Chapter 44: Secret Files

11 1 0
                                    

Chapter 44: Secret Files

Dalawang araw bago isagawa ni Martin ang pagnanakaw sa COVID-19 secret files na nakatago sa opisina ng Minister of Health sa Beijing ay nagpunta muna siya sa Yedian na pag-aari ni Madame. Hindi si Linda. Hindi rin naman si Sheryl ang kanyang pakay doon. Si Madame mismo ang kanyang pakay. 

“Martin!” kaagad siyang nilapitan ni Sheryl. “Another fifty percent discount ka tonight. Want?”

“Gusto ko ‘yan.” Saka niya dinilaan ang leeg nito. “Nasaan si Madame?”

“Huh? Wag mong sabihing bu-booking ka rin kay Madame?”

“Hahaha! Hindi! May kailangan lang ako sa kanya.” Natatawang tugon niya rito.

“Ano namang kailangan mo kay Madame?”

“Basta.” Inamoy niya ang leeg nito pababa sa dibdib. “Sabihin mo nalang sa akin kung nasaan ang amo mo para makapunta na tayo sa kama at tapusin natin ang gabing ‘to sa langit. Pwede ba ‘yun?”

“Nasa opisina siya sa gilid ng opisina ng club. Doon sa bandang kanan sa likod.” 

“Thank you.” Hinalikan niya ‘to sa pisngi.

“Hindi ka basta-basta makakapunta roon. Maraming guard si Madame. Alam mo naman mapera.”

“Baka paliguan ko pa siya ng pera.” Kinindatan niya ito saka dumiretso sa opisina ng matabang babae.

Hinarang nga siya ng mga sekyu ni Madame nang nasa labas na siya ng opisina nito. “Can I just talk to Madame? It’s emergency please.”

“No! No! No!” saad ng isa sa mga sekyu.

“It’s an emergency and it’ll be very fast.” Gayunpaman ay hindi madaan sa pakiusapan ang mga ‘to. Kaya naman sumigaw siya. “Madame! Madame! Madame! I need to talk to you!”

Lumabas naman ang babae kahit na maingay ang lugar. Immune na yata ito sa ingay. “What’s going on here?”

“Madame kailangan kitang makausap!” sigaw niya.

“Lalaki? Gwapo ka pero puro babae ang alaga ko. O baka naman kliyente ka ng isa sa kanila? May problema ba? Pinoy ka pa man din. Kabayan!”

“Pwede ka bang makausap sa labas Madame? Dalawang milyon ang nakataya sa usapan natin.” Bulong nya rito. Kitang-kita niya kung paano lumaki ang tainga nito sa narinig na halaga ng pera.

Nauna pa itong lumabas. “Ano pang hinihintay mo dyan? Tara na!”

Napangiti nalang siya pagdating sa labas ng club. Mukhang pera nga ang Madame na ito. 

“Kabayan wag mong sayangin ang oras ko. Ano ‘yung dalawang milyon? May bibilhin ka ba sa mga babae ko? Sino? Sabihin mo sa akin at ako na ang bahala sayo.”

“Actually hindi ho sila ang kailangan ko. Kayo talaga. Kailangan ko ang tulong niyo. May nanakawin akong isang importanteng papeles sa Ministry of Health ng China.”

“Hala ka gagawin mo pa akong magnanakaw. Bugaw na nga ako magnanakaw pa? Wag namang ganoon kabayan. Tama na!”

“Hindi kayo mapagbibintangan dito. Kailangan ko lang ang isang tao na marunong magsalita ng Chinese at may asawang Chinese. Nakwento na po sa akin ng isa sa mga babae ninyo na Chinese ang yumaong ninyong asawa. Kailangan niyo lang gumawa ng eksena sa Minister of Health office. At dahil dokumento ang nanakawin ko ay maiiwan pa rin naman ang lahat ng original copy. Pipicturan ko lang ang nilalaman ng documents. Basically wala akong ninakaw kaya hindi kayo mapapahamak. Dalawang milyong piso ang katumbas ng gagawin ninyo.”

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon