Chapter 90: Side Effects

9 3 0
                                    

Chapter 90: Side Effects

“No! No! Wag! Wag kayong lalapit!” Hindi na alam ni Jonathan ang gagawin. Nangangatog na ang kanyang mga tuhod dahil sa labis na takot. Nakalikha nga siya ng mga zombie pero mukhang siya naman ang ikatlong tao na magiging zombie. Mukhang siya naman ang pagpiyestahan ng mga ‘to. He was cornered. Nasa pader siya malayo sa pinto. Tuluyan nang nakalabas ang kanyang Panginoong X. Hindi na rin niya makita sa loob ng lab si Ruby. Napalunok siya. Tumulo ang mainit na pawis mula sa kanyang mukha. 

“Tulong! Help! Security!” He shouted and asked for help at the top of his lungs. 

Walang pakialam ang mga zombie sa kanyang harapan. Tila uhaw na uhaw pa ang mga ito sa dugo at gutom na gutom sa laman. Nanlilisik ang nakakatakot nitong mga mata. Sa sobrang takot at taranta niya ay naihi na siya sa kanyang suot na pantalon. Napakainit ng kanyang ihi. Hanggang sa tuluyan siyang dambahin ng mga ‘to. 

“Aaaaaah!” 

“Bitawan niyo siya!!!” si Ruby. Magkasunod nitong pinalo ng bakal na upuan ang mga zombie. Naroon pa pala ang mga ‘to. “Bitaw!”

“Ruby tulungan mo ako!” habang pinapalo nito ang dalawa ay pilit naman siyang lumalaban upang hindi siya makagat ng mga ‘to.

Hinarap ng zombie na sekyu si Ruby. “B-boss Jonathan. Mukhang w-wala tayong laban sa kanila. Kailangan silang barilin o saksakin sa ulo para masira ang kanilang utak!”

“Hindi sila pwedeng mamatay! This is an innovation Ruby!” kahit nasa bingit na ng kamatayan at hindi na alam ni Jonathan ang gagawin ay nangingibabaw pa rin ang kasakiman sa kanya.

“HUH?! Seryoso ka ba? Aanhin mo pa ‘tong innovation mo kung zombie na rin tayo?!” napahiga na ang babae. Pilit naman itong lumaban sa zombie na sekyu. 

Ilang sandali pa ay umalingawngaw ang ingay ng armalite. Sabog ang utak ng dalawang zombies. Nagkalat ang dugo ng mga ‘to sa loob ng lab. Humiwalay din ang durog na mga ulo nito sa katawan. It was a bloody moment inside the lab of Heaven’s Palace. Too bloody that he could smell blood and dead corpse body. Naghahalo na ang amoy. Nakakasulasok. Malansa. Saka niya napagtantong tuluyan nang namatay ang kanyang mga zombie na hindi sinasadyang nalikha. Ang pumatay at may hawak ng armalite ay ang kanyang Panginoong X mismo.

Dali-dali siyang lumapit dito sa bukana ng pinto ng laboratoryo. “Panginoon bakit niyo po sila binaril?! Innovation po sila! Sa wakas nagkatotoo na ang mga zombie! Nalikha ko po sila!”

“Proud ka sa mga zombie mo?” blangkong tanong nito.

Natigalgal siya sa narinig na tanong nito. Napaurong din siya. “P-panginoon? Bakit ganyan po kayong makapagtanong? Syempre po proud ako sa nalikha ko.”

“You created those zombies by accident, right? You created those monsters dahil pumalpak ka na naman sa bakuna na pinapagawa ko sayo. Kung gusto mong magkaroon ng mga zombie at maging zombieland naman ang mundo ay hindi kita pipigilan Jonathan. Hindi nga lang ngayon. Sundin mo muna ang mga utos ko! Tapusin mo ang bakuna para sa mga tao laban sa Desire V-30. Tapos ay ang virus of immortality naman ang sunod mong gawin. After ‘nun sige! Malaya ka na! Gawin mo na ‘yang kahibangang zombie mo! For now I don’t want additional problem from you Jonathan. Sa tingin mo ba kakayanin pa ng mundo na magka-zombie?”

Hindi niya kinaya ang mga sinabi nito. Ngayon lamang siya pinagsalitaan ng ganoon ng kanyang Panginoong X. Tila wala itong pakialam sa kanyang mga nagagawa. Ang gusto lang nito ang dapat na masunod. “Bakit niyo po iniisip kung kakayanin ng mundo ang mga zombie? Hindi po ba’t sinasakop niyo naman ito.”

Sumenyas ito. Pinapalapit siya nito. Sumunod naman siya. Nang makalapit siya ay pinaupo naman siya nito. “Tanga!” saka siya nito sinampal. Humandusay siya sa sahig sa lakas ng sampal. Tapos ay pinagpapalo siya ng hawak nitong armalite. “Hindi ka talaga nag-iisip! Wala tayo sa mga pelikula na may mga bayaning magliligtas sa atin kapag may mga zombie na! Baka pati tayo mamatay! Nakita mo naman ang nangyari sayo! Kung hindi ko binaril sina Carmela malamang ngayon ay zombie ka na rin! Kapag ba zombie na ang lahat ng tao magiging Diyos pa ako? Sumasamba ba ang mga zombie sa Diyos? Kaya nga pinapagawa ko na sayo ang vaccine hindi ba para sa Desire? Kasi kailangang sambahin at sundin ako ng mga tao! Sinong sasamba sa akin kung after thirty days patay na sila? Sabihin mo nga sa akin! Nakalimutan mo na ba ang goal ko kung bakit sinimulan ko ‘to? Ang goal ay para kontrolin ang mundo at ipamukha sa kanilang tayo ang matalino’t makapangyarihan sa kabila ng pangmamaliit nila sa atin ‘non! Hindi ko kailangan ang mga palpak mong innovation, innovation na ‘yan! Gusto ko ay sundin mo ang mga utos ko! Ako lang naman ang nag-iisip dito eh! Sumusunod ka lang! Kaya pwede ba umayos ka nalang! Wag mong paulit-ulit na patunayang wala kang kwenta!!!” 

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon