Chapter 89: Zombie

10 3 0
                                    

Chapter 89: Zombie

In an alternate universe…

Magkasabay na panahon. Parehong lugar. Parehong oras ngunit nagaganap sa ibang dimension. May ibang nangyayari. Doon 2030 rin ngunit walang Desire V-30 virus. Walang mga taong nagpapanggap na sila ang Diyos. May mga problema ngunit iba sa kinakaharap ng ibang multiverse. Baka hindi science and technology ang dahilan ng mga kwento kundi mga pantasya at kababalaghan na hindi maipaliwanag ng syensya. 

Ngunit sa ngayon sa dimension na kinalalagyan nila Myrna ay tunay nilang nararanasan ang pandemyang dulot ng Desire V-30 virus. Isang nakamamatay na virus na ang puntirya ay ang utak ng tao na naglalaman ng mga desires nito. Desires na papatay dito. Isang virus na nilikha ng mga taong makasarili at tanging paghihiganti lamang ang naisipin…

Malapit na sina Myrna at Caloy buhat si Red sa hotel nang matanaw nilang may mga rumorondang pulis. Baguio City security officials at ilang tauhan ng Heaven’s Palace. Dali-dali silang nagtago sa mga halaman. Mula sa kanilang kinaroroonan ay dinig nila ang usapan nila Rona at ng mga ‘to.

“Bahagi ng pag-iingat natin dito sa Baguio City na maging zero infected ang syudad bilang ito na ang pangunahing lungsod sa Pilipinas dahil dito naninirahan ang Panginoong X. Lahat ng mga nag-aamok na mga infected ay papatayin. Lahat ng mga infected habang hindi pa nilalabas ang bakuna sa mga tao ay kukuhanin namin at dadalhin sa quarantine facilities upang hindi sila makahawa. ‘Yan po ang kautusan ng Heaven’s Palace dito sa Baguio.” Paliwanag ng isa sa mga opisyal kay Rona. “May narinig po kaming sumigaw na babae at lalaki kanina sa dis oras ng gabi. Dito malapit sa Burnham Park at sa hotel ninyo malapit ang mga sigaw. Nakita niyo po ba sila?”

“Naku pasensya na po pero tulog po ako eh. Nagising lang po ako sa pagtawag ninyo. Hindi po nagpapatuloy ang hotel namin ngayon ng mga tao bilang pag-iingat sa virus. Wala pong naka-check in ngayon. Pwede niyo naman pong i-check ang bawat kwarto para makasigurado po kayo.” Iyan ang narinig nilang tugon ni Rona.

Nagbulungan ang mga opisyal at tauhan ng Heaven’s Palace. “Sige po ma’am pasensya na po sa abala. Kayo po ang anak ng dating mayor hindi ba?”

“Ako nga po.”

“Sige po. May tiwala naman po kami sa inyo. Madilim din po kasi ang hotel ninyo. Halatang walang naka-check in. Mauna na po kami. Baka po naandito lang sa paligid ng Burnham Park ang mga narinig namin. Pwede na po ulit kayong matulog.” Saka umalis ang mga ‘to.

Pinalayo na muna nila ni Caloy ang mga taong galing sa hotel. Nang hindi na nila ito matanaw ay sana sila nagpatuloy sa pagbuhat kay Red papasok sa hotel. Nang nasa lobby sila ay tinulungan sila ni Rona upang dalhin sa lab ang katawan ng kanilang kaibigan.

“Maraming salamat Rona sa pagtulong sa amin lalo na kanina noong nagpunta rito ang mga tauhan ni Xavier.” Saad ni Myrna.

“Walang anuman po. Mahigpit pong habilin ng ate na tulungan ko kayo. Paano po? Mauna na ako sa lobby dahil baka bumalik po ang mga ‘yun.”

“Salamat ulit” – Caloy.

Niyakap siya ng mahigpit ni Prances. “Labis akong nag-alala sayo Myrns. Sinundan kita sa kwarto ni Red ngunit wala kayo roon. Hinanap din kita rito sa hotel ngunit wala ka. Okay ka lang ba?”

“Naku Ces ang sarap ng yakap mo pero baka may virus na nakadikit sa katawan ko.” Umalis siya sa pagkakayakap nito. “Nasaksak ko na kay Red ang bakuna.”

Masakit man sa loob nila Myrna ay tinali na muna si Red habang tulog pa ito. Baka kasi hindi naman talaga iyon umepekto at pagkagising nito ay muli itong mag-amok dahil pinipigilan nilang mapatay ito ng desire nito, ang ilong.

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon