Chapter 25: Ritwal

30 2 0
                                        

Chapter 25: Ritwal

Pagmulat ng mga mata ni Myrna ay nasa loob na sila ni Prances ng isang madilim na silid. May isang kandila lang sa sulok na nagbibigay ng malamlam na liwanag sa buong kwarto.

"Ces?" Mahinang pagtawag niya sa ngalan nito.

"Myrns."

"Nasaan tayo?" Tanong niya.

"Nasa loob tayo ng basement ng bahay nila. Nasa taas lang sila para ihanda ang mga gagamitin para sa ritwal. Okay ka na ba? Masakit ba ang ulo mo? Nakita kong duguan ang ulo mo kanina ah dahil sa pagbato sayo 'nung vinyl record."

"Okay na ako Ces."

"Mabuti naman. Nag-alala talaga ko sayo. Akala ko ay hindi ka na magigising." Ramdam niya sa tono ng boses nito ang labis na pag-aalala.

"Okay na ako Ces. Medyo masakit nalang ang ulo ko. Ramdam ko rin ang natuyong dugo sa mukha ko. Ang kailangan nating isipin ngayon ay kung paano tayo makakatakas dito."

"Mukhang hindi na mangyayari 'yun Myrns. Dito na yata tayo mamamatay. Wala man lang lumabas kanina sa mga tao noong sumigaw ka. Tapos sina Red at Caloy wala na rin. Dito na tayo..."

Hindi niya ito pinatapos. "Wag kang magsalita ng ganyan. Hindi tayo rito mamamatay."

"Ano ka ba naman Myrns. Hindi naman tayo super hero o bida sa isang teleserye eh. Horror na nga itong mundo ngayon eh. Wala namang biglang dadating dito para iligtas tayo. Mas mabuti pa kung ngayon palang ay tanggapin na natin ang kapalaran natin. Sabihin na natin sa isa't-isa kung may nais tayong sabihin. Maybe that's the only way para gumaan ang buhay natin bago tayo pumanaw." Kahit na kaunti lang ang liwanag sa loob ay kitang-kita niya ang pagpatak ng luha sa mga mata nito.

"Ces... okay fine kung ito na ang huling sandali natin ay sasabihin ko na sayo ang kakaiba kong nararamdaman." Huminga siya ng malalim. She planned to tell her ang kakaibang kuryente na kanyang nadarama sa tuwing magkakahawak sila. 'Yung mabilis na pagtibok ng kanyang puso. "Ces I..."

"Oh! Sandali lang mga ate! Hahaha! Mamaya na kayo magpaalamanan! Hahaha!" Biglang dumating si Nita kasama ang lolo't lola nito. May hawak ang mga 'to na tig-iisang kandila sa kaliwang kamay. Samantalang mahabang kutsilyo naman sa kaliwa. "Madali lang naman itong ritwal ng pag-aalay para sa mahal na Satanas. Habang nagsisisigaw kayo sa sakit ay pwede niyo nang ituloy ang farewell speech niyo sa isa't-isa. Bale ang mangyayari ibabaon lang naman sa mga bunbunan ninyo itong kutsilyo. Kapag wala na kayong buhay ay kakainin namin ang utak ninyo. Tapos dito mismo sa basement namin ay susunugin namin ang katawan ninyo upang mapunta sa impyerno ang kaluluwa ninyo. Doon mapupunta sa kanan ng mahal na Satanas ang inyong kaluluwa. Siya na ang bahala sa inyo."

"Naririnig mo ba ang sarili mo?!" Sigaw ni Myrna. "Hindi ka pa rin ba titigil Nita?! Ang Diyos ang nagpagaling sayo. Sa kabila ng kaguluhan at takot na dulot ng virus na ito ay kagalingan ang binigay Niya sa inyo. Ang mga katulad niyo dapat ang pag-asa natin ngayon pero anong ginagawa niyo? Sinasayang niyo ang pangalawang buhay na meron kayo! Sinasayang niyo sa kabaliwan niyong 'to!"

Winasiwas nito ang kandila sa kanyang mukha. Tumalsik sa kanya ang luha ng kandila.

"Aaaaaaah!" Napasigaw siya sa sakit.

"Tama na!!!" Pagpigil naman ni Prances.

"Alam mo kanina ka pa ah! Kanina ka pa dyan sa Diyos mo at sa kung anu-anong pinagsasasabi mo. Naririndi na ako sayo! Pero hindi ikaw ang uunahin kong ialay sa mahal na Satanas. Itong kasama mo ang mauuna para makita mo kung gaano kasakit ang pagtarak ng kutsilyo sa kanyang ulo. Doble ang sakit na mararamdaman mo habang nakikita mong nawawalan ng buhay ang kaibigan mo! Hahaha!" Pumwesto na ito sa likod ni Prances.

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon