Chapter 139: Next Phase
Pinakatingnan ni Myrna ang botelya at ang laman noon na halos maubos ng liquid. Kulay asul ‘yun. Nangangamba siyang buksan dahil baka may kung anong mangyari kahit pa sabihing kapurit nalang ang laman ‘non. Napaisip din siya. Parang nakita na niya ang ganoong klase ng botelya nitong mga nakaraang panahon. Hindi niya lang matandaan kung saan.
“Mayroong naghagis nitong botelyang ito doon sa damuhan.” Ipinakita niya ang hawak na botelya kina Prances at Ruby. “Ano kayang laman nito?”
“Naku baka pampasabog ‘yan! Bomba! Bitawan mo ‘yan!” agad na pagbawal sa kanya ni Ruby.
“Good morning!” bigla namang lumabas ng cabin si Romina. Tila maaga itong nagising. “A-ano ‘yang hawak mo Myrna? Bakit hawak mo ‘yang botelyang ‘yan? Paano ‘yan napunta sayo?”
“Alam mo kung saan nanggaling ang botelyang ‘yan?” tanong ni Prances.
“Oo.” Tugon nito.
“Saan?!” sabay-sabay nilang tanong na tatlo.
“Dala ‘yan ni Joey kahapon eh.” Tugon nito.
“Joey? Sino nga ‘yung Joey?” tanong ni Ruby. “Jowa mo? Uy! May jowa!”
“Hindi. Si Joey ‘yung taga Team Spider na kumausap kay Jonathan na titiwalag na raw sila kay Xavier. Siya ‘yung nagdala sa akin dito bilang isang zombie. At ‘yang botelyang ‘yan ay naglalaman ng chemical na nakakakontrol sa mga zombie. ‘Yung aroma niyan ay pinapaamoy sa mga zombie.”
Lumapit si Myrna sa mesa. Inilapag niya ang botelya roon. “Tila may gustong sabihin sa atin ‘yung Joey. Kemikal ang laman ng botelyang ito. Kemikal na may kakaibang amoy na kayang kumontrol sa mga zombie. Ang dugo ng variant X infected ay kayang gumamot sa isang zombie. Ang kemikal na ito ay kayang kumontrol sa zombie. Tapos kailangan nating maka-diskubre ng bakuna para sa mga taong variant X ang Desire V-30 virus sa kanilang katawan. Teka…”
Nagtinginan silang tatlo. “Pwedeng ‘yung chemical combination na nasa loob ng boteng ‘to ang chemical combination na kailangan upang mabuo ang bakuna para sa Variant X!”
“Mryna!” biglang lumapit sa kanila si Julio na humahangos. “Tulungan niyo kami! Si Jenny at Jessie! Nahihirapan silang huminga!”
“Ano?!” dali-dali nilang tiningnan ang mga anak nito.
“Mga anak ko!” Walang tigil sa pagtangis si Juliana. “Tulungan niyo ang mga anak ko!”
Lumapit sina Prances at Ruby sa mga ‘to bilang infected na rin naman ang dalawa. Chineck nila ang dalawang anak ng mga ‘to. Mata. Bibig. Balat. Pati ang pulso ng mga ‘to ay pinakaramdaman din nila.
“Anong meron sa kanila Ces?” tanong niya.
“Tila narating na ng katawan ng dalawa ang limit dahil sa ginagawa nilang pagpapasahan ng dugo.” Tugon ni Prances. “’Yung litid nila sa leeg ay sobrang manipis na. Baka infected na rin ng ibang viruses ang kanilang dugo dahil palitang nagaganap. Kapag hindi ito nasolusyonan ay baka tuluyan na silang mamatay.” Diretsahang pahayag nito.
“Hindi! Hindi! Parang awa niyo na! Iligtas niyo ang mga anak namin!” pakiusap ng lumuluhang si Juliana. Halos durugin ang kanyang puso ng pagtangis ng ina. Nangako pa man din siya sa mga magulang na ililigtas niya ang kanilang buong pamilya. “Gawan niyo ho ng paraan na mailigtas ang mga anak namin! Mamayang konti lang ay kailangan na naman naming magkagatan. Baka hindi na kayanin pa. Hindi ko kakayanin kapag nawala ang mga anak ko. Bilang isang magulang, ang makitang mas naunang nawala ang aming mga anak ang pinakamasakit na pwedeng mangyari sa amin. Ayoko! Ayoko!”
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Ciencia FicciónAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
