Chapter 79: Paalam Kaibigan

12 2 0
                                    

Chapter 79: Paalam Kaibigan

Myrna just knew that Cutie was honest. She felt the sincerity. Nagsasabi ito ng totoo. Hindi niya rin alam kung tama bang sundin ang kanyang nararamdaman, ang kanyang gut feeling pero mas maganda ang plano nito. Mas may tsansang matupad nila ang misyon sa ganoong sistema. Paano nga naman kung alam na talaga ni Jonathan ang lahat at nakaabang nalang ito sa loob ng lab para patayin sila? She also saw in her naked eyes ang mga nakakalat na CCTV sa lokasyon palang nila. A bullet proof vest was good idea para kahit na papano’y makaligtas sila. Hindi na one hundred percent ang accuracy na kapag nabaril sila ay mamatay sila kaagad. Kung may vest at sa katawan lang sila nabaril ay pwede nga namang magpanggap lang sila na patay. May dala pa man din itong pekeng dugo na pwedeng ma-extract kapag nabaril. 

“Payag na ako.” Pagtanggap niya sa alok nitong plano.

“Myrns? Seryoso ka ba?” tanong ni Prances.

“I’m so sorry Ces. Sa parehong plano ay mapapahamak tayo. Sa parehong plano pwedeng mawala ka sa akin. So we’ll take the risk. Magtitiwala ako kay Cutie. Magtiwala tayo sa kanya. Naramdaman kong sinsero siya sa mga sinabi niya. Kung nagsisinungaling man siya sana lang kayanin pa ng konsensya niya na gamitin niya ang alaala hindi na ng kanyang asawa pero ng kanyang anak.”

“Myrns all these years ay naging demonyo siya. Sa tingin mo ba may chance pa siyang magbago?”

Tumingin siya kay Cutie. Bahagya na niyang naaaninagan ang mukha nito. “Habang may buhay ang pag-asa ng pagbabago ay naroon. Sabi nga nila, change is the only constant in this world. We are in the middle of the pandemic. Ito ‘yung tamang panahon para kumapit sa Diyos at sa pagbabago. Hindi sa mga pekeng Diyos na nililinlang ang mundo.”

Dalawang kamay na ni Prances ang humawak sa kanya. She sighed. “Okay sige. Kung naniniwala at nagtitiwala ka sa kanya ay ganoon na rin ako. Kasi mas nagtitiwala at naniniwala ako sayo Myrns. Itong pagsugod na ito ay walang kasiguruhan. ‘Yung una man nating plano o itong kay Cutie. Isa lang ang sigurado, hindi kita iiwan hanggang sa huli dahil alam kong ganoon ka rin sa akin.”

“Salamat Ces. I love you.” Bigla niya itong niyakap ng ubod ng higpit. 

“I love you too.”

Nagtungo na sila pabalik sa van kasama si Cutie. Matinding paliwanagan ang naganap. This time ay ayaw siyang pakinggan ng kanilang mga kasama lalo na si Martin. Si Red ay ganoon din.

“Myrna kalaban ‘yan oh! Hindi ka dapat naniniwala dyan!” saad ni Martin na walang tigil sa pagkontra sa kanya.

“Malapit ng mag-alas dose. Nauubusan na tayo ng oras. Kailangan niyo ng magtiwala sa akin. Kahit hindi na kay Cutie. May suot naman tayong vest eh. Isa kung pinadala siya rito ni Jonathan ibig sabihin alam na talaga ni Jonats na narito tayo. Wala nang pinagkaiba tanggapin man natin o hindi ang alok ni Cutie. Hindi ba? At least meron tayong bullet proof vest at mas konkretong plano sa pagsugod natin sa loob.” Lumapit siya kay Martin at hinawakan ang kamay nito. “Martin… maliban sa files at bakuna ang gusto ko ay mailigtas ang anak mo. Gagawin ko ang lahat para mangyari ‘yun. Please believe me. Kung pumalpak ‘to at kung traydorin tayo ni Cutie ay ako ang sisihin mo. Take it all on me. Naniniwala lang ako ngayon na it’s a better option kesa sa nauna nating plano.”

Lumingon sa malayo sa kadilim ng gabi si Martin. Sunud-sunod itong nagpalabas ng malalalim na buntong-hininga. “Alam mong sobra akong nagtitiwala sayo Myrna. Alam mo rin ang pagnanais ko na mailigtas ang anak ko.” Muli itong huminga ng malalim. “Sige. Payag na ako.”

Dahil sa pagpayag ni Martin ay pumayag na rin ang lahat. Alam ni Myrna na may pagdadalawang-isip pa rin ang mga ‘to pero ganoon din naman siya. Gayunpaman ay umaasa siyang nagbago na nga si Cutie. 

“Isuot niyo na ang vest ninyo. Babalik na ako sa loob ng lab. Baka makahalata na si Jonathan na matagal na akong nawala.” Nagpaalam na sa kanila si Cutie. 

“Wag na wag mo kaming tatraydorin aso ka.” Banta ni Martin. “Ito nalang ang paraan namin para mailigtas ang anak ko. Ama ka rin hindi ba? Sana ay wag mong hayaang matulad sa iyo ang relasyon naming mag-ama. Masyado pang bata ang anak ko.” Emosyonal si Martin.

“Alam kong mahirap akong paniwalaan sa ngayon. Pero totoo ang lahat ng pagtulong kong ito. Nasayang na ang buhay ko. Hindi ko man lang naituwid ang mga pagkakamali ko. Napatay ko ang asawa ko. Napabayaan ko ang anak ko. Naging basura ang buhay ko. Dahil sa babaeng ito.” Tinuro ni Cutie si Myrna. “Gusto kong magkaroon ng huling chance ang buhay ko para makagawa ng tama.” Saka sila nito tinalikuran at tuluyang bumalik na ito sa loob ng lab.

Nagsuot na sila nila Prances, Martin, Mong at Caloy ng vest. Si Red ang napagkasunduan nilang magmamasid at makinig sa magiging usapan. Ito rin ang kukuha ng secret files, bakuna at magpapatakas sa bata. Kasama sa plano nilang sumakay ito sa private plane nila Jonathan at sa Pilipinas na itakas ang sanggol kasama na ang iba pang mga bihag. Ngunit kasama pa rin nila itong papasok. Hihiwalay lang ito kapag nasa paligid na si Jonathan. Si Caloy naman ay susunod lang sa loob kapag umaga na’y hindi pa sila nakakabalik. Magsusuot din ito ng bullet proof vest. 

Naganap na nga ang oras ng pagsugod. Natupad ang lahat ng kanilang plano nang hindi nakakahalata si Jonathan. Ngunit may tatlong buhay ang nawala. Tatlong buhay ang tuluyang nalagot dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari. 

“Mga ma’am at mga sir okay lang po ba kayo?” tanong ni Caloy sa kanila habang nasa basurahan kung saan itinapon ang kanilang mga katawan. “Nakaalis na po silang lahat. Lumipad na po ang eroplano patungong Pilipinas. Kasama po si Red sa eroplano.”

Nadinig naman niya ang mga sinabi ni Caloy ngunit wala pa rin sa sarili si Myrna. Walang tigil siya sa pagluha. Hindi niya matanggap na mauuwi pa rin sa trahedya ang lahat. They were trying to accepti this, but the pain was still there. Masakit mawalan ng kaibigan at mahal sa buhay. 

“Aaaaaaah!” panaghoy ni Myrna.

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon