Chapter 71: Terorista, Anak at Bading

25 2 0
                                        

Chapter 71: Terorista, Anak at Bading

Hindi kaagad nakasagot si Baby Boy sa tanong ni Xavier.

"Baby Boy tinatanong kita. Anong problema?" Inulit nito ang tanong sa bagong leader ng Team Spider.

Namutla ang mabagsik na dating terorista. Maliban sa mga illegal na human trafficking business ng grupo at ng security team ni Xavier. Hawak na rin ng Team Spider ang IT team ng grupo. Nag-hire sila ng magagaling na IT experts mula sa India. Ngunit si Yberr pa rin ang nais makuha ni Xavier bilang bahagi ng kanilang IT team. Subok na ang galing nito.

"Sumama nalang po kayo sa kulungan natin sa baba Panginoong X." Anyaya ni Baby Boy. Tama. Isa rin itong Pinoy. Pinoy na pinuno ng terorista sa Middle East. Malayo na nga ang narating dahil pang malakasang terorista na, sa ibang bansa pa. Ngayon nga'y pinuno pa ng Team Spider ng buhay ngunit huwad na Diyos.

Tinulak ni Jonathan ang wheelchair ni Xavier. Sumakay sila ng elevator pababa sa kulungan kung nasaan anf kanilang mga bihag mula pa sa Wuhan. Halo-halong mga nationality ang kanilang mga bihag mula senior citizens, mga bata at may mga karamdaman. Sa kabilang bahagi ng kulungan ay kulungan naman ng mga hayop na ginagamit din nila sa pag-aaral ng virus at vaccines. Ang sunod na palapag ay ang napakalaking laboratoryo na gamit ni Jonathan at ng iba pang mga scientist.

Nang marating nila ang kulungan ay iginala kaagad ni Xavier ang mata sa paligid at mga nakakulong habang tulak ang kanyang wheelchair ng kalaguyong kanang kamay. Puno naman ang mga kulungan pero may napansin pa rin siya.

"Mga Pinoy lang 'to ah? Ito ang mga bagong dating na inalay ang kanilang mga sarili at inalay ng kanilang mga kaanak. Nasaan ang dating mga bihag?" Tanong niya.

"Ano pong bihag Panginoon?" Tanong ng isang lalaking nakatatanda na narinig ang kanyang sinabi. "Bakit po kami nakakulong? Ang sabi ninyo'y poprotektahan niyo kami? Kami ang magiging susi sa katapusan ng pandemyang ito. Bakit kami bihag? Bakit kami nandito sa kulungan?"

"Tumahimik ka!" Si Jonathan ang sumagot. "Pakakainin kayo rito at hindi pababayaan! Bago kayo magreklamo ay isipin niyo nalang ang magandang tungkulin ninyo para sa mundo! Napakaramo mong tanong!"

Nagpatuloy ito sa pagtulak sa kanyang wheelchair. "Baby Boy! Anong nangyari?!" Galit na siya.

"Patawad Panginoong X. Ngunit may nakapasok pong kaaway. Siya po ang nagpatakas sa mga dating bihag. Kinuha niya po ang oras ng digmaan para mapatakas ang mga bihag. Na-hack din po nila ang CCTV system natin kaya walang nakapansin sa camera rito sa kulungan at sa fire exit." Tugon ni Baby Boy.

"Sino?!" Sigaw niya.

"Base po sa aming imbestigasyon ay ang leader ng international security team ng  Techno Bio Lab, si Red."

Binaling niya ang tingin kay Jonathan. "Akala ko ba lahat ng mga kasama ni Myrna at Prances ay napatay niyo na? Bakit nakaligtas 'yung Red?"

"Patawad po Panginoong X. Nawala sa isip namin si Red. Wala po siya sa lab noong naganap ang pagsugod nila Myrna eh. Wala naman na po siyang sapat na kakayahan at resources dahil patay na sina Myrna at Prances." Nanginginig ang boses nito.

"Wala? Wala ba talaga? Napatakas niya ang lahat ng orihinal na bihag tapos wala? Napa-hack niya ang hi-tech CCTV system natin tapos wala?" Bigla siyang may naisip. "Teka nga! Wag niyong sabihing pati ang anak ni Linda at Martin ay nakuha din nila?"

"O-opo Panginoong X. Nakuha ni Red ang bata."

"Aaaaaah! Mga tanga! Aaaaaah! Mga bobo! Akala ko ba naman I have the best team na! Pero paano niyo nagawang pumalpak?!" Then he was so triggered.

"Panginoong X nakikita't naririnig po kayo ng mga tao." Bulong ni Jonathan.

"Aaaaah! Tugisin ang Red na 'yan. Padanakin ang red blood niya! Kuhanin ang bata sa kanya! Ibalik mo ako sa aking silid. Ngayon din!"

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon