“Nasa tubig po sila kanina eh.”

“Red! Martin! Red! Martin!” sabay-sabay silang sumigaw upang tawagin ang mga ‘to. “Martin! Red!”

Ilang minuto rin silang nag-ikutan sa loob. Nagtungo sila sa water section pero wala na ang dalawa roon. Ang laki pa man din ng supermarket kaya hindi sila kaagad magkita-kita.

“Myrna! Prances! Caloy!” dinig nilang sigaw nila Martin at Red. Sinundan nila ang boses ng mga ito. Hanggang sa wakas ay nagtagpo rin sila. 

“Nasusunog daw ang buong supermarket. Kailangan na nating lumabas.”saad niya.

“Ayun na nga ang problema.” Tugon ni Martin habang kumakamot ng ulo. “Naghanap na kami ni Red ng malalabasan kaso lang ay nakakulong tayo rito sa loob.”

“Anong ibig niyong sabihing nakakulong?” tanong ni Prances.

“Sa tingin namin ay kinulong tayo ni manong security guard.” Tugon naman ni Red. “Siya rin ang sumunog nitong supermarket.”

“Bakit naman niya gagawin ‘yun kung ito ang desire niya?” tanong niya.

Napailing si Prances. “Marahil ayaw niyang may umangkin ng desire niya. Baka ito na ang thirtieth day ni manong. Ito ang pinag-uusapan natin kanina hindi ba?”

“Putang ina kailangan na nating lumabas.” Hindi na maawat sa pagmumura si Martin. “Naka-lock ang front door pati na ang back door.”

Luminga-linga sa paligid si Myrna. Hanggang sa napansin niya ang mga bintana sa itaas na bahagi ng supermarket. Sobrang taas nga lang noon. Apat na tao ang katumbas bago marating ang pahalang na bintana. Ang malala pa sa mga ‘to ay makipot ang mga bintana. “Wala na tayong choice kundi dumaan sa bintana.”

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon