Chapter 143: Mixed Emotion and Love Confession
Si Sammy ang naroon sa loob. Ang dalawang taong kanyang kinaiinisan ay nasa loob. Malamang ay zombie na rin si Ralph.
"Dyan kayo nararapat." Pumatak ang luha sa kanyang mga mata. "Sinira niyong pareho ang buhay namin ng ate Ruby ko. Magsisilbing impyerno ang silid na 'yan sa inyo. Mauuhaw kayo pareho sa dugo pero kailanman ay hindi kayo makakatikim. Paalam sa inyong mga walang kwentang tao."
Matapos niyang sabihin 'yun ay naisip niyang bigla ang kanyang anak na nasa sinapupunan niya pa lamang. Tila isa iyong desire na mailigtas ito sa kapahamakan at sa mapanganib na mundo sa gitna ng nararanasang pandemya. Mas lalong tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Napatingin siya sa nakasaradong pinto.
"Hayop ka Ralph! Hayop ka talaga! Hanggang bago ka maging zombie ay puro problema ang dulot mo sa akin!" Naalala niya nang isandal siya nito sa pader. Nang dumikit ito sa kanya habang siya ay kinakausap. Doon niya napagtantong infected si Ralph at siya ay nahawa nito. Desire niya ang kanyang anak sa kanyang sinapupunan. Tila gumuho ang kanyang mundo. After thirty days ay may tsansang mapatay niya ang kanyang sariling anak. Kahit na naisip niya itong ipalaglag noon ay nagbago na ang kanyang isip dahil sa kanyang ate Ruby na handa siyang suportahan. Isa pa ay kung tutuusin patay na si Ralph dahil zombie na ito. Natupad na ang kagustuhan niyang pagkawala nito sa kanyang buhay. Kaya naman ngayon ay hindi niya kakayaning siya pa ang magiging dahilan ng pagkamatay ng kanyang anak.
"Rona!" Biglang dumating sa Diplomat Hotel ang kanyang ate Ruby. Kasunod nito si Red. Malamang ay narinig nito ang usapan nila ni Ralph. Hindi naman niya kasi binaba ang phone nang tumawag siya rito. Yayakapin sana siya nito ngunit hindi ito lumapit sa kanya. Gayon pa man ay kitang-kita niya ang labis nitong pananabik sa kanya. Dama niya rin ang labis nitong pag-aalala sa kanya lalo pa nga't buntis siya. "Okay ka lang ba? Wala naman bang nangyaring masama sayo?"
"O-okay lang ako ate." Nag-aalangan niyang tugon. "Wag kang mag-alala ginalingan ko ang pag-arte para hindi ako mahalata ni Jonathan." Dugtong pa niya sa tugon niya rito. Siya na sana ang lalapit upang yakapin ito, kaso lang ay naalala niyang infected na nga pala siya.
"Gustong-gusto kitang yakapin Rona kaso lang ay infected ako. Infected na ako." Napansin niyang nangingilid na ang luha nito kanina pa ngunit ngayon ay tuluyan nang pumatak ang luha sa mga mata nito.
"Anong nangyari ate?" Tanong niya.
"Nahawa ako kay Donita. Infected na kasi siya noong bumalik. Nakakakita na siya at magtatagal 'yun sa loob ng thirty days. Noong sumugod ang zombie na si Romina ay napalapit ako kay Donita kaya nahawa ako."
"Ate!" Saka siya lumapit upang yakapin na talaga ito. Gayunpaman ay umiwas ito.
"Ang tigas ng ulo mo Rona! Sabi nang infected ako tapos ay lalapit ka pa rin sa akin! Paano kung mahawa ka ha?!"
"Infected din ako ate!" Pagtatapat niya rito.
"Ano?! Gaga ka! Akala ko ba ay ayos ka lang!" Saka siya nito hinigit upang sila'y magyakap. Sa wakas ay naramdaman niya ang mainit na yakap ng kanyang ate Ruby. Halata sa higpit ng pagkakayapos nila sa isa't-isa ang pananabik at pagmamahal para sa isa't-isa. Sila nalang ang naiiwang magkapamilya. Magkapatid. Nagkamali man siya rito noon ay hindi mababago na mahal na mahal niya ito. Labis na niyang pinagsisihan na pumatol siya at nagpauto sa walang kwentang si Ralph.
"Ate natatakot ako. Huhuhu!" Panaghoy niya rito.
"Wag kang mag-alala. Tatapusin lang natin ang misyon na mapabagsak sina Xavier at Jonathan tapos ay gagawa na tayo ng paraan upang mabakunahan tayo. Nagsisimula nang maghanap ng donor si Yberr." Tapos ay nanatili sila sa pagkakayakap sa isa't-isa. Tumagal 'yun nang ilan pang minuto hanggang sa may naalala ang kanyang ate. Doon lang sila naghiwalay sa pagkakalingkis sa isa't-isa. "Teka nga Rona, si Ralph ba 'yung narinig ko kanina? Pinuntahan ka namin kaagad dito dahil tila nasa panganib ka. Pinabayaan ka ba 'nung Joey na 'yun?!" Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...