Chapter 66: Plano
Pinagmasdan ni Jonathan ang mga nakahandusay na bangkay sa sahig nila Myrna, Prances at Martin. Napailing siya. "'Yan ang napapala ng mga kumakalaban at kakalaban sa bagong Diyos. Ito na ang bagong mundo. Itim ang kulay ng bukas at ng ngayon. Paalam sa inyo."
Tumalikod siya. "Cutie! Feed all the infected animals with their bodies! Let them to have a use for the very last time." Utos niya.
Nagtungo si Jonathan sa kanyang opisina. Tinawagan niya si Boss X. "Boss X wala na sila. Patay na sina Myrna, Prances at Martin. Wala nang sagabal sa ating mga plano. Tuluy-tuloy na ang iyong pagiging buhay na Diyos."
"Hahahaha!" Isang malakas at malutong na tawa ang naging unang reaksyon nito. "Magaling Jonathan! Hahaha! Maaasahan ka talaga kahit kailan! Dahil dyan ay uusad na tayo sa sunod na bahagi ng ating mga plano. Kailangang malaman na nila kung nasaan ako at kung saan nila ako sasambahin. Bumalik ka na ng Pilipinas at dalhin ang lahat ng mga gamit, bakuna at secret files."
"Masusunod Boss X." Yumuko siya. Hinintay niyang ibaba nito ang kanilang video call saka niya kinuha ang ilang mga personal na gamit sa kanyang opisina. Tapos ay bumalik na siya sa basement lab kung saan naroon ang samples ng dalawang vaccine. Ang ikatlong vaccine naman na hindi pa perpekto ang formulation ay tinitigan niya muna bago niya ilagay sa maliit na hi-tech cooler na kanyang hawak.
"Mabubuo rin kita. Hindi ako walang kwenta. Kung hindi naman kita mabuo ay bahala na ang mga taong ma-infect. Ito na ang katapusan nila." Sambit niya sa sarili. Sunod niyang kinuha ang secret files ng Desire V-30 virus.
Lumakad siya patungo sa pinagkamatayan nila Myrna. Dugo nalang ang naiwan doon. "Cutie!" Tinawag niya ang leader ng Team Spider. "Prepare the plane. We will leave this lab and go to the official kingdom of Boss X in the Philippines. Bring all the elderly, children specially the infant in the private room."
"Aaaaaaaah! Putang ina mo bakit mo pinatay ang mga kaibigan ko!!!" Isang lalaki ang dumating na may dalang armalite.
"At sino ka naman?" Tanong ni Jonathan sa lalaking dumating.
"Ako si Caloy! Ang driver at kaibigan ng mga pinatay ninyo! Mga wala kayong puso! Mga demonyo kayo! Papatayin ko kayo! Papatayin kita Jonathan!"
"Maka-react ka naman. Hamak na driver ka lang naman eh. Marunong ka bang gumamit niyang hawak mong armalite?" Tanong niya rito.
"Oo naman! Dahil sayo at sa inyong mga demonyo kayo ay marunong na akong gumamit nito! Hindi manibela at kambyo ang kaya kong gamitin! Dahil sa inyo ay namatay ang mga kaibigan ko! Dahil sa inyo ay iniwan ako ng babaeng pinakamamahal ko dahil wala na siyang pag-asang makakita!"
"Wala akong pakialam sayo. Cutie! Patayin 'yan!"
Muling umalingawngaw ang putok ng baril. Nagbarilan sina Cutie at Caloy. Sabay na bumulagta ang dalawa. Nagtalamsikan ang dugo sa sahig at paligid. Hindi alam ni Jonathan kung ano ang kanyang gagawin.
"Putang ina mo Cutie!" Lumapit siya rito at sinipa-sipa ang leader ng Team Spider ngunit masyadong marami na ang dugong lumalabas sa katawan nito. Napaurong ulit siya. "Ang tanga mo Cutie! Isang hamak na driver lang pala ang makakabaril at patay sayo? Hoy Cutie! Cutie? Cutie! Patay ka ba ba talaga? Puta naman patay ka na nga! Sinong makakaligtas sa dugong 'yan?! Anak ng aso ka Cutie! Ang tanga mo pala!"
Napakamot siya ng bayag. Wala pa siyang tulog at ligo para lang maisakatuparan ang kanyang mga plano upang mapabagsak sina Myrna. Nang makita niya sa CCTV malapit sa lab na palapit na ang grupo nila Myrna ay nabuo ang planong linlangin ang mga 'to. Hayaang makapasok sa lab upang doon mahuli. Siguraduhing mamatay ang mga 'to.
"You!" Tinawag niya ang isa pang myembro ng Team Spider na naiwan. "Get all the elderly and children especially the child in the private room then prepare the plane! Understood?!"
"Yes sir!"
Dala ang secret files at ang mga vaccine samples ay nagtungo si Jonathan sa rampa ng eroplano sa likod ng lab. Naroon ang private plane nila. Nakuha rin nila 'yun sa human trafficking business ng Team Spider. Sinigurado niya munang naroon ang anak nila Martin at Linda.
"Hi Baby X. Uuwi ka na ng Pilipinas. Ayusin mo na ang DNA mo para ma-perfect ko na ang vaccine ng Desire sa mga tao. Please Baby X." Baby X ang ipinangalan niya rito dahil wala pang pangalan ang sanggol.
Nang maisakay na ang mga tao ay umalis na ang private plane patungo sa Baguio City. Naroon ang ilan taon nang pinapatayong palasyo at laboratoryo ni Boss X. Doon ang magsisilbing tahanan at sentro ng tahanan ng buhay na Diyos.
Pagkalapag ng eroplano ay sinalubong siya ng Boss X muna. Lumuhod siya at hinagkan ang mga paa nito.
"Mahal kong Boss X."
"Tumayo ka dyan tapat kong alagad, aking kanang kamay. Hindi mo na kailangang gawin 'yan. Magaling ang ginawa mong pagpaslang kina Myrna at Prances at sa kanilang grupo. Binabati kita." Saad ng kanyang Panginoon.
"Marami pong salamat Boss X. May masamang balita nga lang po ako."
"Masamang balita?" Tanong nito.
"Opo. Patay na po si Cutie ng Team Spider." Pagtatapat niya.
"Tsk! Tsk! Malaki rin ang naging pakinabang ko sa Team Spider lalo na sa leader nilang si Cutie. Hindi naman siya immortal. Darating din talaga ang panahong ito na mamamatay siya. Tayo lang ang hindi mamamatay dito Jonathan." Hinawakan nito ang kanyang balikat. "Tapusin mo na ang ikatlong bakuna. Mahalaga iyon. Hindi pwedeng maubos ang mga tao. Walang susunod sa atin. Walang kwenta ang lahat ng ito kung hindi natin sila hawak dahil patay na silang lahat. Pagkatapos mong magtagumpay sa bakuna sa mga tao ay simulan mo na ang bagong virus na sa atin lang ituturok. Hahaha!"
"Masusunod Boss X." Tugon niya rito bago bumalik sa loob ng Heaven's Palace. Iyon ang pangalan ng matayog na lugar. Isang kastilyo sa pinakamataas na bahagi ng Baguio City. Maganda ang arkitektura. Magarbo ang desenyo. State of the art at moderno ang security ng lugar. Kayang makipagsabayan o higit pa sa Amerika, Russia at China.
Tulad ng tinuran ni BossX ay kailangan na niyang matapos ang ikatlong bakuna na para sa mga tao upang masimulan na niya ang isang bagong virus.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Khoa học viễn tưởngAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
